Chapter 15

181 5 2
                                    

Christy's POV

Natapos din yung kanta.

Sa wakas. Naka hinga din ako ng maluwag. -_____-"

Nagpalakpakan yung mga kaklase ko. 

Yung iba nag ch-cheer pa. Yung iba naman nag "yyiee" nanaman. 

Meron pa nga, sumigaw ng "GANDA MO CHRISTY!!" wow ah. Nakakahiya sila. 

Pero, ang pinaka pinaka pinaka nakakuha ng atensyon ko ay nung nag salita si Ken.

"You did great." Tas nginitian niya ko. O////O Naman eh. Oo na. Ako na na-flatter. 

"Ehem." Sabi ni Ma'am Delacruz. Ay lesheee. Kanina pa pala kami nagtititigan dito. 

"BAGAY KAYO!!" Sigaw nanaman nung isa kong kaklase. Ano bang trip nila? Nakakhiyaaaaa.

"YIEEEEEEEEEEEE!!" "YUN OHHHH." "KINIKILIG SI CHRISTY OH." Nako, tong mga to. Kala mo close kame kung maka-asar eh. 

Si Ken naman, walang reaksyon. Oh, well. 

Bumalik na kami sa pwesto namin. Ngiting aso naman tong si Kathy. Ang bipolar talaga. 

"Weirdo ka rin no? Kanina, wala ka sa mood tas ngayon, kung makangiti ka, abot tenga." Sabi ko sa kanya.

"Tigilan mo ko, Christina. Alam kong kinikilig ka deep inside. Suuuus." Aba't nang-asar pa! 

Hindi naman ako kinikilig eh.

Kahit na, ang cute niya nung nginitian niya ko kanina.

Kahit na sobrang pogi niya habang seryosong seryoso siyang tumutugtog ng gitara. 

Yung tipong natatakot siyang magkamali kasi, baka masira yung atmosphere.

Nung sinabi niya na- TEKA NGA! >____<

"Oh, ano na? Nakatunganga ka nanaman dyan. Sabi na eh. Kinikilig ka." 

Hindi ko nalang pinansin si Kathy dahil alam kong magdamag lang niya kong aasarin. Kaya, nanood nalang ako sa iba pang nagppresent.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Hay, sa wakas. Bell na. Grabe yung sub namin sa Math kanina. o.o Ang skeri. Langya, gusto niya ata ng perpektong studyante eh. Ayaw ng nagkakamali. -__- Anyways, pagkabell na pagkabell nagsialisan agad mga kaklase ko. Pagtingin ko naman sa pwesto ni Ken, wala siya. Haay. Sabi ko nga. Di na kami magsasama tuwing break time. Wala naman nang pagppractisan eh. 

"Hoy, halika na. Pupuntahan ko pa yung pinsan kong nang iwan sakin" Sabi ni Kathy sabay hablot sa kamay ko. May choice pa ba ko? Kinaladkad na ko eh. -___-

Pumunta kami sa tapat ng section ni Chris at saktong kakalabas pa lang niya. Agad naman siyang linapitan ni Kathy sabay bugbog dito.

JOKE LANG. Hindi niya binugbog syempre. 

Sinigawan lang. =))

"Hoy, Christopher! Ba't hindi mo ko ginising kanina? Hindi mo pa ko inantay. Langya ka, muntik na ko malate!" Parang armalite lang tong si Kathy. Walang hinto yung bibig. Pinagtitinginan tuloy siya.

Kathy's POV

Pagkakitang pagkakita ko kay Chris na lumalabas ng classroom nila, linapitan ko siya agad.

"Hoy, Christopher! Ba't hindi mo ko ginising kanina? Hindi mo pa ko inantay. Langya ka, muntik na ko malate!" 

Mukhang gulat naman tong bruto. =____=

"I thought you were going to sleep all day!" 

"Sleep all day sleep all day ka dyan! Ano ko, bampira? Shunga ka rin eh no?" Parang baliw tong pinsan ko eh. Ang hirap pa naman kausapin. Nakaka-nose bleed kaya! 

"I don't get it." Slow pa. Amp. -___-

"Anyway, I'll just treat you guys." Yun yun ehhh. =))

"Sabi mo yan ah." Okay na kami. Lilibre naman pala niya kami ni Christy eh. =)))

"Hi, Christine. " Sabi ni insan kay Christy with matching smile pa. Hmmmm. I smell something fishyy. 

