Chapter 8

1.9K 136 76
                                    

cloud POV

Buong byahe namin ni Dane ay hindi niya ako kinibo. Ni hindi niya nga kinain ang pagkain na hinanda ni Mama para sa kanya.

Oo na, inaamin ko na na kinatsaba ko sila Mama, si Sky at si Papa.

Kailangan kong gawin yun para ipaalala ss kanya kong sino ako sa buhay niya.

Madaling araw palang kanina at tinatawagan ko na si Papa Two para papuntahin si Ninong Aizan sa port para sunduin kami.

Kanina habang natutulog siya ay naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ko. Nananaginip siya, hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya.

Bakit niya ako nakalimutan?

Bakit nag iba na siya?

Ang dami kong tanong at tanging siya lang ang makakasagot.

Isa lang ang masasabi ko, hindi kami lalabas nang islang to hanggat hindi niya aki naaalala.

"Isla De Paraiso." basa niya sa malaking sign nang resort.

Marami rami ang tao ngayon sa isla. Panigurado akong busy si Papa two ngayon sa pag aasikaso sa mga guest.

Pagpasok namin sa loob nang Hotel ay nakita ko si Papa two sa lobby kasama si Frostine at Storm.

Fck! Napapamura na naman habang binabanggit ang mga pangalan nang mga kapatid ko.

Si Mama ang sisihin niyo dahil siya ang nagpangalan sa dalawang bata.

Hindi na nakapangasawa si Papa Two dahil narealize niyang hindi niya pala kayang palitan si Mama two sa puso niya.

Yong nararamdaman niya kay Mama noon ay infatuation lang pala. Naaalala lang daw niya si Mama two kay Mama.

Si Storm at Frostine ay kambal na anak ni Papa.
Intracytoplasmic Sperm Injection (ICSI) yun ang tawag sa ginawa nila Papa two at nang ina nang dalawang bata.

Foreign blood dahil mas open sila sa ganoon bagay, less drama kumbaga!

At ngayon 7 years old na ang dalawang bata. Alam nila ang tungkol sa buhay nila dahil sinabi  yun ni Papa two sa kanina.

"Papa two!" pag aagaw ko sa atensyon nila.

"Nak!" tuwang tuwa si Papa two nang makita ako.

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya. "namiss kita Papa two." bulong ko sa kanya.

Tinapik tapik niya ang likod ko. "alam mong namiss din kita anak." natatawang sabi ni Papa two.

"kuya Cloud hello po." bati saakin ni Frostine.

"hello little Princess, how are you?" yumuko ako sa kanya.

"okey lang po kuya. Sino po yong kasama niyo?"

Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako.

Nilingon ko si Dane na ngayon ay kausap na ni Storm. Wow magaling! Imbes na ako ang batiin niya si Dane pa ang una niyang nilapitan.

"Maddy?- maddy-develope ka kaya saakin?" banat ni Storm.

Mahilig bumanat tong kapatid ko dahil narin kay Ate Ainech, siya kasi ang nag aalaga sa dalawang batang to eh. Kaya nahahawa ang mga bata sa mga natututunan niya sa FB.

Ginulo ni Dane ang buhok ni Storm. "cute." komento niya sa bata habang nakangiti pa.

"im not cute Ms. Beautiful, im pogi diba kuya cloud?" makulit na sabi ni Storm.

"yes Pogi, but im pogi-er." natatawa kong sagot sa kanya.

Ngumuso siya sa sinabi ko.

."back off dude! She's mine." sabay akbay kay Dane na inalis niya rin naman.

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon