Akala mo lang.

2 0 0
                                    

Wade wesley warner's POV
Ilang beses ko ng nakita si amber na kasama si khalil. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kung anong galit sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang lalaki, naiinis ako.

Bakit hindi manlang sila naapektuhan?
Bakit kaya nilang tumitig sa mata niya?

Bakit ang manhid ng babaeng yan? Tsina-tsansingan na siya tuwang-tuwa pa siya?

"Lil, sino nga pala yung babaeng kausap mo kanina? Girlfriend mo?" Pangaasar ko sakanya. Kailangan ko ng info.

"Ahhh si amber? Manahimik ka nga jan wade" at sinapak niya ako sa braso.

Lumipas yung ilang araw nagpasya akong simulan na yung plano ko.
Nagantay ako sa labas ng theater club.
Wala pang limang minuto nung lumabas siya.

"Amberlynn"unang banggit ko ng pangalan niya biglang kumabog yung puso ko. Paano kung di ko siya mapapayag? "kain tayo sa labas?" Bigla siyang namutla. Gusto kong bawiin yung sinabi ko at sabihin na nagbibiro lang ako.

Hindi siya umimik.
Akala ko pamandin kapag tinanong ko siya bigla siyang o-oo sa tanong ko.
Akala ko igra-grab na niya yung opportunity.
Ano kayang iniisip niya?

"My treat. Wala kang babayaran ni singko" sabi ko. Naramdaman ko yung mabibigat niyang paghinga. "So?" Tumango siya ng mabilis

"S... sige" plan started.

Ilang beses ko na siyang hino-hot seat pero wala parin akong makuha. Playgirl ka? Playboy ako. Destined tayo magsama.

Kinausap ko yung driver ko pauwi. Bago pa lang ito at di katandaan. Baka magka-crush dito si amber kaya inutusan ko siya na kahit anong mangyari wag niyang lilingunin si amber.

Diretso lang ang takbo.

Kahit naiihi na siya, wag pababain hanggat di niya pa bahay yun.
"Ingatan mo siya" bilin ko sakanya.

Mula nung gabing yun bigla nalang nagbago yung turingan namin ni amber.
Nalaman ko na hirap matulog si amber kapag gabi kaya inaabot siya 12am na nakatingala sa kisame.

"Pst. Uy, matulog ka na" sambit ko sa phone ko

"Di pako inaantok" sagot ni amber kaya napangiti ako.

" Lift your head🎶
Baby don't be scared
Of the things that could go wrong
Along the way
You'll get by
With a smile"

"Amber?" Wala ng sumasagot. "Amber? Tulog ka na ba?" Hindi parin siya umiimik pero bukas parin yung call "Sige, di na kita iistorbohin. Sweet dreams amber, I love you" at pinatay ko na yung call

Ilang araw din kaming sabay nage-exercise. Nagjo-jogging kami sa umaga. Lagi siyang nauuna sa pagtakbo habang ako nasa likod niya, nakasunod lang.

"Ouch" nakita ko nalang si amber na nasa sahig.
Dumudugo yung tuhod niya.

"Wait.... hugasan natin baka mainfect" binuhat ko siya hanggang sa bahay niya. Hindi rin naman siya makakalakad ng maayos, mahihirapan lang akong panoorin siya.

Nakatitig siya sakin habang binubuhat ko siya. Mukhang malayo yung iniisip niya. "Amber?" Hindi parin siya umiimik "I love you" parang hindi niya ako naririnig. Parang nasa ibang dimensiyon yung isip niya. Napangiti nalang ako.

He who left meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon