010 - Unholy Confession

56.3K 750 117
                                    

Confession by Martina J

Matagal ko nang kinikimkim ang isang sikreto. Gusto ko sana 'tong sabihin at ik'wento at ibahagi sa iba, pero wala lang talaga akong makitang tao na maaari kong pagkatiwalaan ng tunay kong pagkatao. Gusto ko sanang sabihin sa kapatid ko, ang kaso, natatakot din ako na mahusgahan n'ya. Masyado kasi s'yang mabait at relihiyosa, tanggapin man siguro n'ya ako, pero alam ko naman na malabo n'ya akong maunawaan, bukod sa, natatakot din ako na baka kapag nagkagalit kami'y sabihin n'ya ito sa aming mga magulang.

Nais kong ibahagi ang aking k'wento. Ang bunutin mula sa aking dibdib ang tinik na matagal nang nakabaon dito. Pero ayoko naman ng may makakaalam, na sa akin ang k'wentong 'yun. Sa kabila ng aking pagkapariwara, at iba pang matitinding kahihiyan matapos ang pangyayaring 'yun, mas 'di hamak naman na kahiya-hiya ang ginawa ko, bago pa man nangyari ang masasamang nangyari sa akin na alam ng mga tao.

May isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko man maik'wento sa kahit sinong personal na kakilala ko'y, hindi naman maalis-alis sa alaala ko.

Ang sikretong pinakiingatan ko?

Nagkaroon ako ng kaugnayan sa isang... Pari.

Hindi lamang s'ya basta Pari, kundi isang Paring malaki ang tanda sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ko aaminin kung anong tunay na edad ko no'ng nangyari 'yun, pero susubukan kong maging tapat sa 'yo (Author), kalakip ang pag-asa na sa pagbabahagi mo sa iba ng aking k'wento'y mahigpit mong itatago ang aking pagkatao. Hindi pa ako nagtiwala sa isang tao, sa 'yo (Author) pa lang. Nararamdaman ko kasi na hindi mo ako huhusgahan; at umaasa naman ako na tama ang aking pakiramdam.

Itago na lamang natin ang katauhan n'ya sa pangalan Father Ramil. Kuwarenta'y singko anyos na siya noong mga panahon na 'yun, ako nama'y trese. Oo, trese...gano'n ako kabata. At sa gano'n kamurang edad ako unang namulat sa kamunduhan.

Kilala si Father Ramil sa aming parokya bilang isang mabait, matulungin, mapagkumbaba at masayahing Pari. Miyembro ako ng parochial choir. Isang araw na ginabi kami sa pagpa-practice sa simbahan, hindi sinasad'yang naiwan ako ng mga aking mga kasamahan sa loob. Nasa palikuran kasi ako nang nagsialisan sila. At dahil ang aming choir leader ang naatasang magkandado ng simbahan no'ng gabing 'yon; ay hindi sinasad'yang naikandado n'ya ako sa loob, sa pag-aakalang nauna na akong umalis kasama ng iba.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2016, All rights reserved.

Takot na takot ako. Nataranta ako sa pagkakakulong ko sa loob. Madilim na rin kasi sa loob ng simbahan, dahil tanging mga nightlights lang sa may altar ang nagsisilbing liwanag sa loob.

Sa kabila ng matinding kaba at takot sa dilim. Sinubukan kong maglakad para humanap ng pintuang malalabasan. At nang matanaw kong bukas pa ang pintuan sa may altar, nagmadali akong pumasok ro'n.

Madilim ang pasilyong dinaanan ko. Kinakabahan ako dahil no'n pa lamang ako nakapasok ro'n. Ang mga dumaraan lang kasi ro'n ay si Father Ramil, ang kan'yang mga sakristan at ibang nagsisilbi sa simbahan; habang ang mga choir members na tulad nami'y do'n naman dumaraan sa regular na pintuan para sa lahat.

Ilang saglit pa'y sinapit ko na ang pasilyong papaliko sa silid ni Father Ramil. Nag-aalinlangan ma'y pumaro'n ako sa pagbabakasakaling matutulungan n'ya akong makalabas ng simbahan. Sa pagsapit ko sa mismong pintuan ng kan'yang silid-na bahagya namang nakabukas, sandali akong napahinto. Naulinigan ko ro'n ang tinig ni Father Ramil at ang isang boses babaeng nasa tant'ya kong halos ka-edad n'ya.

"Kinakamusta ka ni Mama." Sabi ng Babae. "Kailan ka ba raw makakadalaw sa kan'ya?"

"Hindi ba't s'ya ang nagpumilit na mag-Pari ako?" Sagot ni Father Ramil, "Dapat alam n'ya na hindi ko hawak ang oras ko."

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now