Chapter 18: Fan meeting

100 6 2
                                    

Rylie's POV

Nasa stage yung IV of spades ngayon, magkakatabi sila sa bangkuan na may mahabang mesa.

Fanmeet din pala nila, kaya pwede silang makipag interact sa mga fans as well as to take a selfie with them or even ask for their autograph.

Nandito lang ako sa dati kong kinakaupuan sa baba. Inaaya ako ni ter sa taas na tumabi sa kanila kaso nahihiya ako baka kung ano sabihin sakin ng mga fans kaya sa baba na lang kako ako.

Binilan ako ni Gelo ng milktea at saka sya tumabi sa akin. "Thanks" sabi ko.

"Thank you kamo kay blaster." Sabi ko kay Gelo.

"For what?" Tanong ni Gelo.

"Alam ko na sinasabi nya sayo na samahan nya ko lagi." Sabi ko.

"Ah yun ba? Hehe." Sabi ni Gelo na mukang awkward dahil feeling nya nabuking sila hahaa.

"Naaappreciate ko lahat. Thank you rin sayo Gelo." Sabi ko sa kanya.

"Wala yon. Anuba." Sabi nya sabay tawa.

"Nga pala Rylie... Hindi na ko sasabay sayo mamaya, punta muna ko sa bahay namin to get my things. Maybe tomorrow na yung balik ko, ng mga gawing hapon pa." Sabi ni Gelo.

"Oh sure. Sige. Can't wait to see you sa bahay." Sabi ko.

Ngumiti sya sakin ng sobrang lapad hahaha.

Pamaya maya nakita ko si Chy na umakyat sa stage.

Kinakausap nya yung ibang fans.

"Bakit kaclose ni Chy yung ibang fans?" Tanong ko kay Gelo.

"Nagbabible talk kasi minsan si Chy sa mga social media nya. Eh alam ng fans na close ni Chy yung IVOS kaya siguro sila close kasi nakikipag interact din si Chy sa kanila." Sabi ni Gelo.

Ganun?

Napatingin ako kay Chy. Muka naman syang mabait. Sa bagay nagbabible study nga pala sya.

Nakikipagtawanan na sya ngayon sa IVOS. Binigyan sya ni Unique ng mineral water.

"Ang sweet ni Unique hano?" Sabi ni Gelo.

"Kay Chy." Sabi ko.

Pamaya maya, tumabi si Chy kay Unique. Parang may tinatanong si Chy kay Unique pero mukang ayaw sumagot ni Unique.

Napatingin sakin si Chy at saka sya nag wave. Nginitian ko lang sya. Pamaya maya may sinasabi nanaman sya kay Unique, pero mukang maganda naman yung sinasabi ni Chy kasi nakangiti sya all the time na nasasalita sya.

Marami pa ring pila ng mga fans na gustong magpapicture sa kanila. May mga nagbigay din ng mga gifts.

May mga nagpapicture din pala sakin kanina kesyo nakikita daw nila ako sa mga magazines dahil model daw ako.

Akala ko talaga papansinin na ako ni Unique dahil nakatitig sya sakin kanina sa performance nila.

Pero after nun hindi na nya ulit ako tinignan ni isang sulyap. Ni hindi nya rin ako kinausap.

Pero ang weird sa feeling.

Parang....nasasaktan ako.

(A/N: diba ang nasasaktan lang yung mga nagmamahal? So nagmamahal na si Rylie?hmmm..)
/

Blaster's POV

Tapos na mall show namin at fanmeet. Sabay sabay din naming hinatid si Gelo sa labas kanina para makasakay ng bus.

Sabi ni Rylie na sya na mismo maghahatid kay Gelo sa bahay nya pero kami na mismo yung tumanggi dahil sobrang layo pa ng bahay ni Gelo.

Ngayon nandito na kami sa loob ng van, pauwi na.

Wala ng ganong sasakyan dahil mga 9:30pm na.

"Si Rylie yung kasunod natin diba?" Tanong ni Zild.

"Oo sya nga. Kaganda ng kotche nya." Sabi ni Badj.

Ang astig malaman na kaya nyang magdrive ng kotche pero at the same time kinakabahan ako sa kanya kasi baka nga maaksidente sya ganun. Parang hindi ko kakayanin.

After ilang minutes, nakauwi na rin kami sa mansion. Saglit lang naman yung byahe.

~

A/N:

wait bat parang bumabalik yung feelings ni ter?

Hmm?

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon