Chapter 6 - "Even if it means chasing him."

14.4K 374 18
                                    

Chapter 6

 

“Anong gagawin mo pag bumalik si Liam?” Tanong sakin ni Nics.

Andito kami sa SL nila Nics, Calex at Migs. Okay, Im not planning to get drunk. Night out lang daw sabi ni Nics. Pumayag ako agad, I needed a drink.

“I’ll get him back. I’ll do everything to have him back, even if it means chasing him.”

Napatingin sakin si Calex. Di ko maintindihan yung nakikita ko sa mata niya, halong lungkot, sakit at galit?

“Chase him? Paano kung may girlfriend na siya, hahabulin mo parin siya?”

“Mag-asawa nga naghihiwalay eh. Mag-girlfriend boyfriend pa kaya?” Sagot ko kay Calex.

He sighed.

“Eh paano kung may asawa na siya?” Tanong ni Nics.

I shook my head. “That’s not gonna happen. Ako lang ang papakasalan niya sa harap ng altar.”

“Six years is six years Jill. Paano kunwari pagbalik niya may asawa’t anak na siya?” Tanong ulit ni Nics. Nakita kong nakaabang sa sagot ko sila Migs at Calex.

Paano nga ba kung bumalik siya at may pamilya na siya? Kakayanin ko ba?

 

“I’ll still chase him.” I simply answered.

“What? Dont tell me papayag kang maging kabit?”

“Yes. Im willing to be the other woman, kung yun lang yung paraan para bumalik siya sakin. Then yes.” Sagot ko.

Biglang tumayo si Calex at lumabas ng bar.

“Problema nun?” I asked them.

“Sundan ko lang.” Sabi ni Migs.

“Alam mo makiramdam ka din kasi sa mga tao sa paligid mo.” Sabi ni Nics sakin pagalis ni Migs.

“Ano bang ginawa ko?”

“You just told us that you’re willing to be the other woman. Di ka ba nagiisip? Una maninira ka ng pamilya ng may pamilya. Pangalawa, bakit mo kailangang maging kabit, anjan si Calex oh. Handang handa kang saluhin.” Sabi ni Nics.

“We’re talking about what-ifs right? Tsaka isa pa, impossible yun. Hindi magpapakasal si Liam sa iba. And please stop it, Calex’s my bestfriend. Period.”

“Bestfriend ang turing mo sakanya, eh siya sayo? Mahal ka nung tao.” Sabi niya sakin.

“I know.”

Alam ko naman. Duh.

 

“Alam mo pala eh. Bakit kasi di nalang si Calex?”

“Hindi natuturuan ang puso, Nics. Si Liam ang mahal ko. Siya lang.”

“Ewan ko sayo. Sundan mo yung bestfriend mo.” Sabi niya sakin.

“Tss. Ang dami kasing arte.” Bulong ko. Lumabas na rin ako ng bar. I saw Calex and Migs from afar. Lumapit ako. Nakatalikod sila sakin kaya di nila alam na nasa likod nila ko.

I dont wanna eavesdrop pero wala akong choice. Rinig na rinig ko yung pinaguusapan nila.

“Mahal na mahal ko siya dude. Sobra. Ang sakit sakit lang kasi, bakit ba palagi nalang tungkol sa kambal ko? Palagi nalang tungkol kay Liam.” Rinig kong sabi ni Calex.

Tumalikod na ko at naglakad papunta sa sasakyan ko. I dont wanna hear what he has to say. Magulo na ang buhay ko. Ayaw ko nang mas gumulo pa.

Alam ko sa sarili kong nasasaktan ko na siya. But he’s all I have now. Ayaw ko mawala yung bestfriend ko.

I can’t sleep. Isang oras ko na sinusubukan matulog pero wala parin. Bothered ako kay Calex. Pag kasi sobrang bigat ng nararamdaman ko, sakanya ko umiiyak. Kahit pa gusto kong pabayaan niya na ko sa mga ginagawa ko, gusto ko paring anjan lang siya tuwing kailangan ko siya. Ang labo ko.

Bumangon ako at pumunta sa bahay nila Calex. I didnt bother changing my clothes. Naka-pajama lang ako, pero wala na kong pakialam. Wala namang makakakita sakin, its freaking 2 in the morning.

Pinapasok naman ako agad ng guard nung nakita niya ko. Umakyat ako sa kwarto niya. Nakalock but I have my keys. Bata palang kami may susi na ko ng kwarto niya.

I saw him sleeping. Tinabihan ko siya at sabay niyakap. Nagising naman siya.

“Jill?” Tanong niya. Halatang nagulat siya ng makita niya ko.

“Sorry.” I answered and hugged him tighter.

Niyakap din niya ko sabay kiniss niya yung tuktok ng ulo ko.

“Its okay. Tulog na tayo. Goodnight babes.” Sabi niya sakin.

“Goodnight babes.”

And with that we fell asleep in each other’s arms.

 ******************

Malapit na po lumabas si Liam. Malapit na malapit na. Hoho.

PS. I made some adjustments sa Prologue. Check niyo nalang po. Konting konti lang naman.        

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon