French Fries [1]

53.1K 1.5K 139
                                    

WAHAHAHA ACTUALLY KAHAPON 'TO NANGYARI. Kumakain ako sa McDo tapos bigla ko 'tong naisip dahil sa gwapong lalaking nakita ko. WAHAHAHA ANG LANDIIIIII. Sorry naaaaaaaa.

PS. Point of View 'to ng isang guy ha? At short story lang 'to :pp

PPS. two or three parts 'to. Hahahaha.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Ano ba talaga? Akala ko ba susunduin kita?"

"Wag na pala. Sorry kuya! Hahaha! Magikot-ikot ka nalang dyan sa mall!"

"Ang gulo mo talaga--"

"BYE KUYA!! LABYU!!"

*toot toot*

Wow. Ako pa binabaan? Humanda talaga sakin 'tong bubwit na to pag-uwi niya mamaya sa bahay. Takte sayang pera at oras ko sa pagpunta dito ha? Di rin naman pala magpapasundo. Mga babae talaga kahit kelan, sakit sa ulo!

Paalis na sana ako dito sa SM kaso.. anak ng putek! Biglang umulan! Wala pa man din akong dalang payong! Taena malas na buhay naman 'to oh!

Wala naman akong magagawa kaya pumasok nalang ulit ako sa mall. Kaso parang ayaw ko na ulit pumasok dahil sa babaeng guard na nakaabang sa pintuan. Utang na loob, mamanyakin na naman ata niya ako. Kanina kasi nung unang pagkapasok ko eh siya yung nag-inspect. Tapos yung kamay niya naramdaman kong humawak sa abs ko. Taena talaga. Pasimple pa eh! Pero wala naman akong magagawa kaya kahit ayaw ko eh, pumasok na rin ako. Lintek na.. may mga manyak din palang babae!

Dahil tanghali na rin at di pa ako nakakakain dahil sa bwiset kong kapatid, dumiretso na ako sa unang fast food chain na nakita ko -- McDo. Tsaka ko naalala, itetext ko pala yung kapatid ko.

Humanda ka mamaya sa bahay.



Panakot lang. Nabubwisit pa rin talaga kasi ako eh. Imbis na natutulog pa ako ngayon o di kaya naglalaro ng DOTA eh andito ako sa mall, stranded, dahil di na raw siya magpapasundo. Taena talaga-- ah shit ang ingay ko na.

Pumila ako at nag-order ng one-piece chicken at french fries. Tapos naghanap ako ng mauupuan. Pero langhiyang kamalasan naman talaga, eh parang wala ng upuan. Inikot ko yung paningin ko tapos may nakita akong mauuupuan. Kaso yun yung upuan na mataas, yung maliit lang yung table at halatang para sa mga walang kasama. Kaya no choice, umupo nalang ako dun. Kesa naman kumain akong nakatayo di ba? -__-

Magsisimula na sana akong kumain pero napatingin ako sa katapat kong babae. At nanlaki nalang yung mata ko sa ginagawa niya.

"Hmm hmm ang sarap! Hihihi."

Sinasawsaw niya kasi yung fries niya sa gravy, tapos isasawsaw niya naman sa coke tapos sa ice cream. Parang nawala tuloy bigla yung gana kong kumain. Pano ba naman eh sinisipsip niya pa talaga yung fries bago niya kainin ng tuluyan. Tapos bigla siyang napatingin sa akin kaya nagulat ako.

"Uhm, bakit?" sabi niya sa akin. Potek! Ang ganda pa naman sana kaso ang weird niya kumain!

"Ah.. wala." sabi ko nalang tsaka ako sumubo ng kanin. Kaso muntik ko nang maibuga sa kanya nung bigla siyang nagsalita.. buti nalunok ko agad.

"Whoa! May fries ka rin! Yay!"

Napatingin ulit ako sa kanya. Halos malaglag ako sa upuan ko nung nakalean forward siya sa akin habang nakatitig sa french fries ko at nakangiti ng todo-todo. Problema ng babaeng 'to?

"Favorite mo rin ba ang french fries?" tumingin siya sa akin tapos ang imba lang dahil ang lalim ng dimples niya.

"Ahh.. di naman." takte bakit ba ako kumakausap ng stranger?! Ano rin bang problema ko?!

"Ayy."

Ang sarap niyang sigawan ng "TIGILAN MO YANG PAGPAPACUTE MO ANG SARAP MONG KURUTIN EH!" kaso parang tanga naman ako nun di ba? Taena ang ganda niya talaga. Kaso bakit ba ganito siya? Abnormal ata 'to eh?

Buti nalang talaga at umayos na siya ng upo at pinagpatuloy yung pagkain niya ng tatlong medium fries. Siguro nga favorite niya yun. Ang dami eh. Pero ewan ko, medyo napangiti ako sa kanya dahil bibihira nalang ang babaeng kilala ko na walang pakialam sa figure nila o sa itsura nila kapag kumakain. Turn on yun sa lalaki--

AH TAENA ANO BANG PINAGSASABI KO?! UMAYOS KA NGA XANDER! Tsk.

Kumain nalang ulit ako. Nung naubos ko na yung chicken ko, kinuha ko na yung fries ko. Binuksan ko yung catsup tapos nilagay ko lahat sa tissue.

"Eh? Bakit nilagay mo yung catsup sa tissue?" napatingin ulit ako sa kanya na may hawak na isang pirasong fries na ewan ko kung anong nangyari at parang nawalan na ng kulay.

"Ganito kasi ang normal na pagkain ng fries." sabay sawsaw ko dun sa fries at sinubo.

Tinignan ko siya at parang nagtataka lang yung itsura niya.

"Talaga? Patikim nga!" kumuha siya ng isang fries sa akin.. teka bakit niya ako kinuhaan ng fries?! Ang dami-dami nung sa kanya eh!

"Yaaaak. Di naman masarap ehhhhh" tinignan ko siya. Imbang babae 'to. Nakasour-face na nga, maganda pa rin. Napailing nalang ako. Mukhang abnormal nga ata 'to. Di man lang alam na sinasawsaw naman talaga sa catsup ang fries.

"Mas masarap 'to oh. Tikman mo."

Ang sumunod nalang na alam ko eh sinubo niya sa akin yung limang pirasong fries niya na nakasawsaw ata sa gravy, coke at ice cream. Nilunok ko nalang para di ko masyadong malasahan. Shet, gusto ko atang masuka.

"Di ba mas masarap?" sabay ngiti niya sa akin. TSK. Pasalamat siya maganda siya!!

Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako.

"Kyaaah! Hala.. hala.. malelate na ako! >_<" tsaka siya nagpanic at hindi alam yung gagawin. Ako naman, di ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla kong nilabas yung phone ko at patago ko siyang pinicturan. >_>

"Ahh..ah.. uuyy! Sayo nalang 'tong fries ko.. ubusin mo ha? Nice eating with you pala!! I'm Karrisza pala." tapos nagjojog siya in place na parang ready ng tumakbo.

Mukhang kelangan ko ring magpakilala ah? Tsk.

"Well.. I'm Xa--"

"No!! Wag mong sabihin pangalan mo! Gusto ko anonymous ka sa akin. Sige bye bye!!"

Tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nakipagshake-hands, tsaka siya tumakbo palabas ng mall.

Uhhh.. I think.. my hands are frozen.

Short Stories (Oneshots)Där berättelser lever. Upptäck nu