Chapter 1

975 31 2
                                    

Chapter One

|VANESSA'S POV|

“So ano ‘to Vans, trayduran?! Nagsisinungaling ka na sa’min ngayon ha?!” (Ales)

Oo nga! Sabi mo si Kriss ang gusto mo, eh ba’t kay Papa Oliver ka nag-confess?!” (Rocky)

“We hate you!” (Bree)

Kaninang-kanina ko pa talaga gustong batukan ang very supportive kong mga kaibigan. Anak ng tokwa o’, wala man lang ba silang balak na i-comfort ako? Depress na depress yung tao eh, tapos gagatungan lang nila?!

Shet talaga, ang first kiss ko WALA NA!

Ang sarap talaga pumatay ng tao eh ano? Ang sarap talaga patayin at dalhin sa impyerno ang Laurenz Oliver na iyon. Ang lakas ng loob niyang halikan ako sa harap ng maraming tao?

Take note, napa-instant delivery pa kami sa guidance matapos ang PDA na iyon! Langya o’, PDA?! Wala po akong kaaffe-affection sa taong iyon! Grudge, MAYROON!

Ako nga pala si Hannah Vanessa Fajardo, ang taong nag-confess sa maling tao.

Hindi ko naman sinasadya eh! Kasalanan ko bang magkatabi ng locker yung dalawang Laurenz pareho ang first name?

“Ow! V-Vans, a-awat na! M-masakit!” Rinig kong reklamo ni Sarah. Napatingin naman ako sa kanya.

“Ay sorry! Pasensiya!” Binitawan ko naman siya kaagad at umatras. Nakita ko naman siyang hinimas yung braso niyang kamuntikan ko nang mabali kanina dahil nagii-spar pala kami ngayon sa Karate.

Ayan Vans, sige magspace-out ka pa. Napapahamak pa yung ibang tao sa dala mong kamalasan. Tsk. Tama talaga yung horoscope ko nung araw na iyon eh, dapat talaga hindi ko muna tinuloy yung confession na iyon. Eh ‘di sana hindi nangyayari ang mga bagay na ito.

“Kyaaah~! The Ace is here!” Napalingon naman ako sa may pintuan nung umingay yung mga babae dito sa loob ng dojo.

Yup, dojo. Ako kasi ang Team Captain ng Karate club, though originally sa Varsity dapat ako sasali kaso nagbago ang isip ko eh.

I-try ko kayang balian si Laurenz Oliver, para mawala na ang problema ko hindi ba? GOOD IDEA!

“Hey dear,” Bago pa ako makapagreact, nahatak na ako ni Laurenz Oliver papunta sa kanya at agad akong niyakap. Umugong na naman ang mga bulong-bulungan sa loob ng kwarto habang pinapatay ko na sa isipan ko si Laurenz Oliver ngayon.

“Kapag ako hindi mo binitawan pagbilang ko ng tatlo, hinding hindi ka na makakalabas ng kwartong ito ng buhay. Isa, Laurenz Oliver.”Mahina kong bulong or should I say pagbabanta sa kanya. Sapat lang na lakas na kami lang ang makakarinig.

Nakabaon kasi ang ulo ko sa dibdib niya dahil pinagpala sa height ang isang ito, at sa kasawiang palad, hindi ako kasama sa mga pinagpalang iyon.  

The Wrong Boyfriend (Girls' Generation)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