020 - Atsay Killer

32.7K 475 4
                                    

Confession by Eros J.

Nagsimula ang lahat noong ako'y dose anyos. Nagkaroon kami ng katulong sa bahay na halos kasing edad ko lang. Sa una ay naging magkaibigan lang kami; isang pagkakaibigang nahaluan ng kamunduhan nang minsang napag-trip-an naming manood ng porno sa laptop ng Daddy ko.

Ako ang nakauna sa kan'ya, s'ya rin ang nakauna sa akin. Napaka-exciting ng mga panahon na 'yun dahil sa mga ginagawa namin nang palihim. Madalas ko s'yang gapangin sa gabi, gayun din ang pasukin s'ya sa banyo habang sya'y naliligo.

Ang isip bata sa makamundong katawang bata ay hindi mabuting kumbinasyon, dahil matapos ang isang taong paglalaro ng apoy ay may nakahuli sa amin na isa sa aming nakatatandang katulong. Napalayas s'ya ng aking mga magulang sa bahay; ipinalaglag din ang kan'yang dinadala, sa napaka-obvious na reason na parehas kaming hindi pa handang maging magulang.

Hindi ko na s'ya nakita simula noon, bagama't masasabi ko na 'yun na mismo ang umpisa ng tripping kong maka-score sa mga kasambahay. It doesn't matter kung katulong namin, o katulong ng kapitbahay. Kahit nga yaya at part-time babysitters ay pinapatos ko na rin. Matapos may mangyari, lahat sila'y humahabol sa akin, ang problema nga lang, wala naman akong balak magpatali kahit kanino. Hindi naman kasi ako seryoso at wala rin naman akong balak makipag-relasyon sa kahit sino. Laro-laro lang talaga. Katuwaan at pampalipas oras. Walang hidden agenda; no strings attached.

Nagbago na lang ang lahat nang tumungtong na ako ng bente uno. May nangyari kasi sa akin na magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa maalis sa utak ko. Nahuli ko rin kasi ang Daddy ko na may kinakalantari sa isa sa mga nakababatang katulong namin. Mas matanda pa ako ng dalawang taon sa katulong na 'yun. At sa pagkakataong 'yun, alam kong 'yung katulong mismo ang oportunista at may balak na sirain ang aming pamil'ya. Nasiguro ko 'yun nang minsang nakita ko s'yang nakikipag-usap sa kapatid n'yang dumalaw sa kan'ya sa bahay namin.

"Kaunti na lang ate..." Anito, habang ako nama'y nakakubli sa isang sulok, "Iiwan na n'ya ang asawa't anak n'ya para sa akin. Tutulungan daw n'ya tayo sa pera. Susustentuhan daw n'ya ako. Ibibili rin daw n'ya ako ng bahay sa Antipolo. Malapit na tayong makaahon sa hirap sa tulong ng matandang amo ko. Tinitiis ko na lang kahit amoy lupa na at halos hindi na tinatayuan. Kung tutuusin, basta ba sagot n'ya ako, wala akong pakialam kahit hindi na s'ya tayuan kahit kailan."

Napuno ng galit sa katulong na 'yun ang dibdib ko. Isinumpa kong hindi ko s'ya hahayaang magtagumpay sa panloloko sa Daddy ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagka-valid purpose ako para paikutin sa mga kamay ko ang isang kasambahay. Hindi naman ako nabigo nang minsang ibinigay ko sa kan'ya ang tiket papunta sa tugatog ng tunay na langit, na hindi na halos maibigay sa kan'ya ng aking ama.

Isa akong malaking patibong nang hindi n'ya nalalaman. Patibong na inihanda ko para sa kan'ya, sa unang pagkakataon pa lang na s'ya ay aking naikama. Sinadya kong tuksuhin s'yang puntahan ako sa aking silid, nang isang gabing napaniwala ko s'ya na nag-out of town si Daddy. Pero ang totoo, ang Mommy ko lang noon ang nag-out-of-town, habang ang Daddy ko naman ay nag-overtime lang sa kan'yang opisina.

Ang sabi ni Daddy, alas nuebe ng gabi raw ay pauwi na s'ya. Kaya naman alas-otso y medya pa lang ay tinawagan ko na ang malanding kasambahay, para mag-trip na doon kami magtalik sa master's bedroom.

Alas-nuebe impunto, sinadya kong himukin s'yang kumuntodo giling at dirty talk sa ibabaw ko. At nang maramdaman ko nang papasok na sa silid si Daddy, ay saka ko naman hinimok ang kiri na ipagsigawan kung gaano ako kagaling sa kama kumpara sa Daddy ko. To make the long story short, nahuli kami ng Daddy ko. Nakatikim ako ng bugbog, pero binalewala ko lang 'yun. Mas mahalaga ang pagtatakwil n'ya at pagpapalayas sa atsay na may masamang balak sa kan'ya.

Sa ngayon, pitong tao na ang nakalilipas... kasabay ng pagpanaw ng Daddy ko, ay ang pagbabagong buhay ko. Laking pasasalamat ko na lang din kasi na hindi na niya pinagtaksilan pang muli ang Mommy ko. Humanap na rin ako ng matinong babaeng mapapangasawa. Inayos ko na ang buhay ko at inumpisahang patawarin ang sarili ko, lalo na sa mga napaiyak kong atsay na dating dumaan sa mga palad ko.

[END OF CONFESSION]

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon