Chapter 23: Mine

102 7 3
                                    

Blaster's POV

Walang nagsasalita o gumagalaw nung nakita namin si Crys. May something sa awra nya ngayon... parang hindi okay.

"Bat para kayong nakakita ng multo?" Sabi nya sa samin sabay irap.

"Sino sya?" Tanong ni Rylie.

"Oh, Is that Rylie?" Tanong nya sa amin.

Wala pa ring nagsasalita sa aming limang lalaki.

"Yes I am." Sagot ni Rylie.

"Get well soon." Sabi ni Crys ng mono tone na parang napilitan.

"Thanks. But...May I know your name?" Sabi ni Rylie.

"Oh, you don't know me?" Tanong ni Crys.

Naglakad sya papunta sa akin at saka nya ako hinalikan. Nagulat ako sa ginawa nya. Sobrang bilis ni hindi na ko nakaiwas pa.

"Ngayon alam mo na ba kung sino ako?" Tanong nya.

"Crys!" Sigaw ni Zild na parang pangbabawal.

"Bakit?" Tanong nya.

"Hindi pa ba malinaw? Kami na ni Blaster. He's mine. Nobody can touch him, ako lang." Sabi ni Crys.

"Ano na nanaman bang balak mong gawin?" Tanong ni Badjao.

"Bat ba ganyan ka ngayon?" Tanong ni Unique.

"Hwag nga kayong mag maang maangan pa!!" Sigaw ni Crys.

Tumayo ako at saka ko dinala si Crys sa labas.

"Mag usap tayo." Sabi ko ng seryoso.

Sumunod din sila Gelo,Unique,Zild at Badj sa labas at saka nila sinarado yung pinto para hindi marinig ni Rylie gano yung mga sasabihin ni Crys.

"Ano ha? Sa loob tayo mag usap! Bat kailangan pa dito!" Sabi ni Crys.

"Ano bang nangyayare sayo Crys?" Tanong ni Zild.

"Akala nyo hindi ko alam?? Inaagaw ng Rylie na yan si blaster sakin!" Sigaw nya.

"Inaagaw? Bakit? Kayo ba ni blaster?" Tanong naman ni Gelo.

"Oo ngayon lang. Hinalikan ko sya diba? That represents my "Yes" to him. Tutal ang tagal na din naman nyang nanliligaw sa akin." Sabi ni Crys.

"Crys... Nag-usap na tayo diba? Sabi ko ayoko na.. Ayoko na sayo." Sabi ko.

"Oh, nag usap na pala kayo e. Ayaw na sayo Crys ng tao. At may karapatan si ter na sumuko." Sabi ni Zild.

"Bakit? Kasi meron ka ng iba? Ha? Sabihin mo sakin!" Sigaw ni Crys.

"Oo! May mahal na kong iba! Alam mo kung bakit ako sumuko sayo? Kasi tingin ko pinapaasa mo na lang ako! Ilang taon akong nanligaw sayo Crys! Halos magmukang tanga ako sayo at sa harap ng mga kaibigan mo! Binilan kita nun ng flowers pero imbis na matuwa ka, nagreklamo ka pa kasi ayaw mo sa bulaklak na yon. Crys kung mahal mo yung isang tao kahit ano pang bulaklak yan, kahit galing pa sa patay yan matutuwa ka dahil bigay ng taong mahal mo. Nung binigyan din kita ng Chocolate? Diba tinapon mo lang kasi kamo ang cheap ng Goya? Nung bumili ako ng teddy bear? Binigay mo lang sa pamangkin mo diba? Kasi gusto mo yung galing sa blue magic! Tapos pag nagddate tayo at inaaya kita sa tindahan ng ihaw ihaw, ayaw mo diba? Gusto mo lagi sa mga mamahalin! Napaka materialistic mo! Pasensya na ha? Hindi kasi ako mayaman! Tapos ngayon bigla kang maghahabol?" Tanong ko.

"Sorry naa baby.." Sabi ni Crys sabay yakap sa akin.

"Tigilan mo ko sa mga sorry mo na yan. Tapos na tayo." Sabi ko at saka ko tinanggal yung kamay nya sa pagkakayakap sa akin at saka ako pumasok sa loob.

Bigla din naman syang sumunod sa loob.

Pumasok din sa loob yung mga boys.

"Please Crys, ayoko ng gulo." Sabi ko.

"So tama lang pala yung ginawa ko.." Sabi ni Crys.

"Alin yun?" Tanong ko.

"Na ibulgar  na si Rylie si MSRY." Sabi ni Crys.

"IKAW ANG NAGPOST NON?" Sigaw ni Rylie.

"Oo baket? Atleast nakaganti ako sayo for stealing blaster from me! Mas bagay ka diyan." Sabi ni Crys.

Hindi lang makatayo si Rylie pero halatang galit na galit sya.

"Ano? Sasampalin mo ko? Sige halika! Tumayo ka dyan! Ay hindi mo pala kaya. Oh sige, ako na lang yung lalapit sayo." Sabi ni Crys at saka sya lumapit kay Rylie sa higaan.

Buti na lang biglang hinarangan ni Unique si Rylie kaya si Unique ang nahampas.

"CRYSSS!! ANO BA??!! UMALIS KA NA!!" Sigaw ko.

"ANO GALIT KA NA NYAN?" Sigaw ni Crys.

"MABUTI PALA AT HINDI KITA NAGING GIRLFRIEND! WALA AKONG MAGIGING GIRLFRIEND NA KASING HALIMAW MO!" Sigaw ko sa kanya.

Hinawakan na ni Zild at Badj si Crys para ilabas ng bahay. Tumulong na rin ako at si Gelo na  ilabas sya.

"HWAG NA HWAG NAMING MAKIKITA YANG PAGMUMUKA MO DITO." Sabi ni Gelo.

"HINDI NA IKAW YUNG CRYS NA NAKILALA NAMIN." Sabi ni Badj.

Pinagsaraduhan na namin sya ng gate.

"BLASTTERRRRRRRR!!!" Sigaw ni Crys sa labas.

"TARA NA. HAYAAN NYO YANG BABAE NA YAN." Sabi ni Zild.

Pumasok na kami sa loob lahat.

//

A/N:

sayang naman si crys. Hehhehe charot!

Sorry guys kung ginawa kong kontra bida si ate crys huhu labag din sa kalooban ko talaga e.

please vote!

Kung nagagandahan nyo yung story ko, pwede nyong irecommend sa mga friends nyo para mabasa rin nila. Huhu maaappreciate ko yun, let me know.

The next chapter will be the ending.

Sorry guys, hindi na kasi ako makakapag update pa pag nagpasukan na kami sa college. Sana maintindihan nyo mga mamsh.

May isa pa akong ON GOING na story but not IVOS related. Kindly check out my other works!! Thank youuu

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon