The Fifth Crush

4.5K 125 1
                                    

Movie: The Fifth Element

Sino po ang.... D.... Deanna Wong?? Ik...kaw si Deanna Wong di ba?  Yung taga Ateneo???

Ye....yes...?

An... Anong ginagawa mo dito?

Ahm,  andito ba ate Jema mo?

Si ate Jema?  Pero...teka nga.  Ate Jema!  lingon nito sa likod.  May naghahanap sa'yo!  Si...

Oh no! Pls don't! pigil niya.

Ay!

Sino daw?  Hoy Jovi,  sinasabi ko sa'yo!  Kapag yan si ex na naman! ganting sigaw ni Jema.

Hindi si ex ate!  Future toh!  Future!

I feel the hotness of  Saturday morning, pero pakiramdam ko dumoble ang init na nararamdaman ko sa sinasabi ng babae sa harap ko. I know what she meant,  and she mistook me as a typical chinese who courts in the middle of the day.

Yes, I'm holding a flower in one hand and some chocolates in the other hand,  but I swear,  hindi ako manliligaw! 

Weh, sino niloko mo Wong? my conscience teased me.

Wala akong niloloko!  I just want to thank her for all those messages and encouragements she sent last night.  The least I could do is appreciate her by giving her flowers! depensa ko sa sarili ko.

Uso ang magreply ng "thank you", sapat na yon.  At saka sabi mo rin flowers,  wala kang sinasabing chocolates.  So para saan sila?

Para sa...para sa....oh shut up brain!  Aminado akong miyembro ako ng rainbow society, pero wag mo nang dagdagan pa ng ibang kulay mga ginagawa ko!

Whatever Wong!  Whatever!

Tapos ka nang makipag-argumento sa sarili mo?

H...huh?!

Si Jema!  Nakahalukipkip ang mga braso at nakataas ang kilay sa akin!

Bakit nandito na siya sa harap ko??? Di ba kapatid niya ang kaharap ko kanina?  Bakit...?

Kanina pa po ako dito sa harap mo at kanina pa pakibot-kibot yang bibig mo. So, naisip kong baka nakikipag-away ka sa sarili mo. Hindi ba umayon utak mo sa katawan mo? seryoso ang tingin niyang tanong sa akin.

I.....I'm sorry!

Joke!  Ha ha ha! 

Huh?!

Hay nako Wong,  masyado kang seryoso! 

Napakamot na na lang ako sa batok sabay tungo ng ulo.  Hindi ko kasi mapigilang kiligin dahil ngumiti sa akin ang isang Jema Galanza!

So, anong sadya mo dito? tanong niya. And this time, malambing na ang boses niya. I lifted my head and there's her angelic smile.

I've surely never seen a real angelic smile, but I'm sure Jema's can be counted as one.

Deanna? Yoohoo! Earth to Deanna!

Huh?

Ano nga...

Ahm, for you! Sabay abot ko sa kanya ng sunflower bouquet at mga tsokolate. I'm ah...I...ah...I went to your dormitory kanina pero sabi ni Eli umuwi ka daw.

Pero paano...?

She told me the location and hindi naman mahirap hanapin.

Hoy Jessica, sino ba yang bisita mo at dyan kayo sa pintuan nag-uusap? Maanong papasukin mo ngang bata ka! narinig naming may nagsalita mula sa loob.

CrushWhere stories live. Discover now