Chapter 3

380 23 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Short update pero may sense naman ang chapter na 'to. Promise, hahaha! Idol ko na talaga si Laurenz Oliver! Love na love ko pa!  Mwah! Hahaha! 

The mighty Laurenz Oliver on the right-->> 

**

CHAPTER THREE

“YAAAAH!! Put me down!! Let me down!!” Pagrereklamo ko habang hinahampas ko sa dibdib si Laurenz Oliver. Nakakahiya na ito grabe! Nilalamon na yata ako ng kahihiyan! Susmaryosep, Laurenz Oliver magtira ka naman ng konting pride para sa sarili ko o’!!! WAAAH!!

Pinagtitinginan na kasi kami ng mga estudyante, lalo na buhat-buhat ako ni Laurenz Oliver. Mayroon pa nga akong nakita na mga babae na kulang nalang ay patayin na talaga ako dahil grabe ang talim ng mga tingin nila sa gawi namin. Hindi na ko magtataka kung bangkay na ako bago pa ako makalabas ng gate. Mumultuhin ko talaga si Laurenz Oliver kung nagkataon! Kasalanan niya ang lahat ng ‘to!

“You’re seriously annoying.” Sabi niya. Magsasalita palang ako nung bigla niya akong binagsak sa matigas na sahig at sakto naman likod ko pa talaga ang unang tumama.

“Ouch!” Ay anak ng tinapa! Napa-aray ako sa sakit! “Ang sakit nun ah!” Nakakainis! Wala man lang warning-warning na ibababa niya na ako. Bigla-bigla nalang akong binibitawan. Papatayin ko talaga si Laurenz Oliver eh! Kapag ako nakahanap ng tiyempo, humanda talaga siya.

“Tss.” Umupo naman siya doon sa sahig at sumandal sa may pader. Umupo naman ako at inayos ang damit ko matapos akong ibalibag—okay ang over reacting ko naman, matapos akong IBAGSAK ng walanghiyang Laurenz Oliver na iyan sa NAPAKALAMBOT na sahig. Tss. Gustong-gusto ko na talagang ihampas ang ulo niya sa may pader ng matauhan ang lalaking ‘to.

“Thank you naman for apologizing!” I said sarcastically pero hindi niya man lang akong pinansin. Pumikit lang siya at mukhang matutulog pa yata. Anak ng tokwa, so ganun lang ‘yun?! Anong tingin niya sa’kin?! Bagay lang na pwedeng ganun-ganun-in nalang?!

Oh please Lord, bigyan ninyo po ako ng napakahabang pasensiya ngayon. Yung pinakamahaba na para sa lalaking alien na ‘to. Please lang po.

“Nakakainis!” Bulong ko sa sarili ko. Tumingin nalang ako sa may kanan ko nung humampas ang napakalakas na hangin. Tumayo ako at lumapit doon sa may railings kung saan natatanaw ang buong siyudad. Waaaah~ ang laki talaga!

Napakaganda talaga ng lugar na ‘to, maliban nalang doon sa lalaking kasama ko ngayon sa rooftop. Isa po siyang napakalaking peste sa mundong ibabaw kaya pakikuha na po siya agad. Kung pwede po, ngayon na ngayon na!

“You can’t go with the other guys when you’re dating me.”  Rinig kong sabi nung walanghiyang kasama ko. Napatingin ako sa kanya pero nakapikit pa rin siya. Akala ko ba tulog ang isang ‘to?

Pero wait, anong sabi niya? Ako? Nanla-lalaki?! Hah! Nasisiraan na ba siya ng bait? Hindi naman kami ah!

“You can't stop me from doing what I want.” Mataray kong sabi sa kanya at nakita ko namang bumukas ang mata niya tapos tumingin pa sa akin ng masama. I rolled my eyes and iniwas ang tingin niya. Masama kasi ang view eh, nakakasulasok. Sobra.

“Hannah Vanessa Fajardo.” Madiin na tawag niya sa pangalan ko na parang warning na niya iyon. I breathed heavily. I’m not afraid of him. Bigwasan ko pa siya eh.

Tiningnan ko pa siya and put on my sarcastic smile. “Tawag mo ko?” Sabi ko saka ko tinuro ang sarili ko. Naningkit lalo ang mga mata niya at tumayo. Naglakad naman siya papalapit sa akin kaya medyo napaatras ako at nasandal lalo doon sa may railings. Oh great. I gulped.

Hinawakan naman niya ako sa may braso at nilapit ang mukha niya sa akin. At dahil dakilang flexible naman ako, medyo bi-nend ko ang likod ko para mapaatras sa mukha niya.

“China-challenge mo talaga ako ha? Haj?” Sabi niya gamit ang pinakaseryoso niyang tono. Tinawag niya pa akong ‘Haj’. That was the name he used to call me a very long time ago, pero nung kinalaunan, tumigil na rin siya sa pagtawag nun sa akin and we stopped talking to each other. I just simply hate him especially his guts.

“Bakit? Nacha-challenge ka ba?” Sagot ko naman, pero deep inside gusto ko na siyang itulak at tumakbo. Medyo nakakatakot na kasi yung aura niya eh na konti nalang ay lalamunin na niya ako.

He smiled creepily with my statement. What?

“Well, you should also be.” Sabi niya. Sasagot palang ako nung lumapit pa siya lalo sa akin at hindi agad ako nakaatras. Okay, anong gagawin niya?! Nagsimula akong mag-panic nung binaon niya ang mukha niya sa may leeg ko.

“Ouch! Hey, what are you doing?!” Napa-aray ako nung naramdaman kong kinagat niya yung leeg ko. Hindi naman sobrang diin pero feeling ko magsusugat pa yata! Ang sakit kaya! Lumayo na siya sa akin at tumalikod. Hinawakan ko naman kaagad ang leeg ko. What the hell did he just do?!

“Creep! Pervert!” Sigaw ko sa kanya habang naglalakad siya at nakaharap ang likod niya mula sa akin. Tumigil siya sandali at lumingon.

“Bye wife. Goodluck.” Sambit niya at kumindat pa ang walanghiya. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad at bumaba mula sa rooftop. Naiwan naman ako doon na nakatulala na parang ewan habang hawak-hawak ang leeg ko.

What the hell just happened? And wait,... wife?!

**

AUTHOR'S NOTE: 

Kindly VOTE and COMMENT if you liked this chapter! Thanks! ^__^ Spread the word~!

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora