French Fries [3]

44.1K 1.3K 99
                                    

"Hahahahaha! Ano ba yan kuya! Hahahaha!!"

Potek. Sarap batuhin ng sofa ng kapatid ko eh. Lintek napakaingay ng bunganga! Kababaeng tao, ang lakas-lakas ng boses. Tsk. Kakauwi pa lang namin, nag-iingay na naman siya. 

"Tsk. Ingay mo. Manahimik ka." tsaka ko binato sa kanya yung unan.

"Bleh! Ano ba yan duling pa bumato! Pero kuya nakakatawa ka talaga kanina! Para kang tuod maglakad! Sabay yung kaliwang kamay at kaliwang paa. Pffft. Hahaha! Ganyan ba epekto sayo ni Karrisza?! Hahaha!--"

*BOOGSH*

Binato ko ulit ng unan. Ayun, sapul sa mukha.

"-- EPAL MO TALAGA! PALIBHASA NATAMEME KA KANINA EH! HAHAHAHA!" tapos bigla siyang tumakbo papuntang hagdan nung nakita niyang may hawak ulit akong unan.

Hay nako ang sakit talaga sa ulo kapag may kapatid kang babae! Tapos idagdag mo pa na may sayad sa ulo at sobrang daldal ng bibig. Taena parang walang katahimikang natitira sa bahay kapag andito si Xandra.

Tinuloy ko naman yung ginagawa kong assignment sa ChE subjects ko. Tsk. Bakit ba kasi ChemEng'g ang kinuha kong course? Ay sabagay, magaling naman ako. >_>

Binuksan ko yung laptop ko at nagdownload ng mga e-book para mabasa at gawing reference para sa mga formal reports. Syempre, naengganyo akong magfacebook. Tapos napadalaw ako sa wall ni Xandra.

Bryan: Hi Xandy! See you tomorrow :)

Henry: Xandra, ang ganda mo :)

Zac: Ganda talaga ni Xandra oh!

-__-

Nak ng. Daming lalaki ng kapatid ko ah? Psh. Well, nasa lahi naman yan eh. Sa wall ko nga ang daming babaeng nagpopost. Mga papansin. Parang mga engot lang. Nakakaturn-off kapag babae ang gumagawa ng first move. Tsk. Eh bakit ba napunta dun ang usapan?

Binasa ko pa yung iba. Taena puro lalaki nagwawallpost ah? Baka naman pag tumabi sakin 'tong mga 'to eh magmukha lang silang body guard ko. Tsk. Minsan talaga walang taste ang kapatid ko. Iniscroll down ko ulit hanggang sa may makita akong post.

Karrisza: Xandraaaaaa!! Punta tayong SM bukas ha? Libre mo ko fries =)))))

 

Hindi ko alam kung bakit ko pa binasa yun. At lalong hindi ko alam kung bakit ako pumunta sa profile niya. Tinignan ko yung photos. Puro pictures lang ng fries. 

Di niya naman talaga favorite ang fries, ano?

"HULEEEEE!!"

"AMP@#$%^&!!" naisarado ko bigla yung laptop ko nung sumigaw si Xandra mula sa likuran ko. Puchaaaaa!!

Short Stories (Oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon