Hinhin: 13

1K 21 4
  • Dedicated kay Rochelle de Vera
                                    

“Ang tagal mo naman babe. Kahit kelan talaga ang bagal mo tibo.” Reklamo ni Miggy pagkapasok niya sa kwarto ko. Napagpasyahan kasi naming na umuwi nan g Pilipinas. Its been a month and a half mula nung hindi natuloy ang kasal nila.

Kailangan niyang umuwi para sa opening ng season ng PBA.

“Eto na po matatapos na” sabi ko habang inaayos yung laman ng bag ko.

“Excited na ko ipakilala ka kina mommy. Kinukulit nila ako na dapat isama kita pauwi ng Pinas.” Nakangiting sabi ni Miggy habang papalapit siya sakin.

Naalala ko sina Mommy nung sinabi niyang gusto niyang makilala ako ng parents niya. Namiss ko na yung parents ko.

That’s the first thing na gagawin ko pag uwi ko, ang dalawin sila.

Nung patayo na ko ay nahagip ng mata ko yung isang red na notebook sa may ibabaw ng drawer ko kaya kinuha ko to at isinilid sa hand carry na bag ko. Napansin kong napataas lang ang kilay ni Bading.

“Lets go?” Tanong niya sakin kaya tumango na lang ako at dumiretso na sa pintuan.

Binigyan ko ng huling libot na tingin ang kwarto ko na nagging saksi sa mga araw, buwan at taon ng paghihirap ko. Mamimiss ko tong kwarto ko for sure.

Pagbaba namin ng hagdan ay nakita kong umiiyak si Mayden katabi ni Aiji.

“Hey bat ka umiiyak?” Natatawang tanong ko sakanya.

“Kasi naman bat aalis ka na? Mamimiss kita.” Yumakap siya sakin.

Si Mayden ang nagging bestfriend ko habang nandito ako sa Greece so ayun mahalaga siya sakin.

“Ano k aba. Malapit lang ang Pinas. 14 hours na byahe lang so parang nag ikot ka lang ng buong maghapon.” Natatawa pa rin ako para pigilan yung luha ko.

“Sure ka na ba talaga? Ayaw mo na mag model?” Tanong ni Aiji sakin sa seryosong muka.

“Hindi, okay na ko. Kailangan kong ayusin yung mga iniwang kompanya nila daddy sa Pinas.” Ngumiti ako sakanya at niyakap din siya.

“Tara na?” yaya sakin ni Miggy dahil baka mahuli kami sa flight.

Yung valet lang ang maghahatid samin sa Airport dahil ayokong magpahatid kina Mayden baka umiyak lang yun.

“Ingat kayo pre. Alagaan mo yan. Wag mo ng pakawalan” tapik ni Aiji sa likod ni Miggy.

“Oo pre. Salamat sa pag-aalaga sakanya nung wala ako.” Sagot niya kay Aiji bago ako inakbayan at inalalayan palabas ng bahay.

Bago kami sumakay ng kotse ay napasimagot siya habang tinitignan ako.

“Sa susunod nga wag kang magsusuot ng ganyan kaikli. Mahaba ang suotin mo.” Nakasimangot na sabi niya. Ano bang problema sa suot ko?

Naka white dress kasi ako na hanggang kalahati ng hita yung haba at naka flat shoes lang.

“Anong gusto mo? Magmadre ako sa suot ko?” Inis na tanong ko sakanya kasi wala akong makitang problema sa suot ko.

“Tapos magsuot ka ng belo” biro niya pa sakin.

“Kainis ka. Ewan ko sayo.” Nabadtrip ako sa sinabi niya. Pano ba naman insult kaya sakin yun bilang isang fashion icon. Sipain ko to pabalik ng Pilipinas mag-isa eh. Kainis talaga.

“Tapos susuutan kita ng singsing”Hinampas ko na siya sa huling sinabi niya pero napangiti ako.

“Oh tama na. Sakit eh” hinuli niya yung kamay ko na patuloy sa paghampas sakanya at sa pagbatok. At niyakap niya ko.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon