Chapter 14

1.7K 147 59
                                    

Cloud POV

Ilang araw nang nagtatampo saakin si Dane, dahil simula daw nang naging kami ay wala pa kaming naging matinong date.

Ang hirap talaga kapag gwapo. Haist! Hahaha loko lang.

Kaya naman kinuntyaba ko ang buong angkan ko.

Kung hindi magiging matino ang date namin sa labas, edi sa bahay nalang diba?!

Sa garden nag set up kami nang candle light dinner. Sa tulong ni Mama at nang mga kapatid ko ay tingin ko magugustuhan to ni Dane.

Si Mama din ang nagluto para sa kakainin namin, excited pa nga siya habang sinasabi ko sa kanya ang plano.

Syempre, exaggerated si Mama, kung anu ano pang gusto.

May pa sound system pa si Mama.

"alam mo ba anak, nong nasa tiyan palang kayo ni Sky, ginawa din to nang Papa niyo saakin. Naalala ko pa, pasko nun at kaming dalawa lang ang nacelebrate, dahil busy ang lola mo. Medyo nalungkot ako nun dahil yun ang first Christmas na malayo ako kay Mommy. Pero sabi nang Papa mo, hindi naman kaming dalawa lang ang magpapasko, apat na tayo." nakangiting kwento saakin ni Mama.

Tinutulungan ko siyang magluto ngayon.

"naalala ko pa, sinayaw niya ako nun, habang sinasabayan niya ang kanta."

Maypagka cheesy din pala si Papa.

"at binigyan niya ako nang promise ring." dagdag pa ni Mama.

Promise ring.

Bigla akong naexcite nang banggitin ni Mama ang promise ring.

Hinubad ko ang apron ko. "Ma, aalis lang ako. Babalik din ako agad." humalik ako sa pisnge ni Mama bago ako nagmadaling umalis.

Si Sky ang kasabay ni Dane pagpunta sa bahay. Inaya niya kasi si Dane na magmall, girl thing alam niyo na.

Mukhang close na ang dalawang yun. Sa kadaldalan at kakulitan ba naman ni Sky, siguradong mapapalapit talaga si Dane sa babaeng yun.

Pagdating ko sa Mall, dumerecho ako sa Jewelry shop.

Diko pa alam kong anu ang bibilhin ko kaya nagtingin tingin ako.

"Sir, para kanino po ang bibilhin niyo? Para sa girlfriend niyo po ba?"

"yes..." sagot ko.

May kinuha siyang medyo malaking box. Muhang hindi singsing ang laman nun.

"ito po sir ang uso ngayon. Love locket bracelet. Ito pong pendant nang Kwintas ay ang susi nang bracelet, mabubuksan lang po ang bracelet gamit itong susi."

Nagustuhan ko ang sinabi niya kaya naman kinuha ko na.

Umalis din ako agad nang makuha ko ang bracelet. Nagtext saakin si Sky na pauwi na sila kaya naman nagmadali na akong umuwi nang bahay kahit na alam kong malayo layo pa sila.

Siguro by 8 ay nasa bahay na sila.

Malapit nang matapos si Mama sa pagluluto nang dumating ako sa bahay.

Nandito narin si Papa, mukhang kakauwi lang at nilalaro si Summer.

"nandito na pala ang kuya mong Don Romantiko." sabi ni Papa.

Binigay niya saakin si Summer. "bihis lang ako anak." sabi niya.

Dinala ko si Summer sa kusina, busy si Mama. Talagang kinareer ang pagiging chef niya sa date namin.

"wait lang bunso ah. Matatapos na si Mama." sabi pa ni Mama kay Summer.

"ako nalang diyan Ma, kanina kapa nagluluto eh."

PLEASE STAYWhere stories live. Discover now