Pumunta na kami ng canteen para magpalibre kay insan. :D

"Fries lang sakin tsaka iced tea." Sabi ni Christy kay Chris. Ay, magkapareho sila oh? xD Chris and Christy. HAHAHA. Ay, okay natuwa ako masyado.

"You sure?" Tanong sa kanya ni Chris. makulet din to eh no? 

"Yun nga lang daw eh. Oh, ako naman. Large fries, footlong tsaka large iced tea. ^________^

"O-kay?  I'll have cheese burger and iced tea." 

"Kathy, andami mo namang inorder. Talo mo pa yung nanlibre sayo." Sabi ni Christy sakin ng pabulong. Nahiya pa siya.

"Hay nako, Christy. Minsan lang yan manlibre kaya linulubos ko na. Napaka-cheap kaya niyan. " Sabi ko naman sa kanya. Minsan kasi, hindi gumagastos yan kahit andaming pera. Once in a blue moon lang yan mag-aya. Ano kaya meron dito sa pinsan ko ngayon?

Umupo na kami sa pwesto namin. Magkatabi kami ni Christy at sa harap naman niya nakaupo si Chris. Weee. Ansarap nung akin! Busog ako nito. HAHAHA. >:) 

Habang kumakain, pansin ko antahimik nung dalawa. Problema nila? Nagkakahiyaan pa ba sila. Jusme. -___- 

"Ang tahimik niyo?" Nagtinginan lang sila sabay tawa. 

"Ahhh. So kayo lang nag-kakaintindihan. Okay. Kakain nalang ako." Inirapan ko sila ng pabiro. Ang weirdo nila. Bahala sila dyan. Basta ako, makikipag date muna ko sa pagkain kong napakasarap. 

Naririnig ko silang nag-uusap pero nagkaka-awkard silence din. Nakakatawa sila. xD 

Napansin ko din na panay ang sulyap netong pinsan ko kay Christy. Nako nako. Nakakahalata na ko ah. Hmmmm. 

"Ay!" Napatingin ako kay Christy na puno ng ketchup ang mukha kaya hindi ko napigilang tumawa. 

"HAHAHAHAHA! Langya ka, Christy! Ang kalat mong kumain. Fries na nga lang isasawsaw mo sa ketchup, tatapon pa. HAHAHAHHA."  Mukha talagang ewan si Christy. Kahit si Chris natatawa sa itsura niya eh. Tinignan lang kami ng masama ni Christy. =)))

"Here." Sabi ni Chris kay Christy sabay kuha ng tissue at ipinunas to sa bibig ni Christy. OOY. SWEET. =)))))

Ang tipid mag salita ng pinsan ko. Nahihiya siguro. Dumadamoves naman.

"Ehem ehem" Sabi ko sa kanila. Baka nakakalimutan nilang andito pa ko? 

"Uhm.." Sabi ni Christy sabay kuha nung tissue sa kamay ni Chris at siya na ang nag punas ng bibig niya. Haha! Ang cute nila. 

Nagkwentuhan lang kami at pagkatingin ko sa table na nasa bandang harap namin sa kanan, nakita ko si Ken na nakatingin lang sa table namin. De javu? 

Nung narealize siguro ni Ken na nakatingin ako sa kanya, tumingin na uli siya sa mga kasama niya. Humarap sa pwesto namin yung isa pa niyang kasama. Nakatalikod kasi siya kanina eh.

Famillar yung mukha niya. San ko kaya to nakita? Grabe, andaming famillar faces ang nakikita ko. -____-

-

AN:

OYYY! Ano kayang meron kay Chris? Sino kaya yung mga nakita ni Kathy na famillar? Hahaha =))) Maiksi lang ulet to! Promise, pag nasa matinong pag-iisip nako, hahabaan ko yung update. xD 

Isa pang reason kung bakit ang tipid mag salita ni Chris... Spokening dollar kasi siya eh. Alam niyo naman, mahina ako sa english kaya ehem. Pagpasensyahan kung may mga grammatical errorsss. =))))))) 

Dedicated tong chapter na to kay @letlovelive13 :D Oh, Rizza! As promised! :)  Read niyo po yung story niya na BF vs. GF :) Magandaaa. New story pa lang din kaya, ayun! Support support din. :)

VOTE, COMMENT & BECOME A FAN! :) 

MY ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon