Chapter 7.1

231 10 6
                                    

CHAPTER SEVEN

It was supposed to be the best morning aside from the day that I was born but just like they say, all good things come to an end. Well, nagsimula ang lahat nung history subject.

"Okay class, we'll have an exam, 50 items identification. Bring out a one yellow pad." Halos malaglag ako sa upuan nung marinig ko ang mga katagang iyon. April Fools ba ngayon?

Kaming lahat sa klase, "WHAAAAAT?!?!?!"

Oh for the love of pudding, bakit masama yata ang gising ni sir ngayong umaga?!
Nagreklamo kaming lahat kay Sir kesyo ganyan ganern kaso ang tatag ng paninindigan sa exam namin eh!

Why the hell did it have to be 50 items, worst, identification?!?! Grabe sinong matinong teacher ba ang nagpapa-exam ng ganyan?! Si Sir. Ugh.


***
LUNCH BREAK


Mukha kaming mga lantang gulay na nakahiga ang mga ulo sa table ngayon kasama nung mga girls. Ugh. Feeling ko isang bagyo ang dumaan sa amin ngayon nung malaman namin after exam na 'yun lang ang only quiz namin for the quarter at projects, homeworks, long quiz and quarter exam nalang daw bawiin kung bagsak sa quiz.
Like ohmygod talaga! Huhu. Maski sa sarili ko hindi ko alam kung ano ang hindi ko alam doon. Waaaah! This is hell! huhu, ang bad talaga ni sir!!!

"Hi wifey!"
And speaking of hell, here comes the devil.

"Laurenz Oliver, lumayo ka sa harapan ko ngayon din. Doble ang pagka-highblood ko ngayon kaya subukan mo lang akong guluhin, paniguradong makikita mo na agad si San Pedro pagmulat mo." Hindi ko naman siya tiningnan nung sinabi ko iyon at mas binaon ko ang mukha ko sa table.


"What happened?" Tanong niya. Pero ini-snob ko lang siya at hindi sinagot kaya naman bigla niyang hinila ng mahina 'yung buhok ko. No choice tuloy ako kung hindi tumingin sa kanya.


"Ano ba 'yan Laurenz Oliver!" Reklamo ko sabay hawi doon sa braso niya. Nakangiting aso naman ito sa akin.
"Bakit nga kasi?"
Inirapan ko naman siya. "Si Sir XXXX kasi, nagpa-50 items surprise quiz kanina."


"Sus 'yun lang naman pala!"
"Hindi pa kasi ako tapos. 50 items identification siya."
".... sisiw!"


Nung sinabi naman 'yon ni Laurenz Oliver, agad ko siyang kinurot sa may baywang kaya napa-aray siya. 

"Tse, manahimik ka nga! Tsk!" Tumayo naman ako at padabog na pumila para makakain na. Bahala na 'yung tatlong babaita, kung ayaw nila kumain o' edi 'wag. 

Inis na inis ako habang nakapila doon sa linya nung nilapitan ako ni Charles, isa sa mga members ng newspaper club AT ang magi-interview sa akin.

"Ate Vans, tuloy po tayo mamaya ah?" Tinutukoy niya 'yung about doon sa interview. Nginitian ko naman siya at nawala lahat ng bad vibes sa katawan ko nung maalala ko ang dahilan kung bakit ang ganda ng gising ko.

"Sure!" 

Yes, today's the most awaited day. Dito ko idedeklara na hindi totoo ang relasyon namin ni Laurenz Oliver. At after nun, mawawala na siya buhay ko ng tuluyan. BWAHAHAHAHA!

"And who are you?" Naramdaman ko namang may umakbay sa balikat ko at pagtingin ko naman, si Laurenz Oliver pala na nakakunot ang noo. Lemma na naman ng isang 'to.

"Hello po Kuya Laurenz!" (Charles)

"Sige Charles, umuna k--" (ako)

"I asked, who are you?" (Laurenz Oliver)

Patay kang bata ka. Huhu. Myghad. Kapag nalaman niyang may interview ako mamaya, nako patay talaga! Hindi ko na mabubulgar ang greatest secret!

"Charles Santos po from the Newspaper Club."

"And what's your business with my Vans?" 

Hindi ko alam pero parang feeling ko umakyat ang dugo ko papunta sa pisngi ko kasi feeling ko namumula na ko. Hala Vans, ang landi mo! Huwag kang kiligin sa sinabi ni Laurenz Oliver! Alam mo namang pinagt-trip-an ka lang niyan!

"I-interview ko lang po kasi siya mamaya about random things." 

"And what things are that?"

Waaah! Charles staph na pleaaaaseeee!!!

Agad akong pumagitna sa usapan nila na ewan ko ba kung bakit parang umiinit ang ulo ni Laurenz Oliver.

"Hep! Ehem, excuse me. Laurenz Oliver, chupi ka nga. Hindi ka kasama sa usapan so huwag kang makigulo. And Charles, sige pwede ka na humayo at tuloy tayo sa interview. Okie? Sige babush!" Dire-diretso kong sabi saka ko itinulak si Charles palayo sa amin ni Laurenz Oliver bago pa siya ma-interview nito. E'di kapag nagkataon mas lalong mawawala ang chance ko. Huhu.

"Wifey, are you hiding something?" Diretsong tanong nito sa akin. 

"What?" Nako tama na. Napapa-english na ko. Ugh. "Wala ah! And kung mayroon man, it's none of your business. And stop calling me wifey, it's giving me goosebumps." 

"It is my bus--"

"Isang carbonara nga po!" Nilaksan ko 'yung boses ko nung nag-order ako para hindi ko na marinig pa ang susunod na sasabihin ni Laurenz Oliver.

Myghad, hindi ko tuloy alam kung maganda or bangungot ba talaga ang araw na 'to eh. Phew.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Where stories live. Discover now