Start of something new.

4 0 0
                                    

Hindi na ulit kami nagusap ni wade pero tinanggap ko ng wala na talagang namamagitan samin, tinanggap ko ng tapos na.

"Ber, pinaabot ni william. Naiwan mo daw" sabi ni khalil na hawak hawak ang math textbook ko. Naiwan ko pala sa kotse niya. "Manood ka ng practice mamaya?"

Tumango ako, "yup, tapos ililibre mo ako ng ice cream"

Napangiti siya ng malawak at ginulo yung buhok ko "ice cream lang pala eh"

Tuwing nakakasalubong ko si wade nagkukunwari akong
A.) diko siya nakita
B.) diko siya kilala
C.) may ginagawa ako at wala akong panahon para kausapin siya.
D.) all of the above

"Oo nga pala khalil, malapit na kayo magperform diba?"

"Yup, next week"

"Goodluck"

"Alam mo bang hindi dapat sinasabihan ng goodluck kasi baka malasin?" Napakunot ako sa sinabi niya. "Dapat, break a leg"

"Edi break a leg khalil"

"Thankyou, diko inexpect yan" hinampas ko siya sa braso

"Break a neck" tinusok niya ako sa tagiliran kaya napatili ako, may kiliti kaya ako dun.

Natatawa kaming naglalakad nung biglang may lumipad na ice cream sa ulo ko.

"Oops, nagtataka ka ba kung bakit lagi kang natatapunan? Akala ko kasi basurahan" sabi nung kulot na hindi ko kilala.

Buti nalang hindi namantsiyahan yung damit ko, tumakbo ako papuntang cr at naghilamos. Gets ko naman kung bat sila ganyan sakin eh. Pagkatapos ko maghilamos at alisin yung lagkit sa balat ko, lumabas na ako ng cr para balikan si khalil.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko yung babae, si wade, si khalil at si ginie na magkakasama. Mukhang seryoso yung topic nila kaya tumalikod na ako para dahan-dahan lumayo. Hindi ko ata mkakayanan harapin ulit si wade.

"Ako. Kaibigan niya ako." Sabi ni ginie

"Tumigil ka na wade, lumayo ka nalang" sambit naman ni khalil

"Lil, you know me" boses ni wade yun

"I know. Kaya nga mas mabuting malayo ka kay amber" hindi ko na narinig yung iba pang usapan nila dahil tuluyan na akong nakalayo sa lugar na yun.

Seconds, minutes, hours, days, weeks, and months after.
Unti-unti narin akong naging okay
Di nga lang gaya ng dati pero okay lang

Narinig ko na magtra-transfer na daw ako ng school next year.
Susulitin ko na ito, one day makakalimutan din kita wade.

"Totoo ba yun?" Pagtatanong nila ginie, khalil at william.

"Oo" nahihiya ko pang sabi. Para kasi silang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Girl, andito lang kami lagi" sabi ni ginie

"Kung wala ka ng malibre, andito lang ako" pangungulit naman ni william. Siniko siya ni ginie, feeling ko tuloy may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Tinignan ko si khalil na nakatingin lang sakin na malungkot

"Wala ka bang sasabihin?" Pang-aasar ko kay khalil.

"Penge digits" sabi ni khalil kaya natawa kaming lahat.

Mamimiss ko yung kakulitan nilang lahat pero in order to make them happy, I have to fix myself first.

While I was scrolling sa facebook nakita ko yung shinare na post ni trixie.


Trixie shared a post from
Wade wesley warner's angels:
This is the lyrics to wade's first song.

Hindi ako nagbibiro
Utak ko nga ay tuliro
Pero pagdating sayo
Malinaw na ang intensiyon ko
Ang protektahan, pasayahin at angkinin ka
Marahil nga'y hindi  ka naniniwala
Pero di ko man nasasabi sa'yo
Mahal parin kita
At yan ay totoo

Agad ko ng sinarado yung app at nag-youtube nalang pero si wade parin bumubungad sakin.

May isang video na may caption na "wade wesley warner's bihag" so gumawa din pala siya ng spoken word?



Ilang beses ko bang sasabihin sayo?
Wag mong prinoproblema yung nararamdaman ko sayo
Kasi kahit ilang beses pa'ko diktahan ng iba
Sayong-sayo lang ako titingala
Ang puso ko'y pinako mo
Ginawa mong isang alila
Nung ako'y pakawalan mo
Nagsisi ako
Ayoko ng maging malaya
Kung sa pagiging malaya ay magiging malayo ka na
Mas gugustuhin ko pang nakakulong sayo
Basta siguraduhin mo lang na ako lang ang preso mo
At ang magiging kulungan ko ay yang puso mo

Bitin. para kanino naman kaya yan? Sa panibagong babae ng pinaglalaruan niya? Ang tanga naman nun.

Parang ako lang.

Nagbasa ako ng mga comments.

"Omg, wade mylabs"

"Buntis na'ko myghad!"

"Happy anniversary satin dalawa, super happy talaga si me"

"Wade is so talented talaga, bravo"

"Classmate ko yan!"

"Owemjiiii"

"Kapag nakita kita kikidnapin kita tas sakin ka na, ikaw naman ang preso ko"

Bakit puro positive ata comments nito? Siguro nagsisipag magdelete ng negative comments? Pinatay ko nalang yung phone ko at naghanap nalang ako ng makakakain.

"Nakakagutom"

He who left meWhere stories live. Discover now