Chapter 12

1.7K 121 56
                                    

Dane POV

Dalawang araw akong hindi pinapasok ni Cloud dahil sa menstruation ko, siya nadaw ang bahalang magpaalam saakin kay Ms. Ramirez.

Sinabi niya pa saakin na magpacheck up kami baka may problema daw, nasabi ko kasi sa kanya na irregular ang menstruation ko, kaya nag alala siya para saakin.

Baka daw mamaya magkaconflict kapag gusto na naming magkababy.

Napaka advance mag isip, ilang araw pa nga lang kaming magjowa baby agad ang pinag uusapan naming dalawa.

Sa loob nang dalawang araw ay madalas siyang tumawag saakin para kamustahin ako. Pagkatapos din nang training niya ay dumederecho siya sa apartment ko, at kung anu anong pagkain ang dinadala niya.

Dahil alam daw niyang mahilig kumain ang may mga regla.

Simula nang dumating kami sa isla ay hindi pa kami nakakapunta sa Rebel.

Hindi naman sa pinagbabawalan niya ako pero parang ganun na nga. HAHAHAHA Panay na nga ang tawag saakin nina Sue and Shar pero sabi ko masama ang pakiramdam ko.

Buti nalang talaga at hindi na sila nagtatanong pa kung anu ano.

Nag iisip pa ako kung paano ko sasabihin sa kanila ang relasyon namin ni Cloud.

Parang kelan lang palagi kong sinasabi sa kanila na hinding hindi ang katulad ni Cloud ang una kong magiging Jowa. Guess what ?! Kinain ko ang mga sinabi ko.

Ngayon ay papasok na ako sa DEB, nagpumilit talaga ako kay Cloud, isa pa maayos na ang pakiramdam ko, thanks to my personal nurse.

Malapit na akong matapos nang may kumatok sa kwarto ko.



"bakit?" sigaw ko.


"nasa labas na yong Jowa mo Dane!" sigaw pabalik ni Pat.

Nagmadali akong tapusin ang pag aayos at dali daling lumabas nang kwarto ko.

Sinalubong ako ni Patricia nang may ngiti sa labi. Mukhang kinikilig!

"makangiti ka naman diyan."


"wala lang, kinikilig lang ako sa inyong dalawa. Pero Dane, hinay hinay lang ha, nasa background parin nun ang pagiging playboy."


"i know Pat, sige na mauna na ako."

Tinanguan niya nalang ako.

Paglabas ko, napakagwapong nilalang ang sumalubong saakin.

Prenteng nakasandal sa kotse niya at pinaglalaruan ang susi niya.


"hmmm" tumikhim ako.

Parang nanunuod kasi ako nang photo shoot sa hitsura niya. Para siya Mowdel nang sasakyan!


Agad siyang lumapit saakin at kinuha ang bag ko. "good morning baby." bati niya sabay kiss sa lips pero smack lang.

"morning babe." nakangiti kong bati sa kanya.

"let's go?"


Tumango ako sa kanya.

Kahit maaga pa ay napakatraffic talaga.

Buti nalang may music kundi mabuburyo talaga ako.


"nga pala babe, sa bahay na tayo magdinner mamaya."

Sabi niya saakin.



"bakit naman?" tanong ko agad.

Seryoso? Sa bahay talaga nila?!

PLEASE STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon