The Whole 9 Crush

4K 115 7
                                    

Movie: The Whole Nine Yards

Jema, can I ask a favor?

Kinukuha ko ang mga plato sa cabinet nang marinig kong tinawag ako ni Deanna. Nakaplaster pa rin ang hindi ko mapigilang saya nang bumaling ako sa kanya.

Ano y....?

Blag!

Sheez! Bakit humarap siya sa akin ng nakatuwalya lang???  Nabitiwan ko tuloy mga pinggan na hawak ko!

Bigla ulit akong tumalikod sa kanya saka ko itinukod dalawang kamay ko sa may lababo.

Hinga, Jema, hinga! pasimple kong pinaypayan ang sarili sa nakita. Dyusko Lord! Patawad pero hindi na po yata maalis sa utak ko ang nakita ko! pikit-mata kong dasal. Kung bakit naman kasi!

An..ano yun? nangangatal pa rin kong tanong sa kanya.

Ahm, nagkamali kasi ako ng dampot ng bag. Puwedeng...

Okay! Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at maliksing tinungo ang pinto.

Jema! pigil nya sa pag-alis ko.

H...ha?

Ang susi.

Ha?

Eto po ang susi. At pinaingay nya yon.

Dahan-dahan akong naglakad ng paurong papunta kay Deanna, extending my arm backwards para abutin ang susi.

Ak...akin na ang susi!

Sa halip na susi ang maramdaman ng kamay ko, ang beywang ko ang may naramdamang kakaiba. Napasinghap ako ng malakas nang tuluyang lumapat mga kamay ni Deanna sa magkabilang side ng beywang ko!

You'll hit the sofa! narinig kong boses sa may tenga ko.

I felt goosebumps all over!

Y...yung su...s...si. Halos pagmamakaawa kong hingi sa kanya.

Here.

Ewan ko pero bakit parang may lambing ang pagkakasabi niya ng salitang iyon? At halos lumundag din ako sa gulat ng maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko papunta buong katawan nang maglapat ang mga daliri namin sa pagkakaabot niya ng susi.

You okay?

Sa halip na sagutin siya, kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Bahala na kung magmukha akong tanga sa ginawa ko. Basta kailangan kong makalayo muna kay Deanna pansamantala.

Habol ang hininga ko nang makarating ako sa kotse ni Deanna. Ilang hakbang lang naman mula sa pintuan ang layo ng sasakyan pero parang ilang kilometro ang itinakbo ko sa sobrang pagkakapos ng paghinga ko.

Naman, Jema, ano yun?!?!? Bakit ganyan ang reaksyon mo sa nakita mo?!?!?

Mali yata ang desisyon kong yayain siyang mag-breakfast dito sa bahay!

Pero kasi, miss ko na siya eh!

At hindi enough sa akin na padalhan niya ako ng bulaklak tatlong beses isang araw.

Hindi rin enough na paalalahanan niya ako palagi tungkol sa pagkain ko o sa pamamahinga ko.

Hindi pa din enough yung i-message niya ako o tawagan para kamustahin ang nangyari sa buong araw.

Hindi lalong enough sa akin ang halos walang palya niyang paghatid at sundo sa akin tuwing training.

At hindi enough sa akin na regular niyang kamustahin ang pamilya ko na mas madalas niyang gawin kesa ang kausapin ako.

CrushWhere stories live. Discover now