043 - Maginoong Bastos

36.3K 529 18
                                    

Confession by Dianne

Nahihiya po akong mag-share ng kuwento ko pero natutuwa po ako sa inyo at sa kwento ng iba. Hindi ko po alam kung matutuwa kayo sa kuwento ko, gayunpaman, wala po akong magagawa kung hindi. Pakitago n'yo na lang po ako sa pangalang Dianne. Mula po ako sa isang ubod ng konserbatibong pamilya na hindi kayo maniniwalang ipinagpapatuloy pa rin ang gawi ng mga ninuno namin. Isa na sa mga gawing ito ay ang pagkakasunduan ng mga matatanda sa pag-aasawa ng kanilang mga anak.

Nineteen years old ako nang ipinagkasundo ako sa lalaking higit labing-isang taon ang tanda sa akin. Tawagin na lang natin siya sa pangalang Norman. Higit pa sa isang linggo akong umiyak at nagkulong lang sa kuwarto ko bilang pagprotesta ko sa naging desisyon ng mga magulang ko para sa akin. May nagugustuhan na kasi akong iba noong mga panahon na yun at kahit may hitsura at mayaman pa ang mapapangasawa ko ay ayaw ko talaga rito. Kung sasabihin ko sa inyo kung bakit, siguro naman ay mauunawaan n'yo ako kahit papaano.

Matagal ko na rin naman kasing kilala si Norman bago pa kami naipagkasundo. At ang dahilan kung bakit ayoko sa kanya ay dahil may ugali itong hindi ko sinasadyang matuklasan limang-taon bago pa kami naipagkasundo. Ang ugaling ito'y ang pagiging ubod nang maginoo sa harapan ng tao, pero ubod naman ng bastos kapag sa tingin n'ya ay walang nakakakita sa kanya.

Naaalala ko pa noon na akala ko parati'y isa itong maamong tupa kapag kaharap ang mga kapamilya, kamag-anak, mga kaibigan at mga kakilala niya. Lagi itong pinupuri dahil sa pagiging mabait, relihiyoso at masunuring anak. Paniwalang-paniwala rin ako noon kaya kahit paano ay nagka-crush ako sa kanya noon, hanggang isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nahuli ko itong may ginagawang kabastusan, with, of all people, 'yung madre sa parokya namin.

Kagagaling ko lang sa opisina ng parokya noon para ipa-schedule ang binyag ng pamangkin ko. Tinatamad akong maglakad pauwi noong araw na 'yun kaya doon ako nagdaan sa likod ng simbahan kung saan may shortcut papunta sa bahay namin. Mga kalahating milya mula likod ng simbahan ay may isang maliit na kubo na bahagyang nakakubli dahil sa mga puno at halamang nakapaligid dito. Pag-aari ito ng kamag-anak namin. Walang nakatira roon pero madalas itong nagiging tambayan ng mga mga magbubukid na gustong magpahinga sa tangahali. Pahapon na 'yun kaya hindi ko inaasahan na may nakatambay ro'n nung oras na 'yun. Pero dahil tamad na tamad nga ako noong araw na 'yun, napagdesisyunan kong dumaan doon para magpahinga.

Papasok na ako sa pintong sawali nang makarinig ako ng mga kaluskos at halinghing ng isang babae. Kinabahan ako sa pag-aakalang may multo kaya nagmadali ako sa pagsilip sa siwang ng bintanang sawali upang silipin kung ano 'yun ingay na naririnig ko sa loob. Laking gulat ko nang makita ko 'yung madre sa parokya namin. Nakahiga ito sa papag. Nakalislis paitas ang palda. Walang saplot sa ibaba habang nakasisid sa kanyang pagkababae si Norman. Na-shock ako dahil parang yung madre pa ang nagmamakaawang angkinin siya ni Norman. Nablangko naman ang isipan ko nang inangkin nga ito ni Norman. Nakatulala akong umuwi sa bahay noong hapong 'yun.

Simula noon, nabura lahat ang paghanga at paggalang ko kay Norman at doon sa madre. Napalitan ito ng pandidiri at pagkamuhi. At hindi ito dahil sa nahuli ko siyang nakikipagtalik, kundi kung 'sino' ang kanyang katalik.

***

Ayoko mang makasal sa kanya. Wala akong nagawa. Pinlano kong tumakas noon pero pinangunahan ako ng takot. Wala kasi akong alam na pwede kong puntahan. Ni hindi pa nga ako marunong lumuwas man lang sa maynila nang mag-isa.

Kahit hindi ko pa naman talaga siya gaanong kilala, medyo natatakot ako dahil sa reputasyon n'yang nakatatak sa aking isipan. Kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko. Nag-aaalala na baka gawin niya lang akong parausan at palaanakan. 'Yung tipo ng lalaki na baka babastusin pa ako at sasaktan basta't walang kaharap na ibang tao kaya...nagulat ako sa naging asal n'ya sa unang gabi pa lang namin.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now