Chapter 17: Mundo

90 7 2
                                    

Rylie's POV

Pagpasok namin sa parking lot ang dami na agad fans na naghihintay sa IV of SPADES. Grabe!

Magkasunod lang yung kotche namin at van nila. Hindi pa man din sila nakakababa kinukuyog na agad yung van nila ng sobrang daming fans.

Buti na lang yung car ko safe hehe. May nakita na rin kaming guards para tumulong na makalabas yung IV of Spades.

"Magpalate na siguro tayo ng baba. Paunahin na lang natin sila." Sabi ni Gelo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi naman sa pagmamalaki pero isa rin ako sa baka makuyog ng mga fans, alam mo na close ko kasi ang IV of Spades." Sabi ni Gelo habang tinitignan yung paglabas ng IV of Spades.

Nakita ko sila Zild, Ter at Badj na kaway ng kaway sa mga fans samantalang si Unique naman ay seryoso lang sa paglalakad.

After makaalis ng IV of Spades, bumaba na rin kami sa kotche.

"OA ba yung suot ko? Parang hindi ata pang mall show." Sabi ko.

"Well, hindi nga yan mukang pang attend ng mga gigs, pero okay naman e. Model ka naman diba? Kaya ayos lang kahit ano isuot mo." Pabirong sabi ni Gelo.

Naglakad na rin kami papunta sa taas sa second floor para pumunta din sa back stage.

"Ang daming tao gelo pano tayo makakapunta sa back stage nyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ako bahala." Sabi nya.

Pamaya maya may kinausap syang guard para magpatulong.

"Halika na" sabi ni Gelo.

Humawak ako sa braso nya para hindi ako mawala o mahiwalay.

"WAAAAAHHH!!! GELOOOOOO!!!"

"HELLOOOO GELLLOOO!!"

"OMG GELO ESPEROOOON!!"

"GIRLFRIEND MO BA SYA GELO?"

"GELO SINO YANG KASAMA MO?" Tanong ng mga ilang fans.

Ang dami ko na ring nakikitang camera na sa amin nakatutok.

Nang makarating na kami sa backstage, nakita ko na yung IV of Spades.

"Salamat bro." Sabi ni ter kay Gelo.

"Wala yon." Sabi naman ni Gelo.

"Rylie, sama ka sakin mamaya ha? Dun tayo sa harap uupo para kitang kita natin sila." Sabi ni Gelo.

Ngumiti lang ako.

Naririnig na namin yung intro ng host ngayon, hudyat na malapit na magsimula.

Pamaya maya, may pumasok na isang babae. Medyo may kaliitan pero cute naman sya.

"Huy Gelo!" Bati nya dito.

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Gelo sa babae.

"Hirap makisingit sa mga fans e." Sabi nya.

"Nasan si Unique?? Nasan...sya... Ayun! UNIQUEEEEEE!!" Sabi nya at saka tumakbo kay Unique.

Nagulat ako ng bigla nyang niyakap si Unique.

Living with IV of Spades [COMPLETED]Where stories live. Discover now