Chapter 5

346 16 2
                                    

CHAPTER FIVE

Madalas talaga, hindi ko alam kung ako ba ang may sira sa ulo or si Laurenz Oliver ang totoong baliw at hindi ako? 

Nakakaloka lang. Ang dami-dami ko na ngang problema sa mundo, palagi pang dinadagdagan ni Laurenz Oliver. Nakaka-stress talaga siya promise! Kapag lumaki pa lalo ang eyebags ko, nako, bibigyan ko talaga siya ng flying kick and free trip to the moon. 

"Captain naman, walang ganyanan!" Angal ni Angelo sa akin pagkatapos kong sabihing makipag-spar sa akin for 30 minutes. Siya kasi ang unang dumating dito sa loob ng dojo kaya ayun, malas niya lang talaga.

"Dali na, Angelo. Ngayon lang naman eh." 

"Captain naman, kung papayag ako sa gusto mo baka paglabas ko sa ospital na ako i-diretso!" Bulalas niya sa takot. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o ma-insulto doon sa sinabi niya. 

"KJ mo. Huwag na nga! Tss." Tumalikod naman ako. "Hoy Rain, take over muna. Vice-captain ka eh. A-absent ako ngayon." Utos ko kay Rain na kakatapos lang magbihis ng uniform. Napatigil siya sandali bago siya tumango. 

"Okie doks." 

Nagpalit na rin ako ng damit ko at binitbit ang gamit ko palabas. Hinintay ko muna yung susundo sa akin sa may gate kaya umupo muna ako doon sa isa sa mga bench sa labas ng school. 

Kahapon pa ang huling pag-uusap namin ni Laurenz Oliver at aminado ako, nas-stress ako. Hindi dahil hindi pa kami nag-uusap matapos nun, pero dahil hindi ko malaman kung ano yung sagot na hinihanap ko. Ano nga ba kasi? 

Kaasar lang. Nagkaka-memory gap na ba ako? Ayos 'to. Try ko kayang iuntog ulo ko sa pader baka sakaling maalala ko? 

"Uy sakto, Vans!" Rinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa kanan ko at halos ma-inlove ako sa itsura ni Kriss na akala mo nagma-marathon with hangin effect na takbo papunta sa kinaroroonan ko. Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo mo Kriss??

"Kriss?" Painosente kong sabi pero deep inside, kinikilig ako. Kalma, Vans! Kalma ka lang! Huwag ka papahalata nako.

"Marathon lang ang drama? Kunwari nags-shoot ng commercial? Endorser ng Milo lang?" Pagbibiro ko. Natawa naman siya nung marinig niya yung sinabi ko. Hindi siya sumagot ng ilang segundo dahil hinahabol pa niya yata ang hininga niya mula sa pagkakatakbo niya.

"Gwapong endorser naman." He said proudly. Tumawa naman ako. 

"Benta ng joke ah." Sabi ko pero deep inside, uma-agree ako. Overqualified siya bilang endorser. Umaapaw sa kagwapuhan eh. 

"Ayos ka din ah. Usog nga." Pinausog niya ako kaya umusog naman ako. Umupo siya sa tabi ko. 

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya. Tiningnan ko naman siya. 

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Where stories live. Discover now