Chapter 27

141 1 4
                                    

Christy's POV

Ang drama ni Ken, ah! Mag walk out ba naman. =___= Nagsasabi lang ng totoo eh. :(( Kahit naman anong sabihin ko, may isang madidisappoint diba?! UGH. 

"Sige, Chris balik na ko sa classroom bukas nalang natin to pag-usapan ah?" 

"Ah, sige. Sorry." Napakamot lang siya sa ulo niya.

"Shunga, wala kang dapat ika-sorry." Pinalo ko siya ng mahina sa braso. 

"Balik na ko sa classroom." Sinabi ko sa kanya at dumeretso na 'ko pabalik ng classroom

Pagdating ko run, wala si Ken. Asan na yon? Mag ttime na ah. -____-

Umupo ako sa pwesto ko at nakita kong andun si Kathy na ngiting ngiti. Batukan ko to eh. Iniwan kaya niya 'ko! TT__TT

"Anong nginigti-ngiti mo dyan?" Asar kong tanong sa kanya. Ang saya saya niya habang ako, namomroblema.  -____-

"Pumayag na kasi si Kyle." Kinindatan niya ko pag kasabi niya nun. Kakilabot. o____e

"Yun lang pala eh. Kamusta naman ako diba?"

"Ano ba nangyare?" Tanong niya sakin. Kaya, kinuwento ko na yung nangyare kanina.

"Oh, ano namang masama. Di ka pa naman pumapayag dun sa date niyo ni Ken diba? Tsaka, si Insan naman talaga yung nauna kaya wag nga siyang magpaka-OA dyan at umasta nang parang boyfriend mo." Natatawa lang ako sa facial expression ni Kathy kasi mas apektado pa siya sa naging reaksyon ni Ken. HAHAHAHA!

Wait... Speaking of Ken, asan na siya? Kanina pa nag start yung klase ah. Cutting?! O__O

Ken's POV

"Bwiset." Bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad at sinisipa yung maliit na bato na nadaanan ko kanina sa may quad ng school. Sinisipa ko parin yun hanggang sa makarating ako rito sa may likod na part ng school. Ngayon lang ako nakapunta dito eh. Maganda sigurong tambayan to paminsan-minsan. Di ko nga alam kung pano ko nasipa pataas dun sa hagdanan kanina eh.

Pagkasipa ko ulit dun sa bato, dumeredertso ito papunta sa mga malalaking damo. Sus, asa namang kukunin ko pa yun. -___-

"Haaay." Nahiga nalang ako sa grass don. Mahangin rin dito, sarap matulog. Di rin naman 'to yung unang beses na nag-cutting ako eh. Pangatlo na rin siguro? 

Nakakawalang gana rin kase. Lalo na at kaklase ko si Mac. Ewan ko ba, di ko siya maharap harap pagkatapos nung nangyare kanina. Pahiya ako dun ah! Tss. May gusto ba siya dun sa Chris na yon? Ano ba meron sa kanya na wala saken? Mas maputi? Dahil ba half-australian siya? Psh. Hindi man ako half-australian o kasing puti nung Chris na yon sigurado naman ako na..

MAS POGI AKO SA KANYA.

Oh ba't parang nalugi kayo? Di ba yun yung ineexpect niyong sasabihin ko? Tss. Ganon naman yon diba? Pag nag-assume ka at hindi nagkatotoo, madidismaya ka lang. 

Kanina, akala ko naman ako na pipiliin ni Mac na makasama sa Sabado. Sapilitan man yung "date" na yun, pero ayos lang naman siguro diba? Gusto ko rin kasi siyang ipakilala sa nanay ko kasi sa Saturday lang siya libre. Pero yung Chris na yon naman. -___- Konti nalang, masasapak ko na yun. Nakakairita kaya boses niya. Parang bading. Tch.

(May ginawa bang masama sayo? Wala naman ah?) Sabi nung konsensya ko. 

OO! Tama ba naman bang mang-agaw ng babae? Ako nauna kay Mac eh. Akin na dapat si- Aish!  Napahilamos nalang ako ng mukha at umupo na 'ko. Nakakabanas naman eh. Ano bang ginagawa mo sakin, Mac? 

Christy's POV

Grabe, dalawang subjects na yung lumipas pero wala parin si Ken. Galit parin ba siya sakin? u__u

MY ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon