Chapter 6

193 7 1
                                    

Christy/Mac's POV

Nakarating na kami sa bahay ko. Buong byahe, tahimik lang kami. Dahil parin kaya 'to dun sa nangyari sa kwarto niya kanina? Haaay, bahala na nga.

"Uh. Ken. Salamat ulit. Sige, goodnight!" Bababa na sana ako ng kotse ng bigla niyang hawakan yung braso ko.

"Mac, salamat din ah? Sorry nga pala kung ang tahimik ng byahe natin. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng pagusapan eh. " Ngumiti siya. Yung ngiting nagsosorry.

"Okay lang. Naiintindihan ko." :)

Pumasok na ko sa bahay. Sabi ni manang tulog na daw si Daddy at sa saturday pa daw ang uwi ni mama. Kaya, dumeretso na ako sa kwarto ko.

*Choo-choo*

Tunong ng cellphone ko yung ah? Teka, matingnan nga.

From: 09---------

Goodnight Mac. Sweetdreams and sleep tight. See you tomorrow. :)

-K

K? Si Ken kaya to? Saan naman niya nakuha number ko?

Sa sobrang pagod ko nakalimutan ko na magreply at natulog na ko. Zzzzzzzzzzzzzzzzzz. -__-

*Next Day*

Haaay, another day, another headache. Jusme, alam niyo bang di ako makatulog kagabi nang maayos? Nagigising-gising ako. Bwiset naman kase, laging nagfflashback sa utak ko yung itsura ni Ken nung nagkalapit mukha namin. -___-

Anyway, papunta na pala ako sa classroom ng biglang may tatlong babae na humarang sakin tas hinila ako papunta sa may sulok.

Problema nito? Nakasinghot ba sila??

"You!" -Girl 1 Sabay turo sakin

"Anong problem niyo? Malelate na ko. Tabi dyan." Aalis na dapat ako kaso tinulak ako ni girl 2 sa pader. Jusko, masakit yon ah. -.-

"Look, kakausapin ka lang namin kaya, pwede ba wag kang malikot?" -Girl 1

"I don't have time for this. Ano ba kelangan niyo?" -Ako

"You're so damn annoying! Gurls, hawakan niyo nga tong babaitang to!"

Babaita?! Abaaa! Kala mo naman kung sinong maganda. Kasuka ka te!

Hinawakan ako nung dalawa niyang kasama sa magkabilang braso.

"Hoy! Ano yang ginagawa niyo?! Ang higpit ng hawak niyo ah! Bitawan niyo nga ako!"

Sinubukan kong makawala pero, leche lang. Lalong hinigpitan. Ayos tong mga to ah. Pag bumakat yung kamay nila sakin, malilintikan sila. -.-"

Lumapit naman yung echoserang babae sakin tas hinawakan ako sa mukha. Pucha. Masakit ah! Tadyakan ko to!!

"You." -Girl 1 Kanina pa you nang you to ha. you-youhin ko mukha niya. -___-

"Layuan mo si Ken my loves pwede?! Simula forst day of school naka dikit ka na sa kanya! You're so malandiii!" - Girl 1 

Eh, bopols pala to eh. 

"Excuse me, dalawang araw ko palang nakakasama si Ken. At ano namang meron kung kasama ko siya?"

Jusme. Ako? Malandi? Dikit ng dikit? Eh kung igapos ko kaya to sa sahig. Kaya lang naman kami magkasama dahil dun sa project eh.

"Akala mo kung sino ka! You're so ugly, do ya know that?! Wag na wag kang lalapit kay Ken. HE'S MINE! Got that?" -Girl 1

Ang lapit naman ng mukha ng palakang to. Grr. Pag ako nakawala dito.  >___<

"Pwe! Talsik laway ka na nga, baho pa nang hininga mo! Amoy kaldereta! Nag tooth brush ka ba? Kaderder ah!" -Ako 

MY ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon