009 - Unexpected Love Affair

60.5K 888 105
                                    

Confession by Brooke-Lyn

Ako ay isang babaeng ambisyosa, materyalosa, mapili at suplada. Hindi na ako magpapa-humble. Hate me or love me, but this is my chance to tell the truth without fear na mahuhusgahan ang aking tunay na pagkatao.

Marami akong manliligaw. I know I'm hot, beautiful and sexy. And I absolutely know how to use it to get what I want. Malakas ang loob kong mambasted ng manliligaw dahil alam kong marami pang nakapila. At ang una kong binabasted? 'Yung mga walang pera. 'Yung mga pipitsugin na puro porma pero isang kahig at isang tuka lang naman. Ang mga ine-entertain ko? 'Yung mayayaman at galante s'yempre. 'Yung parating may regalo, kahit na hindi masyadong g'wapo. Basta't bigating naka-kotse, safe s'ya sa'kin.

Alam kong darating din ang panahon na kailangan ko nang mamili... pero sinasad'ya ko talagang patagalin lang muna ng kaunti, para makaipon ako ng regalo. Batid ko kasi na kapag pumili na ako, hihinto na rin ang iba sa panunuyo. At dahil titigil na sila sa panliligaw, hihinto na rin ang supply ng gifts.

Handa na akong sagutin ang pinakamayaman sa kanilang lahat, nang may nangyaring isang aksidente na nagpabago sa aking pananaw. Hindi ako nasundo ng lalaking sasagutin ko sana, dahil na-trap daw ito sa kalyeng nagkaroon ng isang accidente. Ok lang naman daw s'ya, pero magta-taxi na lang daw s'ya papunta sa resto kung saan kami magdi-dinner at magkita na lang daw kami ro'n. Medyo nainis ako, dahil never pa akong sumama sa date nang hindi sinusundo. Pero dahil s'ya nga ang pinakamayaman na prospect, kailangan kong ibaba ang pride ko. Sumakay ako sa taxi.

B'wisit na traffic. Dalawang oras ang inabot. Kamalasmalasang nakalimutan ko pang i-charge ang cell ko kaya tuluyan na rin itong nag-shut down. Gutom na gutom na ako--at inis na inis. Lalo na nang sa pagdating ko sa resto'y nakaalis na raw pala ang date ko.

"May kasama s'yang babae kanina, Miss. Sigurado ka bang ikaw ang date ni Mr. Ocampo?" Pang-aalaska ng animo'y g'wardya sa labas ng resto. Nakatayo kasi ito sa podium desk sa may entrance--bagama't hindi naman ito naka-uniporme. Kilalang tao kasi ang ka-date ko. At hindi na ako magtataka kung kilalang-kilala na ito sa restaurant na 'yun.

Sa halip na sumagot, inirapan ko na lang 'yung lalaking alaskador. Lumayo ako ng ilang metro, para magbantay ng taxi papauwi.

"Payong kapatid. Basta Rich boy, chickboy." Humalakhak ito.

"Payong kapatid? Bakit? Kapatid ba kita?!" Pagtataray ko.

"Uy, ang sungit ah." Nakabungisngis ito. No'n ko na napansin na may hitsura naman ito. Matangakad, malaki ang katawan, mestisuhin at sa tantya ko'y kasing edad ko lang. "Kaya ka siguro pinalitan."

"Hoy!" Dinuro ko ito sa mukha! "Wala kang pakialam sa 'kin. H'wag mo nga akong buwisitin!"

Humalakhak ito, "Sayang, ang ganda mo pa naman. Ang sungit mo naman pala."

"At ikaw! Pa--" Napatingin ako sa mukha n'ya. Gusto ko sanang sabihing pangit s'ya, pero magmumukha naman akong bitter, dahil hindi naman s'ya pangit. He's actually cute. He's actually even cuter sa ka-date ko sana. "Pa--pakialamero! Sampalin kita eh!"

"Oh Miss ah...masyado kang bayolente ha! Sige ka, pag sinampal mo ako, hahalikan kita." Nakangisi ito kaya lalo akong nainis.

"Bugbog, gusto mo?"

"Ah pag bugbog, mas mahal ang kapalit. Kapag binugbog mo ako, iuuwi na kita sa 'min!"

Sasagot pa sana ako nang may lumapit sa kan'ya na isang g'wardya; naka-uniporme ito.

"Anong problema, Ma'am?" Tanong nito sa akin ng bagong dating.

"Eh eto kasing alalay mo eh." Dinuro ko ang alaskador na lalaki sa podium desk. Nakabungisngis pa rin ito kaya lalo akong nanggigil sa galit. "Nambu-buwisit! P'wede bang sisantehin n'yo na 'yan? Walang k'wenta eh."

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now