Hinhin: 3

1.3K 29 11
  • Dedicated kay Jack Maunnick
                                    

MIGGY's POV

I promised myself i won't fall in love with her again, but i guess promises are meant to be broken. No. Scratch that. I never fall in love with her again because from the first time I fell for her, I wasn’t able to fall out of love. Now, she’s standing in front of me.

Gusto kong kurutin ang sarili ko, gusto kong sampalin ang sarili ko para malaman kung nanaginip lang ba ako o ano. Ngayon nandito siya. Nakatayo sa harap ko.

Nakasuot siya ng isang fit na pantalon at isang hapit na simple shirt. Para siyang isang diyosa na bumaba mula sa Mt. Olympus.

Biglang bumalik sa realidad yung diwa ko ng magsalita siya.

“Next time, matuto kang tumingin sa kalsada kung may tumatawid o hindi. Kung ayaw mo sa buhay mo wag mong idamay ang buhay ng iba.” Sabi niya bago tumalikod at nagsimulang umalis.

Bat napaka cold niya?

Bat siya pa ang may karapatang magsungit?

Konsensya: Tanga ka? Ikaw kaya muntik masagasaan, matutuwa ka?

Tangnang konsensya ‘to.

Gusto ko siyang habulin pero nakasakay na siya sa kotse niya.

Tinanaw ko na lang ito palayo.

Muka akong tanga na nakatayo sa gitna ng kalsada.

Mabuti na lang at walang masyadong dumadaan.

Nagsisi akong hindi ko siya hinabol. Pero para ano pa? para pagmukain na naman tanga ang sarili ko at hayaang ipagtabuyan niya ulit?

Konsensya: In the end we only regret the chances we didn't take.

Leshe! Tumigil ka nan gang konsensya ka. Hindi ko kailangan ang opinion mo!

Sumakay na ko sa kotse at pumunta sa isang lugar. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Pinarada ko yung kotse ko sa likod ng ASUniv at umakyat sa bakod. Same old routines. Hanggang ngayon kaya ko pa rin ‘tong akyatin. Buti walang gwardia baka mapagkamalang magnanakaw ang kagwapuhan ko.

Pagkapasok ko sa school premises ay dumiretso ako sa roof top.

Pagdating ko sa rooftop ay dumiretso ako ng higa sa isang papag na nakalagay dun.

Humiga ako at tumingin sa kalangitan.

Naalala ko yung gabing magkasama kami dito at parehong tinitignan yung isang langit na nakikita namin. Pero ngayon? Wala na. wala ng halaga sakanya ang lahat.

We both live under the same sky but we don’t all see the same light.

Hindi nga nag-iba ang kanyang pisikal na anyo. Lalo lang siyang gumanda pero ibang iba na ang aura niya. Parang nababalutan na siya ng yelo pero kanina ng napatingin ako sa mga mata niya. Isang malungkot na expression ang sandaling lumitaw sa mga mata niya. Nanghihinayang ba siyang iniwan niya ko?

Napabuntunghininga na lamang ako. May mga taong dumarating lang talaga sa buhay natin para lang turuan tayong mag-let go. At sa case ko? Siya ang taong yun.

Tinuruan niya kong i-let go ang puso ko, ang pagmamahal ko. Kaya kahit masakit ginawa ko. Hindi ko inaasahan na masyadong magiging mabilis ang pagkikita naming dalawa at sa ganung sitwasyon pa.

Sa mga nararanasan ng tao na mga kabiguan Minsan masasabi mo nalang na ayaw mo na. Na tama na kasi habang tumatagal lalo kang umaasa kahit alam mo naman na wala ka talagang aasahan.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon