Chapter 16

1.4K 134 51
                                    

Dane POV

Dinala ako ni Quen sa nirekomenda niyang Restaurant na pwede daw magpagaan nang loob ko dahil masarap ang pagkain dito.

Pero nalaman ko rin na siya ang nag mamay ari nito kaya pala todo promote siya e sakanya pala to.

"mukhang kalmado kana kompara kanina."

Sabi niya na nagpatawa saakin.

"that's what we call art of drama!" natatawa kong sabi sa kanya.

Kinunutan niya ako nang noo.

"acting lang yun no kaba! Alam ko naman na simula nong lapitan ako ni Cloud sa Rebel ay ako na ang next target niya. Yong tinatawag nilang Project nang mga kaibigan niya. Gaya nga nang sabi ko sayo, matagal ko nang kilala si Cloud, kaklase ko siya noong grade one, pero hindi rin nagtagal ay umalis kami papuntang Japan for good. Ang akala ko noon ay talagang nantitrip lang yan si Cloud, or naghihiganti lang siya dahil sa ginawa ko noon sa kanya. Pero nalaman ko na hindi pala niya ako nakilala. Ang buong akala niya, ay ako ang nakalimot saaming dalawa pero yong totoo siya talaga."

"sabi ko nga kanina, ako ang karma niya. Ako na ang huling babaeng babaeng gagawin niyang project at hindi ko na hahayaan pa na may madagdag pa. Ginawa ko yun kanina dahil sa mga kaibigan niya. Na hindi lahat nang babae uubra sa mga kalokohan nila." dagdag ko pa.

"mahal ako ni Cloud, ramdam ko yun. Galit ako sa kanya pero hindi ibig sabihin ay maghihiwalay na kaming dalawa." seryoso kong sabi sa kanya.

Tumango tango siya. "kakaiba ka talaga. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sayo."

"advance ako mag isip. Mas pinipili kong intindihin ang sitwasyon. Inuunawa ko ang mga kalokohan niya kahit na minsan nakakasakit na. I just hope na sa nangyari kanina ay matauhan na silang magkakaibigan. Hindi lahat nang pinaglalaruan nila ay natatalo. Sabi mo nga, laruin ko ang laro nila. At yun ang ginawa ko. Alam ko hindi ka naniniwala na mahal ako ni Cloud, kahit naman sino hindi maniniwala kong yong pagkakakilala niyo sa kanya ay playboy at fckboy, pero ako? Alam na alam nito----" sabay turo sa puso ko. "na iisa ang nararamdaman naming dalawa."

"grabe ka pala magmahal. Kasi kung ibang babae yan? Baka hiniwalayan na siya."

"tama ka. Grabe nga ako kung magmahal. Lalaban ako nang patayan. Makikipagbugbugan ako kung kinakailangan. Hindi rin naman nito kayang magmahal nang iba." turo ko ulit sa puso ko.

Babaguhin ko ang nakasanayan ni Cloud. Yun ang papel ko sa buhay niya.

Hanggat nararamdaman ko pang mahal niya ako? Hinding hindi ako bibitaw.

Hindi ako papatalo sa isang Bet lang.


"so anong plano mo?" tanong niya saakin.

"siguro, bibigyan ko lang nang leksyon ang lalaking yun. Babaliwin ko siya hanggat sa lumuha siya nang dugo... Hahaha joke."

Hindi naman kasi ako tulad nang mga ibang babae. Yong iniisip lang eh yong nangyayari sa kasalukuyan. Ako, iniisip ko kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.

Kung maghihiwalay man kami ni Cloud, sisiguraduhin ko na pareho na kaming wala nang nararamdaman para sa isat isa. Pero hanggat mahal ko pa siya, at mahal niya ako, kahit sino pang babae diyan ang umaligid sa kanya isang malutong na sampal lang ang katapat nila.

Inaya ko si Quen na magpunta nang Rebel, kasama yun sa leksyon na ibibigay ko sa lalaking yun.

Ang tagal ko nang hindi nakakapunta sa Rebel dahil sa kagustuhan niya, gusto kong maging mabuting jowa sa kanya kaya sinusunod ko ang gusto niya.

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon