Chapter 4

554 14 0
                                    

CHAPTER FOUR

 

 

Matapos ang kalagim-lagim na pangyayari kanina sa rooftop, dumiretso agad ako sa CR para takpan yung hickey na iniwan ni Laurenz Oliver sa may leeg ko. Susmaryosep, nasayang tuloy yung effort kong hairstyle kaninang umaga kaya ayon, no choice ako kun’di ibaba yung buhok ko para hindi mapansin yung kinagatan niya. Buti nalang din at may dala akong foundation sa bag kaya kahit papaano hindi mapapansin ng iba.

“Vans, ang bagal mo! Tara na o’, baka magsimula na sila niyan!” Pagmamadali sa akin ni Rocky na akala mo naman super late na kami. Nauna na kasi sina Alex at Bree sa may practice room (sosyal ang school namin, mayroon kaming ganun. Bwahaha!) kaya nagkakaganyan ang babaeng iyan but you know, I know better. Bwahaha!

“Asus Rocky, enough with your drama. If I know excited ka lang makita si Terrence na busy ngayon sa practice niya sa may field.” Tiningnan ko siya at nag-smirk. Nakita ko namang namula ang pisngi niya ng konti doon sa sinabi ko. Huli ka ngayon.

“Vans!” Pagsaway niya sa akin dahil baka daw may makarinig sa amin na kaklase namin tapos ipagkalat pa. Bwahaha!

“Kasi naman, tapatin mo na!”

“Ayoko nga! Ma-friendzoned pa ko eh.”

“Huwag ka kasi matakot. Kung ayaw sa’yo e’di ligawan mo, haha!”

“Langya ka talaga Vans, supportive friend forever ka ano?” Sarcastic niyang sabi. Tinawanan ko lang siya saka namin ni-lock yung room at dumiretso sa may practice room. Madadaanan kasi namin yung field kung saan naglalaro ang soccer team ngayon so ayun nga.

Since isa nga si Rocky sa Ace varsity players ng school, maraming nakakakilalang estudyante sa kanya sa school at nagkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang team. Dati nga inaasar pa namin si Rocky na tomboy dahil wala iyang kainteres-interes sa kahit anong lalaki pero nung one time, after niyang magpractice with the soccer team lumapit sa amin si Rocky na parang tulala. Kinwento niya sa amin na tinamaan daw yata siya sa isang best players ng soccer team which is Terrence. Well, ayun todo effort naman ‘tong si Rocky hanggang sa naging magkaibigan na sila ni Terrence. They became on of the hot couples at school dahil isa sila sa mga unseparable duo dito sa campus kahit na wala naman silang relationship. Well malay ninyo naman hindi ba, baka magkatotoo.

“Roc!” Napalingon kami pareho ni Rocky dun sa sumigaw. Nakita namin pareho si Terrence na kumakaway sa direksyon namin kaya napatingin ako kay Rocky na namumula ang mga pisngi ngayon. Ay sus, nagdadalaga na siya!

“Bakit Ren?” Roc and Ren ang tawagan nilang dalawa na kuha sa mga pangalan nila. Ang sweet ano? Kung hindi ko lang kaibigan ‘tong si Rocky, aakalain ko din na may something sa kanilang dalawa. Okay, inggit ako! Baka maging smooth ang relationship nilang dalawa kaysa sa akin na wala namang kafeelings-feelings between us ni Laurenz Oliver. Ugh, bakit ba siya nasingit sa usapan? Erase. Erase.

“Hoy Terrence! Mamaya na iyan, mamaya mo na landiin ‘tong bestfriend ko! Mala-late na kami sa practice namin!” Sigaw ko agad kay Terrence. Nag-pout naman siya sa akin pero ngumiti din.

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Where stories live. Discover now