14 Days To Crush

3.6K 110 13
                                    

Movie: 14 Days To Life

Did I say I'm a jerk?

Tama na po, sabay halik nang mabilis sa labi niya.

Pero totoo nam...

Tsup!

Ako yung nanliligaw per...

Tsup!

Bakit...?

Tsup!

I'm...

Hep, hep, hep! This time, daliri ko na ang lumapat sa labi niya sa halip na labi ko. Nakakahalata na ako ha. Paulit-ulit mo na lang sinisisi sarili mo.

Para paulit-ulit mo akong mahalikan?

Ganun? Hmp! kunwaring tampo ko sabay irap at layo kay Deanna. Ayoko na! Nananantsing ka lang pala! Umusod ako ng upo palayo sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa apartment ko sa halip na sa dorm niya para ihatid ko siya sana. May lampas isang oras na rin kaming nag-uusap tungkol sa nangyari mula noong huli naming pagkikita.

Mula sa airport, tahimik pa rin kaming bumiyahe pauwi ng apartment, pero hindi katulad kanina, walang tensyong namagitan sa aming dalawa. Sa buong byahe nga, hindi niya binitawan ang kaliwang kamay ko, maliban na lang kapag kailangan niyang gamitin talaga ang dalawang kamay niya. At kapag may pagkakataon, katulad nang nakahimpil kami tuwing pula ang traffic signal, itataas niya ang kamay ko sa labi niya para dampian ng halik, sabay ngiti ng sobrang tamis sa akin.

Ganun lang. Ganun lang kadali ang pwedeng gawin ni Deanna para tuluyan na akong ma-in love sa kanya. At kung siguro nagtanong siya kanina kung sasagutin ko na ba siya sa panliligaw niya, malamang sa malamang, mabilis na oo ang isinagot ko sa kanya.

At yung halik na pinagsaluhan namin kanina? Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ang kaloob-looban ko sa tuwing naiisip ko yun. At sa totoo lang, parang bigla akong na-adik ako sa halik na yon. Hinahanap-hanap ko siya. Kaya naman ginawa ko siyang panangga nang hindi pa rin tumigil si Deanna sa paninisi sa sarili niya. Hindi naman siya pumapalag at parang nagugustuhan pa nga niya. Hindi ko tuloy alam kung pinapagalitan pa rin niya ang sarili niya o nagkukunwari lang para makuha niya ang halik ko. Ganun pa man, gusto ko ang ginagawa ko, pero siyempre, magpapakipot muna ako ng konti, he he he.

Ikaw naman, tampo agad! Eh, sino ba kasi ang nanghahalik kanino? Nagsasalita lang naman ako, di ba? tudyo niya sa akin.

Hmp! Ewan ko sa'yo! irap ko pa rin sa kanya sabay halukipkip ng mga braso ko. Tinatakpan ko ng pagtataray ang pagkahiya kong nararamdaman sa ginawa kong paghalik sa kanya.

Sinubukan ni Deanna na kilitiin ako sa bewang pero kahit malakas ang kuryente sa parteng iyon ng aking katawan, pinigilan ko ang sarili kong makaramdam at hindi ko siya pinansin. Isa pang beses at hindi ko pa rin siya pinansin.

Sumobra naman yata pag-iinarte ko dahil nang tinawag ulit ni Deanna ang pangalan ko sa seryosong boses at nilingon ko siya, nakaluhod na pala siya sa harapan ko, sabay hawak sa pareho kong kamay.

D, anong....

J, please, wag ka nang magalit? seryoso ang mukha niyang humihingi ng tawad. Aminado po akong nagpapaawa ako kanina para mahalikan ko ng paulit-ulit ang labi mo. But at the same time, nagsisisi talaga ako dahil nag-alinlangan ako sa atin.

Pero di ba, sabi ko naman sa'yo, okay lang yun? sagot ko sa kanya. Sa tingin mo ba, kung nagalit ako sa'yo, nandito ka pa rin sa tabi ko?

Nandun na ako, but then, it was wrong for me to give you space or opportunity to accept other suitors even though deep inside I was dying just thinking about it. I know it's your right to do that but it made me think bad things about you. I should've asked you about it instead. It made me think of you as someone na ginagawang multiple choices ang mga manliligaw. Worse, I even thought you'd give your ex her second chance! I was too confident but at the same time too insecure of my feelings for you. Ako yung nagpursige na ligawan ka, but at the back of my mind, lots of doubts haunted me. I kept saying I trusted you but it was the opposite of what exactly I was doing! I...

CrushWhere stories live. Discover now