Chapter 1 : Welcome

438 13 13
                                    

INTRODUCTION:

Sa mga hindi po nakakakilala sa IV of Spades, isa po silang banda na may apat na miyembro. Sila UNIQUE SALONGA, ZILD BENITEZ, BLASTER SILONGA, at BADJAO DE CASTRO.

May mga iniba din ako. Sana naman maintindihan ng iba. Hindi yung magcocomment pa ng, "ay hindi naman ganyan si ano." Inuulit ko, may mga iniba po ako.

Ikinalukungkot ko mang sabihin pero since May 5,2018 nagleft na si Unique sa band. Pero Here I am, i still want to write a story na kasama pa rin sya. Kasi nandito pa rin si Unique...sa puso ko. Habang buhay...

SUPPORT MAMSSHHHH!!

//////

Blaster's POV

"Ano na guys? Ano daw sabi ni Paps?" Tanong ko kay Zild na pilit na tinututok ang tenga sa pinto para marinig ang pinag uusapan ni Paps Kean at ng buong Team sa loob ng meeting room.

Nag-iisip sila kung saan nanaman kami lilipat. Napaalis nanaman kasi kami sa building namin. Hindi kami pwede sa bahay ng bawat member dahil maiingayan din sa amin ang mga kapitbahay. No choice. Wala na kaming maisip na lugar.

"Mukang nakapag decide na sila wait.. Wait.." Eka ni zild at saka nya kami hinawi lahat.

"Lalabas na sila." sabi ni Zild at saka kami umatras lahat.

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto, sa halip na sila ay malungkot, tila kasiyahan ang mababakas sa kanilang mga muka.

"Boys, get ready. We found a new place kung saan tayo mag sstay buong team." Sabi ni Paps.

Nagka problema kasi kami sa studio namin. Kesyo naiingayan daw sa amin yung katabing room sa building. Kahit na soundproof, halos nadadama pa din daw nila yung bawat kalabog ng drum ni Badj. Keaarte ng mga taong to! Jusmiyo marimar!

So eto nga kami ngayon hano, naghahanap ng bagong kanlungan. Bagong kaaway nanaman.

"Paps, baka magalit ulit satin yung lilipatan nating building?" seryosong sabi ni Unique.

"Don't worry boys, hindi na tayo sa building titira o sa kahit anong upahan pa yan." Pagmamayabang ni Paps.

"Wow, eh saan?" Tanong ni Badj habang nakangiti.

"May nag offer sa atin. Sa mismong mansion nila tayo magsstay, as long as gusto natin, kahit habang buhay pa daw." Sabi ni Paps. Halos pumalakpak yung tenga namin sa narinig namin. Mansion? Malaki naman siguro yun at sure na wala ng makakarinig ng ingay namin pag nagpapractice.

"Mansion? Wow, so mayaman sila? Eh bakit naman ata biglang nag offer satin ng ganon? Merong kundisyon hano Paps?" Eka ni Unique. Napaisip din ako. Oo nga no?

Pero wala na kong pake! HAHAHAHHAHA aba iisipin mo pa ba kung bakit kayo pinatira? Ang mahalaga sa mansion na kami titira!

Ganyan talaga yang si Unique, masyadong nag iisip ng kung ano ano.

"So ano yung kundisyon Paps?" Tanong ni Badj na seryoso na din.

"Eto na nga, kailangan nating bantayan yung anak nilang babae." Eka ni Paps.

"So gagawin tayong babysitter?" Tanong ni Unique na medyo nag iiba na yung timpla.

"No.No.No. Eighteen years old na yung anak nila. Ang ibig nilang sabihin, parang tayo lang yung magbabalita ng kalagayan ng anak nila. Kasi silang mag asawa ay nag aasikaso ng business nila sa ibang bansa. So yung daughter lang nila usually naiiwan sa mansion kasama ng dalawang yaya." Kwento ni Paps.

Living with IV of Spades [COMPLETED]Where stories live. Discover now