Chapter 6

1.8K 149 113
                                    

Warning: lawakan niyo ang inyong pag iisip. Namnamin ang bawat salita. May clue sa bawat chapter. HAHAHA




***

DANE POV

"Good evening po Mr. Barber. Im Maddy po, bagong intern po ako sa DEB Corp." bati ko kay Mr. Barber na kararating lang kasamang ang dalawang batawa na sa tantya ko ay mga nasa 10 years old yong isa at 9 years old ang isa.

Ang gaganda nila ang actually.

At si Mr. Barber, jusko parang hindi tumatands gaya ni Tita. Ang gwapo gwapo!


"drop that formality, tawagin mo nalang akong Tito Edward." nakipagkamay ako sa kanya.

Im sure kahit may edad na si Tito marami parin ang nagkakagusto sa kanya. Paano nahahandle ni Tita ang ganito kagwapong asawa? Kung sabagay ay maganda rin naman si Tita, bagay na bagay sila.

"oh sige po... Tito."

Nahihiya kong sabi sa kanya.

"maiwan na muna kita ha, puntahan ko lang ang asawa ko."

I just nodded.

Naiwan ako sa dalawang bata.

"hello, what's your name?"

"im Snow, and this is Winter."

Lahat talaga sila ay nasa weather ang pangalan. Haha ang cute.

"ate, magbibihis lang kami ha. Maiwan ka muna namin. Or gusto mo sama ka sa room namin?"

Dahil nabobored na ako kakacellphone sa sala at ayoko namang pumunta sa kusina dahil mukhang naghaharutan ang mag asawa na dinig na dinig ko mula rito ay sumama na ako.

Pag akyat ko sa taas, may mga pangalan ang bawat pinto.

Unang room na nakita ko ay pangalan nina Snow at Winter. Magkasama sila sa iisang room.

Sa tapat nila ay kwarto ni Sky, at sa katabing Room ni Sky ay kwarto ni Cloud.

Sa pinakadulo ay tingin ko kwarto nila Tita.

Pagpasok ko sa room nila.

Napakaluwag.

Dalawa ang kama, at pareho silang may study table.

Color pink at violet ang color nang kwarto nila. Babaeng babae!

Nong bata pa ako, puro pink din ang kulay nang kwarto ko.

Syempre habang nagdadalaga ako nakokornihan na ako sa color pink.


"friend ka po ba ni Kuya Cloud?" tanong ni Snow.

Umiling ako. "friend ako ni Ate Sky niyo. Kasama ko siya sa DEB."


"eh nandoon din si Kuya, im sure kilala mo rin siya."

Kilalang kilala.


"oo pero, hindi kami close. Nakikita ko lang siya doon."


"ang pretty pretty mo ate, may boyfriend kana ba?" usisang tanong ulit ni Snow.

May version ni Sky pala dito. Hindi parin ako nakaligtas.

"i dont have one. Focus muna ako sa studies ko"

"pero may nanliligaw po sa inyo?" tanong niya ulit.

Swear, nakikita ko sa kanya ang mukha ni Sky at Tita Dale habang tinatanong niya ako.



PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon