Nothing special.

3 0 0
                                    

Pinapanood ko habang kumakain si tiary, wala akong ganang kumain. Feeling ko kasi tumataba nako? I dont know.

"Di ka ba kakain?" Pagtatanong ni tiary

"Busog pa'ko, kumain ako sa bahay"

"You sure?"

"Yes, tiary"

"Suit yourself" sabay kumain na siya.

Iniisip ko parin kung may possibility kayang nainlove na si william? The william I know loko-loko inside pero diba sabi nila na super serious ni william sa school? Then baka nga wala pa.

Pero sino ba'ko para husgahan siya. Itatanong ko nalang sakanya later.

"Here" nagulat ako kasi may naglapag ng isang plato ng kanin at kung ano-anong ulam. Pagangat ko ng tingin ko nakita ko si jack hill.

"Sakin?" Pagtatanong ko. Bigla ka ba naman bigyan ng pagkain ng student president. Ginagawa niya ba'to sa lahat?

"Tingin mo?" Nagtaasan yung kilay niya.

"T..thankyou mr.president but Im full" pagdadahilan ko. Yung totoo hindi pa talaga ako kumain kahit sa bahay, wala lang akong gana ngayon. Andaming tumatakbo sa isip ko, isa na'tong taong ito.

"First of all, wala akong sinabing tawagin mo akong ganon.
Second, Hindi ka pa kumakain. Halata naman.
Laslty, I hate liars. Kainin mo yan wag mo sinasayang yung pagkain" tumalikod na siya at naglakad papalayo. Ang weird nun. Tinitigan ko yung pagkain... hindi naman masama? Atleast libre diba?

Jack hill's POV
Nahagip ng mata ko yung amberlynn na sinasabi ni william. Vinideohan ko yung amberlynn habang kinakausap yung isang babae at sinend ko kay william.

"Is she that amberlynn?"

"Yes, oh and btw hindi pa yan kumakain"

"Good for her"

"Bro, feed her for me"

"Fine." Gusto ko pa sanang magdahilan na kesyo may magagalit pero di nako nakaangal.

Bumili ako ng pagkain at nilapag sa harap niya.

"Here" dahan-dahan niyang inangat yung tingin niya.

"Sakin?"

"Tingin mo?" Edi sana dun ako sa babaeng kausap niya nakatingin.

"T..thankyou mr.president but Im full" mr.president? Hindi naman yun yung pagpapakilala ko sakanya ah.

"First of all, wala akong sinabing tawagin mo akong ganon.
Second, Hindi ka pa kumakain. Halata naman.
Laslty, I hate liars. Kainin mo yan wag mo sinasayang yung pagkain" tumalikod na'ko at umalis. Di ko naman talaga dapat ginawa yan eh

AMBERLYNN RAMIREZ POV
Nung maguwian hinanap ko si mr. Presid— este si jack. Nahanap ko naman siya sa may garden na may kausap na babae. Babayaran ko sana yung binili niyang pagkain para sakin.

Pero hindi pako nakakalapit tumigil ako nung marinig ko usapan nila.

"... I really hate you jack" naalala ko nanaman yung sinabi ko kay wade. That's the last thing na sinabi ko.

"tinanong mo ba ako kung anong nararamdaman ko sayo?" naghihingalong sabi nung jack, parang iiyak na yung tono.

"Alam mo kahit ayoko pinilit ko diba? Akala ko kasi magwo-work pero ikaw mismo ayaw mong magwork yung 'tayo' " sabi nung babae.

"You're nothing special to me" sambit ni jack kaya nagulat ako at nagbalak ng umalis.

Maglalakad na sana ako pero nagulat ako ng makarinig ako ng hampas at biglang tumatakbo yung babaeng nandun. Hindi ko nakita yung mukha niya kasi mabilis yung pangyayari pero pagsilip ko ulit kay jack. Nakaupo siya dun at nakahawak sa pisngi niya, tumulo yung luha niya at pinagsasapak yung mga bagay na nasa paligid niya kaya tumakbo ako papalapit sakanya,

Hindi ko rin alam kung bat ginawa ko yun. Biglaan kasi.

"STOOOP" SiGaw ko ng malakas kaya napalingon siya sakin at nakita ko yung namumugto niyang mata na umaapoy sa galit.

"Why are you here?" Hinawakan niya ng madiin yung braso ko. "Anong narinig mo?"

"SAGOT!" bigla siyang sumigaw kaya napapikit ako.

"Jack, masakit" pabulong kong sabi. Ang higpit kasi ng hawak niya sa braso ko.

Dahan-dahan lumuwag yung pagkakahawak niya sakin at napaupo at napatakip sa mukha niya.

"Kakarating ko lang, narinig kong may parang nasisira kaya hinanap ko para icheck" hindi parin siya kumikibo. Kinailangan ko magsinungaling kasi nakakatakot siya ngayon.

"Alam mo, kapag kinimkim mo yan sa sarili mo. Mas bibigat ng bibigat yan." Hindi parin siya umiimik kaya tinabihan ko na siya."alam kong hindi kayo sanay mga lalaki na nago-open up ng feelings niyo at idinadaan niyo sa alak pero hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki yung pagiyak eh. Tao lang din kayo. Hindi kayo bakal"

Hindi parin siya sumasagot "andito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Wala akong pagsasabihan, promise." Hindi parin siya umiimik kaya tumayo na ako at nilapag yung sobre na may laman nung bayad ko sa tabi niya,

"Thankyou nga pala jack sa kanina" tumalikod na ako "at oo nga pala, wag kang magaalala. Wala akong pagsasabihan ng nangyari ngayong gabi. Goodnight" umalis na ako at dumiretso sa parking lot.

Nakita ko si khalil kaya tumakbo ako at niyakap siya. "Namiss kitaaaa" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He who left meWhere stories live. Discover now