Meet me in the hallway.

3 0 0
                                    

Bumalik sa dati lahat. Si william na ulit naghahatid at sundo sakin.
Papunta kami ni william sa art club
Sinabi ko kasi kay william na gusto ko i-try yung art.

"Manghihiram lang ako ng ilang materials" sabi ni william

Tumango lang ako.

Napatigil si william at nakapout na nakatingin sa'kin "you know what? Kumain muna tayo ng chocolate ice cream" at hinila niya ako sa kabilang direksiyon pero nagpumiglas ako na natatawa

"Materials muna william tapos after nun tsaka tayo kakain" pagpupumilit ko

Nakatingin siya sakin.
Mali. Sa likod ko kaya napalingon ako. nakita ko si wade na may pinapagalitan.
Ngayon ko nalang ulit siya nakita after nung picture.

Pagkatapos ni wade pagalitan yung babae naglakad siya sa direksiyon ko pero hindi siya nakatingin sakin, para bang hindi niya ako nakita at malayo yung tingin niya. Mas galit yung emosyon niya ngayon.

Bigla niya akong nabangga.
Parang nagslow mo na naman lahat at yung pagdikit ng balat namin.
Pagkatapos niya akong mabangga inangat niya yung tingin niya sakin na may galit na expression sa mukha.

"Nakaharang sa hallwa—" natigilan siya at dahan-dahan nawala yung kunot ng noo niya at galit niya sa mukha. "A...amber" sabi niyang pabulong na ngayon malungkot ang emosyon. He's so good. Akala ko talaga malungkot siya. Gusto ko na naman tuloy bumalik sakanya kahit alam kong ginagawa lang akong tanga.

But no.

Hinila ako ni william papalayo hanggang sa nakarating kami sa ice cream store.
"2 chocolate ice cream please" sabi ni william. Ang weird. Bakit kapag si william bumibili nakangiti yung tindera? Tas kapag ako bumibili nakasimangot siya.
Tapatan ko kaya ito ng camera lagi pag bumibili ako?
Regaluhan ko kaya ng cheese?

"Here, ambertotski" minsan napapailing nalang ako kay witot. Inabot sakin ni william yung ice cream. Kinain ko ito. Pagkain ito eh.

"Bukas nalang kita tuturuan, after class" tumango lang ako habang busy sa pagkain ng ice cream. Isa ito sa mga spot na pinupuntahan namin ni wade noon. Napaisip naman ako, pagpapanggap lang ba pati yun?

Kung ganon sinayang niya lang yung oras ko.

"William"

"Hmm?" Sabi ni william na kalat-kalat yung ice cream sa mukha.

"May bibilhin lang ako sa labas" nagsimulang tumayo si william pero pinigilan ko siya.

"Sandali lang ako"

"Amber, anong bibilhin mo?" Tanong ni william

"Basta" at naglakad na ako papalabas. For sure hindi ako papayagan ni william makipagusap kay wade pero kailangan ko kasi.

Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si prudence na may black eye. Napano kaya siya? Nauntog? Karma?

Hinarang ko siya at nagulat siya ng makita ako.

"Si wade?" Pagtatanong ko sakanya

"A... amber?"

"Amberlynn ramirez not amber. Si wade?"

"Baka nasa bench nagbabasa"

Naglakad ako papunta sa bench kung san ko siya nakitang nagbabasa at andun siya.
Pero imbes na libro hawak niya meron siyang papel na hawak.

Naglakad ako papalapit sakanya kahit ambigat sa pakiramdam.
Hindi ko mahanap yung boses ko.

Nakita ko yung nakasulat sa papel. "Pagpapanggap" binabasa niya.

"Sorry" naghihingalo niyang sabi.

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ipagtatabuyan ko nanaman palayo. Salungat yung sinisigaw ng utak ko sa sinisigaw ng puso ko.

Inangat niya yung tingin niya sa aking mga mata. Pakiramdam ko nangyari na ito.

"Amber, Im sorry for hurting you" may namuong luha sa mata niya.

"For hurting me? How about for breaking me?" Walang emosyon kong sabi.

"Im sorry"

Napailing ako "no, wade. Nangyari na. I can't promise to forgive you. Gusto ko lang linawin" napahinga ako ng malalim "ano ba tayo? Ano ba ako sayo?" Alam kong alam ko na yung sagot niya pero nagbaka sakali lang ako. Gusto kong sa bibig niya mismong magmula.

Sabihin mong wala akong halaga sayo wade para once and for all tapos na.
Hindi na ako aasa.
Hindi ko na ipagpipilitan.

"A..amber" hindi niya masagot. Ganon ba kahirap yun?
Ganon ba kahirap sabihin na mahalaga ako kung mahalaga naman talaga ako?
Siguro nakokonsensya na siya sa panloloko niya.
Pero wala parin siyang nararamdaman sakin.

Nagsimulang mamuo yung luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya kaya tinalikuran ko siya.

"I hate you, wade" naglakad na ako papalayo habang pabalik na ako sa ice cream shop. Andun parin si william pero this time kasama niya na si ginie.

"So? Asan na yung binili mo?" Sambit ni william na katabi si ginie.

"Hi, amber" sabi ni ginie kaya nginitian ko siya.

"Out of stock"

"Ha? Eh bat ang tagal mo?" Tanong ni william

"Sinigurado ko kasi yung tindero kung wala na ba talaga"
Hindi na ulit nagsalita si william pagkatapos niyan.

Silang dalawa lang ni ginie yung naguusap, naging third wheel ako. Pero okay lang. baka kung wala si ginie, awkward dito dahil hindi ko makakausap ng matino si william.

Tama na amberlynn.
Let go na.

Kasi siya, in the first place.. hindi naman naghold on.

He who left meWhere stories live. Discover now