Chapter 12: Allergy

104 6 0
                                    

Blaster's POV

Hindi ko alam kung ano pwede kong gawin pag sinaktan nila si Rylie.

Makakasuntok ako ng wala sa oras.

Papunta na kami sa Rose Hotel ngayon. 20mins lang naman yung byahe.

Pagkababa namin ng sasakyan, hinanap agad namin yung conference room.

"Welcome to Rose Hotel." Sabi ng babae na nasa desk.

"Miss nasan dito yung conference room?" Tanong ni Unik.

"Ay nandun po sa gawing dulo." Turo ng babae.

"Kaso po may magaganap na meeting po dun ngayon. Sino po ba yung hinahanap nila?" Tanong ng babae sa amin.

"Thanks." Simpleng sabi ni Unique at saka tumakbo sa conference room.

Pagbukas namin ng pinto, nakita namin yung lalaki na buhat buhat si Rylie.

"ANONG GINAWA MO SA KANYA TARANTADO KA!!" Sigaw ni Unique.

"OY OY OY!! LET ME EXPLAIN!!" sabi nung lalaki.

"G*GO ANONG LET ME EXPLAIN? IBABA MO SI RYLIE NGAYON DIN!" Sigaw ni Unique na mala halimaw sa galit.

"EASY BRO, WALA AKONG GINAWANG MASAMA I SWEAAAR!" pagmamakaawa nung lalaki.

Binaba nung lalaki si Rylie sa sofa. Nilapitan namin si Rylie agad. Wala syang malay.

"UNIQUE STOP!" Pigil ni Zild.

"ANONG STOP?" Sabi ni Unique.

"BAKIT OY! BAKIT MO BUHAT SI RYLIE?! AT BAKIT WALA SYANG MALAY?? PINAINOM MO NG PAMPATULOG TAPOS ANO? PAGSASAMANTALAHAN MO??!" Sigaw ni Unique at saka nya sinipa ng malakas yung bangkuan na nasa harap nya.

Nakakagulat.

Ngayon lang naging ganyan si Unique.

Ngayon lang namin syang nakitang ganyan.

Hindi ko rin akalain.

"BRO BRO, YUNG SECRETARY KO KASI YUNG PINAMEET KO MUNA KAY RYLIE HABANG WALA PA SI MAMA. AYOKO SYANG IMEET DAHIL NASASAKTAN PA RIN AKO SA PAGBUSTED NYA SAKIN . TINANONG PALA NG SECRETARY KO KUNG GUSTO NI RYLIE NG KAPE. UMINOM KASI NG KAPE SI RYLIE KANINA. EH ANG KAPE NAMIN DITO MAY HALONG POWDERED PEANUTS. ALLERGY SI RYLIE SA PEANUTS. NAKALIMUTAN KONG SABIHIN SA SECRETARY KO NA HWAG SYANG PAPAINUMIN O AALUKIN." Sabi nya.

Medyo nawala yung sobrang galit ni Unique. Bumabagal na rin yung paghinga nya.
"EH BOBO KA PALA EH!" sigaw ni Unique.

"Yes, Allergy si Rylie sa Peanuts. How did you know?" Tanong ng yaya ni Rylie.

"Syempre nanligaw ako sa kanya dati kaya buong buhay nya ata ang alam ko. Hindi po ako masama. Oo siguro muka akong adik kung tignan, pero mabait ako at gagawin ko ang lahat para kay Rylie." Sabi nya.

"TIGILAN MO NA SI RYLIE. ALAM MONG AYAW SAYO NG TAO." Sabi ni Unique.

"HAHAHAHHAHAHA" tumawa lang yung lalaki.

"MAY NAKAKATAWA BA SA SINABI KO?" Tanong ni Unique.

"GUSTO NYA KO! KAYA NGA SYA PUMUNTA DITO EH! WALA KAYONG ALAM SA KUNG ANONG MERON KAMI!" Sabi ng lalaki.

"KAYO? WALANG KAYO! PUMUNTA SYA DITO PARA MAKIPAG DEAL NG PICTORIAL HINDI PARA SAYO!" Sabi ni Unique.

"WALA. KANG. ALAM." Sabi ng lalaki sabay walk out.

"HAYOP!!" Sigaw ni Unique.

Naiwan si unique na umaapoy sa galit.

"Unique hayaan mo na, tapos na." Sabi ni Badj.

Binuhat na uli ni Zild si Rylie.

Nagtitinginan yung mga tao sa loob.

Hinaharang kami ng mga guards at staff kung anong nangyare.

Ang dami rin naming nakitang mga cameras na hawak ng mga tao.

Ayaw na naming magsalita pa dahil ayaw naming magkaroon nanaman ng issue sa fandom dahil lagot nanaman kami kay Paps pag nagkataon.

Nakakalungkot.

Wala akong nagawa para kay Rylie. Siguro nga mas deserve nya si Unique. Si Unique kaya syang ipagtanggol, ako hanggang salita lang.

Nang makasakay kami sa kotche, nagising na si Rylie. Ang dami nyang rashes sa braso.

Sobrang pula pa ng muka nya.

"AYOS KA LANG BA??" tanong ng Yaya ni Rylie.

Tumango naman si Rylie.

"Anong nangyare sakin?" Tanong nya.

"Nakainom ka ng kape na may powdered peanuts." Sabi ng yaya ni Rylie.

"Nakita ko kanina si Allen Sya nga ba yon? Bat sya nandon?" Tanong ni Rylie.

So Allen pala yung name. Ngayon alam na namin.

"Rylie tapatin mo nga kami. Ano bang meron sa inyo ni Allen? Diba binusted mo sya?" Sabi ng yaya nya.

"Kaibigan ko si Allen. Sya yung lagi kong kadamay sa lahat. Kaya ko sya binusted kasi hanggang kaibigan lang yung pwede kong mai offer." Sabi ni Rylie.

Naguluhan kaming lahat.

Mas lalong nag init yung ulo ni Unique.

"Unique ayos ka lang ba?" Tanong ni Zild.

"MUKA BA KONG AYOS?" Sabi ni Unique.

//

A/N

Oops! Ano to?

May tension na between! Uyyy!!

Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Rylie? Si Blaster ba? Si Unique ba? O si Allen?

comment down your thoughts

Please vote!!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon