Hinhin: 12

1K 19 5
  • Dedicated kay Anya Marie du Courdrey
                                    

“Tibo, sopas ka ba?” Nakakalokong tanong sakin ni Miggy. Nakooo po ayan na naman siya sa mga banat niya. Mula ng madischarge ako sa ospital wala kaming ibang ginawa kundi magbonding upang bawiin yung mga oras na nasayang saming dalawa pero minsan naiisip ko nab aka isang araw pag gising ko, wala na naman siya sa paligid ko.

“Yan ka na naman eh. Sige nga, baket?” Balik tanong ko sakanya habang nanunuod kami ng Oggy and the cockroaches sa sala.

“Kasi everytme I see you, my heart beat sopas eh.” Langya. Ilang mais po ba nakain netong batang to ang bat ganito ka korni?

“Ah. Okay matapos lang” Sira ko sa cheesy mood niya. Eh kasi naman di ako mapakali twing babanat siya eh. Mamaya siya banatan ko jan eh.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nag pout siya. Hahaha ang cute mukang unggoy si Bading. Joke lang hahaha

“Tibo, pag niligawan kita sasagutin mo ba ko?” seryosong tanong niya sakin kaya napalingon ako sakanya.

Nako Oo di pa nanliligaw yang lintak nay an. Pagto nanligaw papahirapan ko. Makabawi man lang ako sa dinanas kong sakit mula sakanya muahahaha bad.

“Oo naman” Ngiting ngiting sagot ko sakanya. Nakita kong naglight up yung muka niya.

“Talaga? Anong isasagot mo?” Excited na tanong niya. Psh. Parang bata.

“A.YO.KO.” Spoilin ang mood niya. Hahaha.

Nagulat ako kasi bigla niyang iniharap yung muka ko sa muka niya at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong halikan.

Putspa di ako nakapaghanda ah.

Kumapit ako sa batok niya at nagrespond sa mga halik niya pero bigla niya itong pinutol. Argh kaines..

“Now tell me, Anong isasagot mo?”  Ulit niya ng nakakaloko.

“A.YO.KO” ulit ko naman sa sagot ko kanina.

“Ok” Sabi niya at hinalikan na naman ako.

Fudge. Sige sasabihin ko ulit ayoko para halikan niya ulit ako muahahaha.

Pinutol niya ulit yung halik at tumingin sa mga mata ko. Parang hinihigop yung kaluluwa ko pag tinitignan ko siya sa mga mata.

“Eh ngayon?” Tanong ulit niya.

Ngumiti ako ng malapad tsaka sinabing “A.YO.KO. PA. RIN.”

“Psh. Gusto mo lang malasap ang matamis kong labi eh. Ano ba yan tibo ang shrek ng utak mo” Tawa siya ng tawa.

Hinampas ko siya at sumubo na lang uli ako ng coffee jelly na gawa ni Mayden sarap. Pano kaya kung isang araw iwan na naman niya ko? Pano kaya kung mamatay na ko kasi wala pa kong nahahanap na donor? Pano kung away niya na sakin kasi may sakit ako? Pano kung marealize niya na mahal talaga niya si Candy?

Nasabunutan ko yung buhok ko dahil sa naisip ko bigla. Di ko na tuloy naenjoy yung pinapanuod ko.

“Bading may tanong ako.” Sabi ko sakanya na hindi lumilingon sa direksyon niya.

“Ano yon mahal KO?” ni-emphasize niya pa yung KO sa salitang ‘Mahal KO’ inangkin na ko  enebeyen.

“Cute ba ko?” Kasi naman naiinsecure na ko.

“No.” Diretsong sagot niya na hindi man lang ata nagdalawang isip. Potek.

“Gusto mob a kong makasama forever?” Tanong ko ulit sakanya. Syempre mabuti na yung sigurado.

“No.” sagot niya na naman. Eh ano pang ginagawa neto dito? Putspa.

“Iiyak kaba pag nawala ako?” last na ‘to promise. Naiiyak na naman ako.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon