Chapter 9: Towel

137 7 0
                                    

Badjao's POV

*kinabukasan*

"Rylie, darating pala yung Royal Production ngayon. Nakalimutan kong sabihin kahapon." Sabi ng yaya ni Rylie habang kumakain kami.

Napatingin kaming sabay sabay kay Rylie habang kumakain. Tila naghihintay ba kami ng sagot.

"Anong oras yung pictorial yaya? And para san daw?" Sabi nya.

Nakaramdam nanaman kami ng lungkot sa bawat salita nyang binibitiwan.

Mukang ayaw nya ngang maging isang model talaga. Pero kung tutuusin, maganda rin yun ah, marami ngang naghahangad dyan na maging model. Pero sa bagay, iba kasi yung passion sa buhay ni Rylie kaya hindi natin sya masisisi.

"Actually, anytime pwede na silang dumating. Gagawin daw cover ng METRO Magazine." Sabi ng Yaya nya.

Napa "wow" kaming lahat.

"Congrats!!" Sabi nila Daddy A, Paps, Ate Bel at Tita Coco.

Ngumiti lang si Rylie sa kanila.

Kaming apat? Hindi na kami kumibo pa.

After naming kumain lahat, umakyat na sila Daddy A sa taas. Lagi silang busy sa pagpaplano ng new concept.

Kaming apat naiwan lang kami dito sa baba sa sofa with Rylie.

Pamaya maya, biglang may kumakatok sa pinto.

Binuksan na nung yaya ni Rylie. No doubt, ang Royal Production na nga.

"Goodmorning Rylie." Sabi ng buong Production.

"Goodmorning." Bati naman ni Rylie.

"Hawaiian pala yung theme natin ngayon, alam mo na, summer kasi. So, let's get started." Sabi nung lalaking Kalbo na bakla.

"Sige po, magsshower na muna ako." Sabi ni Rylie at saka na sya umakyat sa taas.

Nagset up naman na yung production team nila sa sala. May mga kung ano anong halaman at bulaklak din yung dala dala nila sa isang side.

Yung isang bakla naman nag aayos na ng make up kit nya sa isang sulok.

After ng ilang minuto, tapos na agad silang magset up.

"Please pakibigay to kay Rylie sa taas para makapag bihis na sya." Sabi nung kalbo.

Pamaya maya may biglang lumapit sa kanya at saka kinuha yung paper bag na sobrang laki at saka ini akyat sa taas.

"First time ko makakapanood ata ng ganito kaganda." Sabi ni ter.

"Uy! Diba kayo yung IV of Spades?" Sabi nung isang staff.

"Yes po." Nahihiyang sabi ni Zild.

"Pwedeng magpapicture?" Sabi ng isa.

"Sure." Sabi ni Zild.

At halos lahat naman sila ay nagpapicture na sa amin except sa Kalbong bakla.

"So..why are you here?" Sabi ng isang babae.

"Dito na kami magsstay." Sabi ni Zild.

"Ay ganun? Kaswerte nyo naman kasama nyo yung anak anakan ko na si Rylie. Sobrang masiyahing tao nyan pag kaming dalawa lang yung magkasama. Pero never syang naging masaya sa pictorial, alam nyo naman na siguro kung bakit." Sabi nya.

Ngumiti lang kaming apat.

/
Pamaya maya nakita na namin si Rylie na bumababa.

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon