Chapter 12 - Lunch

14.3K 400 52
                                    

Chapter 12

 

I immediately hugged him the moment he went out of his car.

“Jesus! Mamamatay na ko sa aura sa loob.” Sabi ko sakanya.

Niyakap din niya ko sabay kiniss ako sa cheeks. “Hahaha. Bakit naman? Anong aura ba meron dun?”

Kumalas ako sa yakap. “Kasi naman, nandun sa loob si Liam, yung asawa niya at yung anak niya. Like what the hell? Konting konti nalang magbbreak down na ko dun eh.”

Hinawakan niya yung kamay ko. “Wag ka magalala, andito ko.” Sabi niya sabay smile.

I smiled. “Buti nalang anjan ka.”

“Theo? Ikaw na ba yan? Napakagwapo mo namang bata ka.” Sabi ni Mommy pagpasok namin. Nasa sala silang lahat nila Liam, Brianna at Josh.

“Hi Tita.” Sabay bumeso siya kay Mommy. “Sander.” Bati niya kay Liam.

“Theo. This is Brianna.” Sabay pakilala ni Liam kay Brianna.

“Hi.” Bati ni Brianna. Ngumiti pa siya.

Ngiti pa. Bwisit ka.

 

“Hello.” Casual na sabi ni Theo.

“And this is my son, Josh.”

“Hi, Im Tito Theo.” Sabi ni Theo sa bata.

“Hi Tito Theo. Are you Tita Lexi’s boyfriend?” Tumingin si Theo sakin at kumindat.

“Soon.”

“You really look good together po.” Sabi ni Josh samin.

Being the touchy Theo. He snaked his arms around my waist. “Talaga? Tell your Tita Lexi to answer me so that we’ll be official.”

“Yes Tito. Tita Lexi answer Tito Theo so that he’ll be your boyfriend.” Sabi ni Josh na tumatawa.

Kinurot ko si Theo. “Ikaw kung ano ano tinuturo mo sa bata.”

Nandito na kami sa lamesa. Si tita sa gitna ng lamesa, katabi ko si Theo habang nasa harap naman namin sila Liam, Brianna at Josh.

Ako yung naglalagay ng pagkain sa plato ni Theo.

“Ang sweet mo naman Lexi. Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.” Sabi ni Brianna sakin.

Tinignan ko si Liam.

“Maswerte talaga pag naging boyfriend ko. Maalaga kasi ako eh. Gusto ko pinagsisilbihan ko yung mahal ko.” Sabi ko habang nakatingin kay Liam.

Chasing HimWhere stories live. Discover now