Chapter 3 - One Drunken Night

17.3K 474 53
                                    

Chapter 3

 

Nandito ko ngayon sa SL. Sander Liam. Sakanya ko pinangalan tong bar na to. Yes, I own this bar.

“Good evening Mam. What’s yours tonight?” The bartender asked me. Kilalang kilala na ko ng bartender na to. I used to drown myself with alcohol here and get f-cking wasted everytime Im missing Liam. And now’s one of the nights na namimiss ko siya.

“15 shots.”

15 shots of vodka. I think that would kill me for tonight.

Habang inaantay ko yung 15 shots ko, inikot ko yung tingin ko. I can see a hot guy and a bitch making out in one of the couches. Nilipat ko yung tingin ko sa tabing couch nun, there’s this guy, well yeah he’s hot, pero hindi ko gusto yung pagtingin tingin niya sakin. Ugh. Lalo na yung pagkindat niya.

What the hell?

 

“15 shots for Ms. Jillian.” Sabi nung bartender paglapag niya ng 15 na shotglass sa harap ko.

I took the first shot. Gumuhit agad siya sa lalamunan ko. Baka nanibago lang ulit ako. Its been a month nung huling inom ko. Im so busy with Mon Amour na wala akong time lumabas at magpakalasing. Just tonight.

Hindi ko na kasi kaya yung lungkot sa condo ko.

Yes, I moved out of Liam’s condo about 4 years ago. I mean, wala naman na kong karapatan dun since basically, iniwan niya na ko. So might as well, move out. Pero hindi naman talaga ko lumayo. I bought the unit infront of Liam’s unit para magkatapatan lang kami ng unit.

Binibisita ko parin yung unit niya. Nililinis ko. Nilalagyan ko ng stock yung ref. Pa-minsan minsan natutulog ako dun. Just to feel his presence.

I lost count kung nakailang shots na ko pero one thing’s for sure. Tinatamaan na ko. Binilang ko yung shotglass na may laman.

“1...2...3...4... Aww four nalang.” I said out loud. Nobody would mind me since everyone’s busy partying.

Ininom ko yung isa, dalawa at pangatlong shot. At nung panghuli na may umagaw na nung shot ko.

“Liam!” I hugged him. But then I realized something kaya kumalas ako sa yakap at naglakad palabas ng bar. Muntik pa ko matumba, buti nalang nakahawak ako agad sa isang upuan.

Naglalakad ako papunta sa sasakyan ko ng may biglang bumuhat sakin.

“Put me down! Ugggh! I said put me down!” Pinagsusuntok ko yung likod niya pero hindi niya ko pinansin. Bwisit. Bumabaliktad yung mundo! Ohhh!

Naramdaman ko nalang binaba niya ko. Nasa tapat na kami ng isang sasakyan.

“Jill.” Tawag niya sakin.

Hinarap ko siya at sinampal ko siya. Nagumpisa na naman akong umiyak. Damn, ang hina hina ko!

 

“Alam mo nakakainis ka eh! Nakakainis ka! Umalis ka nalang bigla ng walang paalam! Umalis ka dahil akala mo pinili ko si Calex. Assuming ka rin noh?! Sana naghintay ka pa kahit konti! Sana nalaman mong ikaw naman talaga ang mahal ko at bestfriend nalang ang turing ko kay Calex! Pero umalis ka! Iniwan mo ko! You f-cking left me like Im nothing! Ganun ganun lang sayong biwatan yung limang taon nating pagsasama!”

Pinagsasapak ko siya sa dibdib.

Ang daya daya niya eh.

“Five f-cking years Liam! Five f-cking years tayong magkasama tapos dahil lang sa isang akala tinapos mo lahat yun! Dont I deserve atleast a proper break up? Bigla ka nalang umalis. You left me hanging! Ni-hindi mo man lang ako kinausap ng harapan na ‘Sige si Calex naman pinili mo kaya break na tayo.’ Pero ano, bigla ka nalang nawala! Tapos after three weeks, biglang may dadating na sulat saying na ituloy namin ni Calex ang kasal! YOU ARE F-CKING INSANE LIAM! BAKIT MO BA KO PINAGTUTULAKAN SA IBA! IKAW ANG MAHAL KO! IKAW LANG!”

Napaupo ako sa sahig ng parking lot.

“Ang sakit sakit kasi eh. Sobrang sakit. Alam ko namang mali ako dahil ang tanging text ko lang sayo nun is Im sorry. Yeah, Im f-cking sorry! Pero hindi naman ibig sabihin nun na si Calex na yung pipiliin ko. Diba sabi ko naman sayo nung nasa Bora tayo, kahit pa bumalik lahat ng alaala ko, ikaw parin ang pipiliin ko. Simply because ikaw yung mahal ko. Bakit kasi hindi ka naghintay! Kahit 1 minute lang sana, nagtagal ka pa! EDI SANA NALAMAN MONG IKAW ANG MAHAL KO!”

I cried and cried and cried. I dont know. Maybe its alcohol talking.

“Edi sana nalaman mong ikaw ang mahal ko, Liam.

Mahal na mahal kita, Liam.”

Niyakap niya ko. I tried to get away from his hug but I was too weak to do so. Before I passed out, I heard a voice. Im not sure kung nananaginip lang ba ko, o totoo yun.

“Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan Babes eh. Ako rin. Makita lang kitang nasasaktan, nasasaktan na rin ako. Lalo pa tuwing maririnig ko sa bibig mo kung gano mo siya kamahal. Lasing ka na naman, kaya si Liam na naman ako sa paningin mo. Lagi nalang si Liam. Kelan ka kaya tatama? Kasi ako to eh, si Calex to.

Chasing HimWhere stories live. Discover now