8 Crush In A Duffel Bag

4K 102 10
                                    

Movie: 8 Heads In A Duffel Bag

O, hija, eto na ang order mo oh.

Salamat po 'Nay Ising! Mamaya po ulit ha! Pakisabi na lang po sa delivery na eksaktong 1 pm.

Wag kang mag-alala. High priority yung sa'yo! Si bunso ko pa mismo magdi-deliver! Ha ha ha!

Salamat 'nay!

Ay teka, yung para mamayang gabi, ia-arrange ko na din ba na i-deliver?

Ah, hindi po 'nay. Daanan ko na lang po bago kayo magsara mamaya.

Eh paano ba yan, maaga akong magsasara ngayon at may pupuntahan ako.

Ganun po ba?

Eh tumawag ka na lang sa akin at iuutos ko kay Ricardo na buksan ang shop para sa'yo, tukoy nito sa bunsong anak.

Naku 'nay, wag na po! Nakakahiya!

Ano bang nakakahiya eh numero unong suki kita at anak na rin kitang bata ka? At siyempre dapat tulungan kita. Nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo kaya suportahan ta ka! Kaya, aja!

Ha ha ha! Si nanay talaga!

O siya, bilisan mo na at baka hinihintay ka na ng iniirog mo! Mukha ka pa namang dugyot dyan sa hitsura mo! Ha ha ha!

Inamoy ko ang sarili ko.

Amoy baby pa rin naman ako 'nay! At kahit amoy pawis ako, di pa rin nawawala pagka gandang-gwapo ko! pagmamayabang ko.

Yan ang fighting spirit! Aja!

Aja!

At nag-apir pa kaming dalawa habang nagtatawanan.

O siya, ikumusta mo na lang ako sa kanya.

Opo! Salamat po ulit 'nay!

Mabilis ang kilos kong bumalik sa sasakyan dala-dala ang binili kong bulaklak. It's 15 before 7am, I have 15 minutes to reach her place.

It's been weeks since that talk I had with Jema.

Flashback

Oo, gusto natin ang isa't isa pero hindi ko yata kayang maging tayo.

I'm sorry, Deanna!

Bakit nung umamin siya sa akin na gusto niya ako, ang tagal bago nag-sink in sa utak ko? Pero, eto na naman ang rejection niya, at ang bilis kong naintindihan? Sadista ka, heart?

Bago pa man ako makapagsalita, mabilis na siyang lumabas ng sasakyan at patakbong lumayo.

Jema, wait! mabilis din akong lumabas para habulin siya. Naabutan ko naman siya at pilit pinigilan na tumakbo pa palayo sa akin. I turned her around and I felt weak seeing her cry like that.

I'm sorry Deanna!

Hush! Hush! It's okay! It's okay! Please stop crying! yakap ko sa kanya, trying to ease whatever pain that 'sorry' caused on her.

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa may leeg ko habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko rin ininda ang mga tinging ipinupukol sa amin ng mga tao.

Let's go back to the car, yaya ko nang maramdaman kong medyo nahimasmasan na siya. Naramdaman ko ang pagtango nya kaya inalalayan ko siyang pabalik ng sasakyan.

CrushWhere stories live. Discover now