048 - Malupit na Mundo

31.5K 566 26
                                    

Confession by Karyn

Malupit ang mundo. ‘Yun na ang tingin ko sa mundong kinagagalawan ko simula nang magkaisip ako. Lasenggero kasi ang tatay ko. Wala na ngang matinong trabaho, nambubugbog pa ng asawa at mga anak. Ito namang nanay ko, ubod ng kabungangera. Alam na nga niyang masasaktan lang siya kapag kinukulit niya ang tatay kapag lasing, walang kadala-dala. Kaya hayun, lagi na lang bubog sarado. May pasa pa ang mukha niya nang mamatay siya sa sakit sa puso.

Tatlo kaming magkakapatid. Lahat kami, puro babae. Ako ang gitna at ang masasabi kong, pinakaseryoso at malungkutin sa aming tatlo.  Ang ate ko, kahit may problema, laging masaya. Kahit lagi siyang nabubugbog ng tatay dahil wala itong maibigay na perang pang-inom, parang balewala lang sa kanya. Kahit ilang manliligaw na ang sumuko dahil sa pananakot ni tatay, masunuring anak pa rin s’ya.  Parang ganun din ang bunso, palibhasa, si ate ang idol n’ya.

Sabi ng baklang magba-barbecue sa amin, baka raw depressed ako kaya iba ang ugali at pagkatao ko. Siya kasi ang unang nakapansin sa obsession ko sa kulay itim, kamatayan, kadiliman at kalungkutan. Halos araw-araw, pumapasok sa isipan ko ang pagpapakamatay. Mas gusto ko ang mapag-isa at ang magdrawing ng kahit anong bagay na may kinalaman sa kamatayan, patayan, horror, occult, sex at iba pang uri ng madidilim na bagay sa mundo.

Sa totoo lang ako hindi gaanong napapalo ni tatay, pero sa kabila noon, ako rin ang may matinding poot sa kanya. Mas madalas pa sa minsan na gusto ko na lang siyang patayin; ang tuunan ng unan ang mukha n’ya kapag nalalasing o ang paluin ang dos por dos sa mukha. Ang sabi ni bakla, magpagamot na raw ako bago pa ako makagawa ng mga bagay na pagsisihan ko. Parang “unstable,” raw kasi ang pag-iisip ko dahil ang taong may unstable na pag-iisip lang raw ang nakakaisip ng mga karumaldumal na bagay.

Ang sa akin naman...magpapaduktor pa? Eh sa pagkain pa nga lang kapos na kami? Kaya ang masasabi ko lang, pangmayaman lang ang pagpapaduktor sa utak. Dahil sa mga tulad kong ni walang panggastos para bumili ng ordinaryong gamot sa sakit sa ulo, tatlo lang ang katapat: ang magtiis, ang ibaling ang atensyon sa ibang bagay at iwasan ang masyadong pag-iisip tungkol sa aking sarili.  ‘Yun naman kasi talaga ang nagpapalala ng depresyon, ‘di ba? ‘Yung masyadong mag-iisip tungkol sa sarili?...

Kawawa naman ako…

Ganito lang ako…

Pangit ang mundo ko…

Wala akong kuwenta…

Hindi ako masaya…

Puro “ko” at “ako” kaya kung gagamit ka ng common sense, ‘yun ang unang dapat tanggalin ng isang taong malulungkutin...ang pagiging makasarili.

And so that’s how I survived depression without a single actual suicide attempt. But that was before something unthinkable happened to me and this is my untamed confession.

(Author’s warning:  Actual--unedited--words used by the sender ahead)

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.  I was raped by my own father. Ako lang daw kasi ang kamukha ng nanay kaya hayun...ako ang kinantot n’ya nang hindi lang isa, kundi paulit-ulit. Hindi ko na mabilang. At sa bawat pagkakataon, binubugbog rin n’ya ako.Tangina nga eh. S’ya na nga ‘tong nakikinabang sa pagkababae ko, ako pa ang nasasaktan. Kaya sa sobrang inis ko. Naglayas ako pero dahil wala naman akong mapuntahan at panggastos man lang. Naglakas loob akong makihilera sa mga puta sa kalye at manirahan sa kalye. Inaalok ko ang sarili ko sa mga manyak na motorista o kahit ‘yung mga naglalakad lang. Kahit kanino, basta’t may five-hundred, pumapayag ako kahit sa iskinita lang. Tatlong buwan ko ring ginawa ‘yun hanggang sa makilala ko si Homer (Tunay niyang pangalan, paki ko haha). Siya ‘yung kauna-unahang nag-pick-up sa akin na sa mismong apartment n’ya ako dinala. Akala ko nga ok siya. Mas gago pala dahil iniuwi lang pala niya ako para makantot niya ako ng libre araw-araw. Kapalit ng pagtulog sa sahig niya at pakikisilong sa kanya. Kailangan hatian ko pa siya sa kita ko tapos ako rin ang taya sa pagkain at kuryente plus, yun na nga, ginagabi-gabi ako. Ok sana kung pogi. Baka nagpabuntis pa ako sa kanya. Pero hindi. Pangit siya. Mataba. Maitim. Puro tigidig ang mukha, malaki ang tiyan at napakalakas humilik. So ang ending...nilayasan ko rin. Pero naging mas matalino na ako dahil hindi ako naglayas nang walang malilipatan.

Ang nilipatan ko?  Isang lovenest na inupahan para sa akin ng isang...born again pastor kuno, na may asawa at mga anak.  Parang kabit n’ya ako ganun pero walang commitment bukod sa siya ang sasagot sa buwanang bayad sa maliit na kuwarto ko. Ok lang sa kanya kung mag-pakantot pa rin ako sa iba basta’t may protection because of STD at kung hindi ko ito dadalhin sa lovenest namin. Pumayag na ako siyempre. Gusto ko rin naman siya kasi medyo guwapo. Napakahilig nga lang, hipokrito sa pananampalataya niya at taksil. Kanya nga simula nang maging kami...wala akong kabilib-bilib sa mga nag-aastang banal? Napapadura lang ako at natatawa.

Alam kong mayroon mga manghuhusga sa inyo pero ok lang. Murahin niyo ako, ok rin. May shoulders are wide.  Pero bago niyo ako husgahan, just make sure na wala rin kayong nagagawa pang kasalanan at saka...kung kaya niyong pagdaanan ang mga pinagdaanan ko. So, kung patweetums ka diyan na palamunin din lang ng mga magulang. Shut up and be thankful na lang sa blessing ng Diyos niyo sa inyo, ok?

Salamat author Miss A. Ikaw pa lang ang nakilala kong sarado Kristiyano na willing makinig sa mga tulad ko at ilahad ang kuwento ng mga gaya ko without being such a judgmental hypocrite. Isa kang mabuting ehemplo dahil kahit namumuhay ka ng tama na ayon sa iyong pananampalayata, hindi ka nanghuhusga sa kapwa at hindi mo itinatanggi na malupit ang mundo para sa ibang tao at kahit ‘yung mga nasa dilim ay nangangailangan din ng kaunting kaliwanagan at pagmamahal.

[End of confession]

***

Author's note

Karyn and the Pastor are no longer together. She now works in a textile factory. She also tries to live a more decent godly lifestyle for the sake of her new born child--with her new boyfriend who treats her right, accepted her past and plans to marry her eventually.

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Untamed Confessions [R-18]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum