Chapter 4: Rylie's Room

161 9 1
                                    

Unique's POV

"Anak gising na, kain na tayo." Pagdilat ko ng mata ko nakita ko silang lahat na nag aayos ng pinagtulugan.

mag uumaga na din nung bumalik ako sa kwarto after ng makita ko kagabi.

Pagbaba namin, nakita namin si rylie na kumakain ng mag isa.

"Di marunong maghintay." Sabi ni Zild.

"Baka nahihiya lang sya sa atin." Sabi ni Blaster.

Nakaupo sya sa pinakadulong upuan sa long table.

Umupo na kaming walo sa table kasama sya.

"Goodmorning Rylie." Bati ni Daddy A.

"Goodmorning anak." Eka naman ni Mama na halatang nakikisama lang.

Binati namin syang lahat ng goodmorning pero ni isa wala syang sinabi.

Walang imik.

Halos parang pinaglalaruan nya lang yung pagkain.

Nakatulala.

Tila nakatitig sa kawalan.

Mababakas mo na may problema,

Ang lungkot.

"Mukang madami akong makakain ah!" Eka ni Daddy A.

At saka kami tumawa lahat.

Si Daddy A at si Blaster yung pinaka malakas kumain sa aming lahat.

Kaya si Blaster e tumataba yung tiyan hahahaha.

Grabe sobrang daming breakfast naman neto halos parang pang fiesta na!

"What's wrong Rylie? Di mo ba nagustuhan yung niluto ko?" Tanong ng yaya nya.

"Masarap." Simpleng sabi nya.

Tumayo sya agad. Napatigil kaming lahat.

"Sa taas na muna ako yaya." Sabi nya at saka sya umalis.

Ng makita nilang nakaakyat na si Rylie sa taas, tinanong ni Mama yung yaya nila.

"Ayaw ho siguro sa amin ni Rylie, naiintindihan po namin yun." Sabi ni mama.

"Ay nako hindi ho, sobrang bait po ng batang yan. Kaso... Ano...ah, mahirap ho kasing magsalita. Magkukwento rin po sa inyo si Rylie pag medyo napalapit na po kayo sa kanya. Hintay lang po kayo pero ang masasabi ko lang sa ngayon, mabait si Rylie." Sabi ng yaya nya.

"Parang hindi naman." Sabi ni Zild.

After naming kumain, nasalubong namin sa hagdan si Rylie, naka short na black na maikli at naka blouse na white.

Tila nagmamadali.

"San punta nun?" Sabi ni Badj.

"Di manlang marunong bumati. Walang galang." Sabi ni Mama.

Hay nako ganyan talaga si Mama ko, pero mabait din naman sya. Ayaw nya lang nakakakita ng ganung pag uugali.

Nag aayos na yung buong team sa mini studio sa baba. Kaming apat, naiwan kami dito sa taas.

"Guys.. Naiisip nyo ba yung naiisip ko?" Tanong ni Ter.

"Malamang, hindi." Sabi ni blaster sabay higa sa sofa.

"Bat hindi natin pasukin yung kwarto ni Rylie?" Sabi ni Ter.

"Hoy Ter ayos ka lang ba? Ano naman gagawin mo don aber?" Tanong ni Zild.

Minsan talaga tong si Ter kung ano ano yung pumapasok sa isipan e.

"Maghahanap ng impormasyon." Sabi ni Ter.

"Para saan?" Seryosong tanong ni Badj.

"Kung bat ganon ugali ni Rylie." Sabi ni  Ter.

"Hay nako Ter pinanganak na si Rylie na masama yung ugali. Alam mo na, mayaman kasi kaya maarte, kaya masungit." Sabi ni Badj.

"Hay nako basta!! Halika Unik samahan mo ko tara." Pag aaya sakin ni Ter.

"Oy oy oy! Ayoko baka dumating agad si Rylie, baka mapalayas tayo ng di oras." Sabi ko pero deep inside parang nacucurious din ako sa maaari naming malaman.

"Ako bahala sa inyo, ako pa ba? Galing ko kayang magpalusot." Sabi ni Ter.

Nagpahila na lang ako. Hehe

Pagpihit namin ng pintuan ng room ni Rylie, sinalubong kami ng mabangong samyo.

Sobrang luwang ng kwarto nya.

May vase sa gitna na malaki na puno ng red roses. Ah, so yun pala yung naaamoy namin.

Sa dulong side makakakita ka ng mga Paintings sa mga canvas. Maraming paint brushes na nagkalat. Maraming cans ng pintura sa table.

"Wow, artist sya?" Tanong ni Ter.

"Grabe sobrang galing nya mag painting ng mga muka." Sabi ni Badj

Sa kabilang side naman, isang table na mahaba. Puno ng ibat ibang books at scratches. May isang board din na ang daming naka dikit na kung ano anong sulat. At may computer sa tabi at laptop.

"Sa tingin ko, writer din sya." Sabi ni Zild.

"GRABE!! Model na, Pintor pa, writer pa! Jusko saan ka pa?" Sabi ni Blaster na halos mukang inlove na inlove sa mga nakikita.

"Nasan kaya yung mga picture nya? Diba model sya? Bat wala ni isang picture frame manlang na may muka nya?" Tanong ko.

Nakaka intriga kasi.

Usually yung mga model may malaking tarp pa minsan ng sarili nilang muka sa room nila.

O kahit albums manlang sana. Naghalungkat na kami pero wala kaming makita.

"Bakit ganon" sabay sabay kaming apat.

Nagtinginan kami.

Alam namin na para ngang may mali.

"Guys natatakot na ko ha." Sabi ni Badj.

"Oh bat ka natatakot?" Tanong ni Zild.

"Feeling ko multo yan." Sabi ni Badj.

"Seryoso ka ba Badj?" Tanong ko sabay tawa naming lahat.

//
A/N

Ano kaya talaga yung problema ni Rylie?

Comment down kung medyo may alam na kayo before magbasa ng next chap

Thank uu!!

vote naman kayo hehe

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Where stories live. Discover now