Sixteen Crushes

4.3K 131 21
                                    

Movie: Sixteen Candles

Nagkakamabutihan na ba kayo ng anak ko?

O...opo tito.

Hindi na kayo magkaibigan lang?

Hi...hindi na po.

Kelan pa?

Kan...kanina lang po.

Kanina lang?

Op...opo.

Eh bakit mukhang naka-homerun ka na agad? Player ka ba ng baseball hija?

'Tay!

H...hindi po tito. Volley...volleyball player po ako.

Parang mas bagay sa'yo kung magiging baseball player ka. Diretsong homerun palagi kapag pumalo ka eh. May kilala akong coach. Baka gusto mong ipakilala kita.

'Tay naman!

Hey, it's okay! I shushed Jema, tapping her hand that was holding mine.

At anong gusto mong maging reaksyon ko Icay sa nakita namin kanina? Matuwa?

I'm really sorry about earlier po, tito.

May pahintulot ba ng anak ko ang ginagawa mo sa kanya kanina?

Meron 'tay! At ako po ang unang humalik kay Deanna, singit na naman ni Jema.

Aba, at ikaw pa talaga ang nagpasimuno ha?

'Tay kasi!

Huwag mo nga akong ma-"tay, kasi, kasi" dyan, ha Jessica Margarette! At ano, kung hindi kami dumating ng nanay mo, ilang homerun matatakbo ninyo ha? Hindi kita pinalaki para magwalanghiya lang!

Eh hindi...

I'm deeply sorry po, tito! pinutol ko na ang kung ano mang sasabihin pa ni Jema. I take full responsibility of what happened earlier. Wala pong excuse. And I'll accept whatever punishment you'll give me. Huwag na po sana si Jema, ako na lang po, tungo ang ulo kong pakiusap sa kanya.

I swear at this point, gusto ko nang matunaw sa sobrang kahihiyan! I disrespected Jema's parents by not respecting her! Only now I realized the consequences of my actions.

Me and my hormones! Agh!

Iwanan mo muna kami Icay. Mag-uusap kami nang masinsinan nitong si Deanna.

'Tay!

Jessica.

'Nay! Kausapin nyo po si Tatay, please? halos maiyak na nitong pakiusap sa ina na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Iwan na muna natin ang tatay mo at si Deanna, anak. Halika na, dun muna tayo sa kuwarto mo.

Pero, 'nay!

Baka gusto mong pauwiin ko na itong si Deanna at hindi na kayo magkita pa, Jessica??

It's okay lablab! It's okay! I pressed her hand harder, assuring her it will be all right. Though deep inside, my  heart is pounding hard against my ribcage.

Sinundan ko si Jema ng tingin habang puno ng pag-aalinlangang tinungo nila ng nanay niya ang kuwarto niya. And before she closed her door, she mouthed "I love you" and I did the same.

And there goes my strength. I prayed silently as I bowed my head, hoping against hope that whatever Jema's father gives me as a punishment, matatanggap at magagawa ko ng buong-buo.

CrushWhere stories live. Discover now