Chapter 14 - Shopping

14.7K 375 16
                                    

Chapter 14

 

Its been a month since I last saw him. Its been a month yet I still feel the same way. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, si Liam parin yung mahal ko. Damn! How stupid can I be?

I was looking at him. He seem fine. I was about to turn my back when he called me.

“Lexi!”

I fake a smile. “Hi.”

“You’re alone? Or you’re with someone?” Lumingon siya. Trying to find if I have a company.

I shook my head. “Alone time. Shopping. Ikaw?”

“Magisa lang rin ako.” He smiled. “Can I join you? Magshoshopping din ako eh.”

Kailan pa siya natuto magshopping?

 

I nodded and smiled. Atleast kahit papano makakasama ko siya. Kahit sa gantong paraan lang.

“Ano sa tingin mo?” Tanong niya sakin habang pinapakita yung dalawang dress na hawak niya. I stared at both dresses.

Bakit ang sakit sakit? Bakit ang manhid netong lalaking nasa harap ko? Di ba niya alam na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ako talaga ang pinapapili niya ng dress na babagay kay Brianna? T-angina naman.

 

I pointed at the cream colored dress. “That one’s nice. Sige hanap lang ako ng damit ko.” Tapos tumalikod na ko pero napahinto ako ng tawagin niya ko.

“Lexi.” Tawag niya. Nilingon ko siya, I was trying so hard not to cry. Kahit sobrang sakit ng ginagawa niya, hindi ko pwedeng ipakitang nasasaktan ako. If this is the only way to spend time with him, then so be it.

“Feeling ko kasi magkasukat kayo ni Bri. Pwede bang isukat mo to tas kung sakto tsaka ko bibilhin?”

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong sumigaw at sabihing ANG SAKIT SAKIT NA! P-UTANGINA NAMAN TAMA NA! But instead of doing that, I just faked a smile.

“Sure.” Kinuha ko sa kamay niya yung dress sabay pumasok sa fitting room. Pagpasok na pagpasok ko, doon na naglabasan lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tinignan ko yung dress. Nakaramdam ako ng inggit.

Ginusto mo yan. You wanted to be with him so deal with the repercussions.

 

Gustong gusto ko ng umalis dito. Pero namiss ko siya. Namiss ko siya ng sobra. Kaya kahit nasasaktan ako, titiisin ko, makasama ko lang siya ulit.

I wore the dress and wiped my tears. Medyo namumula pa siya pero hindi naman na sobrang halata. Lumabas ako ng fitting are and smiled at him.

Chasing HimWhere stories live. Discover now