The day I met him

10 0 0
                                    

"Hi. My name is amberlynn ramirez, mahilig akong kumanta kasi dun ko nae-express yung feelings at salitang hindi ko kayang sabihin"

And yes... yan nga ang intro ko sa first day ko dito sa stanford university. Transferee ako. Lumipat ako dito dahil kay william madrigal, one of my childhood bestfriend yung isa ko pang bestfriend ay si tenaliya scott kaso after elementary nangibang-bansa na siya para dun na magpatuloy ng kanyang paga-aral. Nami-miss namin siya pero wala naman kaming magagawa kaya kinailangan nalang namin ni william na masanay.

"Earth to amber" pagtataas ni william ng boses at dun ko narealize na nasa canteen pa nga pala kami ni william. "Ano bang iniisip mo? Mind sharing it with me?"

"Wala" natatawa kong sabi sabay kain ng fries na inorder niya para sakin.

"Wala? Eh bat parang nalulunod ka na sa thoughts mo. Sa sobrang layo nakarating ka na sa bahay nila tenaliya sa u.s?"

"OA naman neto" napailing nalang ako kay william.

Habang ninanamnam ko ang fries na kinakain ko may bigla nalang natapon sakin
Mabilis ang pangyayari kaya napatayo agad ako ng maramdaman ko ang malamig na liquid substance na nagmula sa balikat ko pababa sa katawan ko.
Pagtingin ko sa taong nakatapon nun nakita kong nakangiti siya.
Babaeng payat na kulay dilaw ang buhok.

"Ooops, tinutulungan lang naman kita eh" pambungad niya sa nakakaasar niyang tono habang nakasmirk.

Napakunot ako. Tulong? Tulong saan?

"Parang kating-kati ka na kasi lumandi baka sakali lang makatulong yung tubig" nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakaimik.

"Leave her alone" may pagbabanta sa boses ni william. Hinila ako ni william at pinunasan niya yung balikat ko gamit yung panyo niya.

May isa pang lalaki na lumapit. "I saw that." Sabi ng lalaking moreno na may katangkaran at may nakakapanindig balahibo na boses. "Penalty. Bullying the transferee?" Nakakatakot yung titig nung lalaki na bigla nalang sumulpot.

"S... president... s... si...siya naman nanguna eh, nananahimik lang ako nung simulan niya ako irapan tas nung dumaan ako bi..bigla niya akong pinatid kaya nabuhusan siya ng tubig" pagdadahilan nung babae na nanapon ng tubig.

Woah
WOAH
WOAHHHH
Ako ang nangiirap? Eh hindi nga ako marunong nun! Kakalbuhin ko yung pilikmata neto nakakagigil ha. Jusmiyo.

"I'll repeat what I've said and I'll only say this one more time" huminga ng malalim yung lalaki bago ulit nagsalita "I saw what you did. Penalty or principal's office?"

"P..penalty president"

Naglakad si president kuno at sumunod si ate girl na nanapon. "Gusto mo uwi ka muna para makapagpalit ka?" Pagtatanong ni william

"William"

"Hmm?"

"Sino yun?"

"Sino?" Natigilan si william at napakunot ng noo pero di rin katagalan ng napangiti siya sabay sabi ng "si trixie, may crush sakin"

"Hindi yun, yung president"

"Ahhhh, si wade"

Wade. Wade pala pangalan niya. Wala manlang proper introduction? Pero sabagay baka kailangan niya muna gawin trabaho niya as student president.



"Here" may inabot sakin si william na paperbag na brown.
Kinuha ko ito at tinignan yung laman. Uniform ng pangbabae.

"San ka nakakuha?" Pagtataka kong tanong.

"Pumunta ako sa bahay mo para makahingi kay tita ng pwede mong suotin at ito ang binigay sakin" seryoso niyang sabi kaya sinapak ko siya sa balikat dahilan kung bakit siya napahawak sa balikat. "Bakit mo naman ako sinapak?"

He who left meWhere stories live. Discover now