Chapter 2

563 22 2
                                    

CHAPTER TWO

“Waah! Zombie!” Bulalas ni Alex na muntikan ng mabasag ang hawak-hawak niyang salamin.

“Ohmygod, si Vans ba talaga iyan?! Nagpuyat ka ba?!” Sabi naman ni Rocky.

“Shet, don’t tell me may nangyari sa inyo ni...?!” Sabi ni Bree sabay takip ng kamay niya sa bibig niya. Binatukan ko ang babae dahil kung ano-ano ang lumalabas sa bibig eh. Ugh!

“Aray naman Vans! Makasapak, walang bukas?!” Sabi ni Bree habang hinihimas yung parte ng ulo niyang binatukan ko. Padabog ko namang nilagay ang bag ko sa upuan.

“Grabe ha! Samantalang kahapon ang lakas ninyong makapanisi kesyo ganyan ganoon tapos hindi ninyo pa ako pinakinggan tapos ngayon tatanungin mo kung bakit kita sinapak?!” Inis kong sabi.

Nagkatinginan naman yung tatlo at nagsilapitan sa akin na para bang may kung anong tsismis na naman na ichi-chika sa akin.

“Ibigsabihin kay Papa Oliver ito?”

“Waaah~! Sabi ko na nga ba may nangyari sa inyo! Huhuhu!”

“Ninang kami ah!”

Tinitigan ko naman sila ng masama at natahimik sila. Wala talaga akong ganang makipagsagutan sa kanila ngayon dahil kanina—ay mali, kahapon pa ubos na ubos ang lakas ko sa pesteng Laurenz Oliver na iyan! Anak ng tokwa, kung hindi lang krimen ang pumatay ng tao, kanina ko pa siguro siya pinaglalamayan!

Lintek lang, hindi na nga ako tinantanan pati sa bahay kahapon maski kanina, nag-volunteer pa ang damuho na ihatid ako. Letse, sana pala nag-commute nalang ako! Hindi ko alam na mahilig pala mag-volunteer itong si Laurenz Oliver, bakit hindi niya i-try mag-volunteer sa mga charities ano? Lilinis pa ang budhi niya, bawas sakit sa ulo pa! ARGH!

 “Good morning!”

Automatic naman akong napaupo ng maayos nung narinig ko yung pamilyar na boses na iyon. Nakita kong naglalakad na palapit sa pwesto namin ang first love ko, ang taong dapat pagbibigyan ko ng letter na iyon. Yung inis ko kanina ay parang nawalang parang bula nung marinig ko yung boses niya. Grabe na talaga ang tama ko kay Kriss, iba na talaga ang epekto ng love.

“G-Goodmorning!” Kinakabahan kong sinabi. Nag-disperse naman yung tatlong babaita since mukhang alam na nila ang mga nangyayari. Landi alert daw ang tawag nila sa mga panahong ganito. Pwede na rin!

“Hala Vans, okay ka lang? Nagpuyat ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Kriss. Feeling ko naman namula ako noong hawakan niya yung pisngi ko at maglapit ang mga mukha namin. Hindi naman sobrang lapit, yung tama lang.

“A-Ah, medyo! Gumawa pa kasi ako ng projects, ahahaha!” Pagsisinungaling ko. Hindi naman totoong nagpuyat ako para sa projects. Teka, kailangan ko pa bang i-explain ang dahilan? Obvious na kaya.

Inalis na ni Kriss yung kamay niya na nakalagay sa noo ko at binigyan ako ng nakakasilaw at nakaka-inlove niyang mga ngiti. Uwaaah~ Bakit ba kasi nagkamali ako ng locker eh? Eh ‘di sana kami na siguro ni Kriss ngayon!

“Akala ko naman kung ano na. Nako Vans, masama ang pagpupuyat.” Sabi ni Kriss saka niya nilapag yung gamit niya sa tabi ng upuan. Magkatabi kasi kami ng upuan. Bwahaha~! Ang swerte ko kasi sa adviser namin! Palabunutan yung ginawang basehan para sa seating arrangement, at destiny nga naman, magkatabi yung number na nabunot namin ni Kriss! Destined talaga kami para sa isa’t isa! At sadyang napakalaking sabit lang talaga ni Laurenz Oliver sa lovelife namin alam mo ‘yon?

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt