Chapter 8

175 3 0
                                    

Christy/Mac's POV

"Look's like you're stranded here." sabi ni Ken habang nakasilip sa bintana ng kwarto niya.

Nakooooo. Hindi pwede. Papatayin ako ni Mudra. T___T

"Di mo ba ko pwedeng ihatid?" -Ako

"Nag-iisip ka ba? Nakita mo na ngang brown out tsaka bumabagyo eh. -.-" " -Ken

"Sabi ko nga, matatagalan bago ako umuwi." Waaa. Gusto ko na umuwi. :(( Late na oh.

"Dito ka nalang matulog."

Ano daaaw? O.O

"Nababaliw ka na ba? Hindi pwede no! Uuwi na kooooo." Nagtatantrums na ko dito ng parang bata. -__- sorry na. Di lang talaga 'ko sanay ng nagsstay sa bahay ng ibang tao.

"Sige ha, sumulong ka sa ulan. Ewan ko lang kung di ka tangayin dyan ng hangin." -Ken

Ganon ba kalakas yung bagyo? -.-"

Malamang, Mac. Bagyo nga eh. Utak ha?

"Bahala na nga! Teka, tatawagan ko sila Mama. Nag-aalala na suguro yun." -Ako

Tinawagan ko na si Mama

*Ring ring*

"ANAK! JUSKOPORSANTO, ASAN KA?! ANLAKAS LAKAS NG BAGYO!! PANO NA YAN, BAKA NA STRANDED KA SA KALSADA. NAKUU, DYAN KA LANG AT PUPUNTAHAN KA NAMIN NG PAPA MO. KUNG MAPANO KA PA. AATAKIHIN AKO SA PUSO NG DI ORAS. ANONG STREET YAN?!"

Nag-hysterical na ang aking ina. -__-

"Ma! Ano ba kayo, ba't naman ako masstranded sa kalsada? Sinabi ko naman po na pupunta ako sa kaklase ko para mag practice, diba? OA na po kayo."

Haaay, kalsada? Ansaveh lang ng nanay ko? =))) ba't naman ako masstranded don? xD

"Ay, oo nga pala. Nakaninong kaklase ka ba? Babae ba yang kaklase mo?"

Pataaay. -.-

"Uhm.. Lalake po s-"

"ANO?! HINDI KA PWEDE MAG STAY DYAN! PINAGAALALA MO KO LALO. KELANGAN MONG UMUWI. LALAKI BA KAMO?! NAKO, SUSUNDUIN NA KITA, NGAYON DIN!!"

Sabi na eh. Haay.

"Ma naman! Para namang may gagawing masama yung tao."

Ang OA ng nanay ko no? Pagpasensyahan.

"PANO KUNG MA-RAPE KA?! HINDI KO YON KAKAYANIN!!"

Ano ba naman to si mama, nakakahiya! Buti nalang di siya naririnig ni Ken. -.-

"Grabe naman kayo mag-isip! Mabait yon si Ken kahit na mataray minsan. Ma naman, kalma lang. Ayos lang ako. Promise. Dito nalang siguro ako magpapalipas ng gabi. "

"Anak naman, lalake parin yang kasama mo. Nako, pag nalaman to ng Papa mo, mas malala ang magiging reaksyon nun."

Ayan, kumalma na si mama kahit papano. xD

"Ma, may guest room naman siguro sila dito. Sa laki ba naman ng bahay nila. Wag na po kayo mag alala. Grabe naman po kasi kayo maka-react. Kaya ko naman po sarili ko eh. "

"Hay nako. Basta, mag-iingat ka dyan ha? Di lang ako sanay nang mawawalay ka samin ng isang araw."

Grabe naman si Mama. -__-

At kung anu-ano pa ang binilin ni Mama sakin. -.-" Pag di pa talaga tumigil si Mama sa kaka-worry, mapipilitan akong sabihin na bakla si Ken, para matahimik. =)))

Ken's POV

"Opo. Sige po. Promise. Hindi po. Alam ko na yon, ma. Hindi nga poooo." -Mac

MY ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon