Chapter 9

1.8K 150 46
                                    

Dane POV

"gotcha baby!"

"ayyy!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla bigla nalang may yumakap sa likod ko.

Hindi na ako magtatanong kung sino dahil alam ko naman na si Asungot yun.

Nagpupumiglas ako sa kanya.

"anu ba, bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

Pinagtitinginan na kami nang mga tao sa ginagawa niya. Jusko!

"pagbinitiwan kita iiwan mo na naman ako. Hindi mo ba alam kong gaano ako katagal naghintay sayo?"

"ang OA, parang isang oras lang naman!" singhal ko sa kanya.

Pilit parin akong kumakawala sa mga bisig niya kaso pahigpit nang pahigpit.

"anong 1 hour? 12 years uyy. 12 years." inulit niya pa talaga.

Napairap nalang ako sa kawalan.

"bitaw na hindi ako makahinga."

"hindi pa nga tayo nasasakal kana?"

Sinikap kong abutin ang tenga niya niya para pengotin. Kong anu anong sinasabi. Walang kwenta!

"cloud anu ba?!"

"okey okey, naglalambing lang eh. Sabi ni Ninang fenech kumain kana, hindi mo manlang ako hinintay tsk."

Bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin at hinarap niya ako.

Medyo naguilty ako nang konti sa sinabi niya.

"eh sa nagutom ako eh."

Hinawakan niya ang pulsuhan ko. "tara, samahan mo akong kumain."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at hinatak nalang ako pabalik sa Hotel derecho sa restaurant.

"Ninang! Pengeng pagkain." sabi niya kay Tita fen.

"oh sige sige. Maupo muna kayo ni Future wife ni cloud."

Kotang kota na tong mga to eh.

Maddy nga ang pangalan ko. Hindi FUTURE WIFE NI CLOUD.

mga to. Ang eepal! Manang mana kay Cloud.

Magkano kaya binayad ni Cloud sa mga to.

Magkaharap kami sa upuan pero yong tingin ko nasa labas.

Ang ganda ganda nang pagkakagawa nang resort, nakakarelax tignan. Nakadagdag pa yong dagat. White sand, parang mala boracay ang datingan.

May mga maliliit na kubo, bean bag na ibat ibs ang kulay, at maliliit na payong na nagsisilbing banderetas nang isla.

Ang sarap pa nang simoy nang hangin.

Maraming tourista ang nag eenjoy sa mga ginagawa nila.

Ilang beses ko nang nakita sa facebook ang Islang to. Maraming magagandang review. At affordable ang price.

"alam mo ba na sila Papa ang gumawa nang resort na to?"

Malamang hindi ko alam. Tsk

"ito ang pangalawang bahay namin. Every vacation nandito kami, madalas ako lang nagpupunta dito, pero minsan kasama ko sila Mama. Yong iba sa ibang bansa nagbabakasyo pero kami mas masaya kami dito. Madalas din akong tumulong kay Papa two sa pag aasikaso sa mga guest, lalo na kapag summer, palagi akong nandito dahil mas maraming tao yun."

Kwento niya saakin.

"memorable saakin ang resort na to, dahil dito kami lumaki ni Sky. Dito na kami nagkaisip. Si Papa Two, malaking bahagi nang buhay ko yun, dahil siya ang nagturo saakin sa maraming bagay. Medyo busy kasi noon si Mama sa pag aaral niya at sa trabaho niya kaya si Papa two ang palagi naming kasama. Alam mo ba? Hindi naman ganyan yan si Papa two, dati palaging nakasimangot yan, pero sabi niya nang dumating kami sa buhay niya nagbago daw siya. Lalo na nong dumating ang kambal, kaya nga masaya rin ako para sa kanya."

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon