"Pagpapanggap"

2 0 0
                                    

Ilang araw na paglolokohan.
Mga nasayang na pekeng lambingan
At mga luhang hindi naman kawalan
Bakit kailangan umabot sa puntong ito?
Ano bang plano mo?
Bakit kailangan mo ako pahulugin sayo
At di planuhin na isalo?

Hindi pa ba ako sapat sayo?
O mali yung tanong ko?
Hindi ka pa ba nakukuntento?
Yung mga sandaling akala ko special
Ilang babae na kaya ang tinawag mo na "mahal"
Akala ko ba matalino ka?
Bakit hindi mo kayang magmahal ng taong mahal ka
Bakit mo binabalewala yung taong pinahahalagahan ka
Bakit ang dali-dali mong manghusga
Ang mga mata mo'y limitado lang ang nakikita
At ang taong nakakakita ng panloob na katangian ay biniyayaan
Isa ako sa mga biniyayaan pero pinabayaan
Pinabayaan ng taong aking pinagkatiwalaan
Mga pangako mong sandaling pinanindigan pero agad mo ding binitawan
Mga iyakan at yakapan na iyo ng napagpraktisan
Hindi lang sa akin kundi sa karamihan
Manloloko ka pala
At ako ang napili mong laruan at pagtripan
Wag ka magalala mahal ko
Sinisigurado kong last na yan
Tuluyan na kitang bibitawan at iiwanan
Para naman hindi kita naaabala
Nakakatakot, baka lumabas na kasalanan ko pa
Ipagkalat mo na ako ang nangiwan sayo gaya ng mga babaeng saki'y siniraan mo

Sana sinulit mo yung halikan ng panibago mong kalaro
Aaminin ko, mamimiss kita
Pero kailangan ko ng matulog
Para ako'y magising sa katotohanang hindi kita kailangan
Hindi ko kailangan ng mapaglilibangan
Dahil ang mga ala-alang ating nilikha pareho ay isang expired na produkto
Na ayoko ng muli pang maranasan, balikan o muling maramdaman

Ang mga leksyon mo ay leksyon na akin ng lubusan natutunan
At hindi na pang muling  magtatanga-tangahan
Aking munting kalaro
Ako'y magpapaalam na
Magiingat ka sa pakikipaglaro sa iba
Dahil baka magkamali ka ng galaw
At ikaw ang sa dulo matalo
At mabigo
At baka kailanganin mo ng taong tutulungan ka tumayo
Gusto ko lang ipaalala sayo na sinaktan mo'ko
Hindi lang dahil natalo ako sa laro
Kundi dahil tumawa ka nung alam mong ako'y talo na
Hinayaan mo akong lumuha at madurog habang nagaaya kang makipaglaro sa iba

Kaya mahal, sana makahanap ka ng magmamahal muli sayo ng tunay
Mas maganda sana yung katulad mo
Para match kayo

Hanggang dito nalang.

Ang natalo mong kalaro
Amberlynn ramirez

He who left meWhere stories live. Discover now