Chapter 12

163 4 0
                                    

AN: Haluuu. Hindi ako prepared para sa ud na to. T__T Pagpasensyahan po. Next time, gagawa na ko. xD Singit lang to eh. =))) Pakinggan niyo yung song ni Biebs. :"> Yung title po, Be Alright. Sobrang nakaka-touch. Lalo na sa mga nag sesenti mode. YUNG MGA AYAW KAY BIEBER, WALANG BASAGAN NG TRIP. -____-  PAKINGGAN NIYO PARIN! hahaha =))) <3

------------------------

Christy's POV

Haaay, nakakatamad talagang bumangon ng maaga. -__- May pasok na nga bukas, di pa ko nakatulog ng mahimbing. Sila Kuya Eyo naman kase. xD Pero, ayos lang. Mag-sisimba naman kami eh. O:) Kelangan ko na din makapag kwento kay Papa God. hehe. Speaking of pagpasok bukas, bukas na din yung presentation namin ni Ken. Jusko! Kinakabahan tuloy ako. Kakanta ako sa harap ng buong klase. Kung sa harap palang ni Ken, hirap na hirap na ko. Pano pa kaya pag sa harap nung mga kaklase ko. 

Andito ako sa kwarto at nakatingin lang sa kisame. Haaay, antagal naman nila kuya Eyo. Sinusundo pa kase si Ate Yssa. Di na ko sumama. Iba kasi yung daan ng bahay nila eh. Babalik din naman dito. Tsaka malayo-layo. Kaya, may isang oras pa ko. :D

*ZOOOOOOOOOOOM!*

"Ay Palaka!"  Ano ba naman yaaan. -___- 

Message alert ko lang po yun. Akala niyo, motor no? /:) =))) Pinalitan ko kase. Naboboringan ako dun sa dati eh. Anyway, nag-text si Kathy. Depressed daw siya. Ano naman kaya problema nito? Sabi niya kahapon, May humalik daw sa kanya. Akala ko naman sa lips. Sa Cheeks lang pala. Ang eksaherada naman kase niyang mag kwento. Kala mo naman na-rape sa kanto. Maka sigaw naman kase. -____-

( Don't tell me, pinoproblema mo parin yung Kyle na yon? Dude, move on! May pera ka na naman diba? Bilhin mo na yung librong yun. Pahiram din ako ha? Babasahin ko din after mo. ^__^ )

Reply ko sa kanya.  

Wala pang isang minuto nung narinig ko ulit yung pone ko.

(Shunga ka ba? Naka-get over na ko dun. May problema kasi akoooo. Huhu. Help meee.)

Ano ba naman tong si Kathy. Pa-suspense pa. Di nalang sabihin yung problema.

(Kung financial problem yan, wala akong pera ngayon. May pinag-iipunan din ako no. :p)

(Baliw! Hindi kase yon. Si Michael kase. )

Sa mga nag-iisip kung boyfriend niya yun, mali kayo. NBSB ang lola niyo. -__- Ultimate crush niya daw yun since first year siya. Harusme, ang loyal ano? Kahit ilang araw palang kaming magkakilala ni Kathy, para na kaming mag-best friends eh. Andami na naming na kwento sa isa't-isa. Pati na rin yung tungkol kay Mak, nakwento ko sa kanya. :-j

Anyway, ayun nga. Tumawag si Kathy sakin at kinwento yung problema niya. 

After daw nung incident kahapon sa National, Umuwi siya tas pumunta sila ni Chris sa park para ma-gv si Kathy. Eh kesa naman ma-gv lalo siyang na badtrip. Kasi yung ultimate crush nga niya na si Michael, may kasamang babae. Ka-holding hands daw. Tas hinuhug-hug niya. Ang sweet daw nilang dalawa. Hmm.. Nag seselos ang aking frieeend.

"Tapos, *sniff* tapos, linibre pa niya ng cotton candy tsaka ice cream. After nun, pumunta sila sa may bench. Naka-upo lang sila dun. Nag-kkwentuhan."

"Hoy, teke! Umiiyak ka ba? Akala ko ba crush mo lang. Nag-paka stalker ka pa ata. Sinundan mo pa sila." Hay, talaga nga naman. -___- 

"Eh, sorry naman! Na-curious ako eh. Mahirap mag move-on!"

Uso na ngayon mag move-on kahit hindi kayo no? Pero, kaya din naman nagkakaganyan yang si Kathy, kase nag ka-something sila ni Michael dati. MU ba tawag dun? Mga dalawang taon din yun. Kaso, ang complicated nilang dalawa. Syempre, dahil walang commitment, itong si Michael, landi dito, landi doon. Tas isang araw, nawala nalang ng parang bula. Wala na daw feelings para kay Kathy yung gunggong. Ito namang si Kathy, hanggang ngayon di pa nakaka-move on. Kaya nga din daw siya lumipat ng school eh. Yeap, new student din siya. Pareho kami. :> 

MY ANGELWhere stories live. Discover now