Epilogue (Part Two: Last Part)

194K 2.7K 246
  • Dedicated kay TeamNickniquefans
                                    

Epilogue (Part Two: Last Part)

 

 

“Mommy!”

“Baby, Cheska! Hey..” Kaagad kinarga ni Monique ang apat na taong gulang na anak na babae nang bigla itong pumunta sa kwarto niya habang inaayos ng mga crew ang gown at ang make-up niya.

Umiiyak ito habang karga-karga niya ito sa kandungan niya. Hindi kasi siya makagalaw ng maayos dahil sa sinusuot niyang white gown at ang kasalukuyang pagmemake-up sa kanya ng make-up artist.

“Mommy..” sumisinghot-singhot pa ito. “Sila kuya.. inaaway ako..” sumbong nito sa kanya habang umiiyak pa rin. Hindi tuloy maiwasan ni Monique na mapangiti rito.

She sighed as she wiped off the tears from her daughter’s eyes, talagang sanay na sanay na siya sa mga ito. Si Cheska Monique lagi ang umuuwing luhaan sa tatlo. “Baby, don’t cry.” Alo niya sa anak kaya tumahan na rin ito, then she got some hair strands from her daughter’s face and tucked it behind her ear. “Don’t worry, Mommy will punish your kuyas. Saka, smile. Diba sabi ni Mommy na dapat laging nakasmile kasi smiling means..”

“Beautiful!” Cheska enthusiastically answered. Si Cheska Monique din kasi ang pinakabunso sa tatlo, ito ang pinakahuling lumabas mula sa sinapupunan niya. And the two boys were older. Kaya minsan, nasasanay na siya sa kakulitan ng tatlo.

When she gave birth, hindi ineexpect na magkakatriplets kaagad sila Nick. Well, they were only expecting twins ayon sa napapansin ng iba sa tiyan niya. But expect the unexpected, hindi niya aakalain na magiging tatlo pala. But she was still happy. She is very happy to have three little cute angels. Parang bawing-bawi talaga ang hirap niya sa pagpapanganak sa mga ito.

Ngayon, she and her husband are both happy and contented with their lives.

“Mommy!” bigla namang pumasok ang dalawang batang lalake at nilapitan agad siya. Humihingal pa ang dalawa na lumapit sa kanya na pawis na pawis pa at aminado siyang naglalaro na naman ito.

“Chris! Chace! What did you do to your sister?” she raised her voice, just enough para makaramdam ng takot ang dalawa. Minsan, nagiging makulit na talaga ang dalawang ito. Pinagdidiskitahan lagi ng dalawa ang babaeng kapatid nitong si Cheska.

“Mommy..” Christopher Troy, the oldest of the three started. Mukhang natakot ito. And yes, sa tatlo, ito ang pinakamakulit or she would say, the most playful and naughty. Ito lagi ang nangunguna sa mga kalokohan sa magkakapatid. “A-Ano.. eh.. m-may.. nakuha kasi kaming.. grasshopper sa garden tapos..”

“Tapos.. tinakot namin si Cheska.” Kibit-balikat namang sagot ni Chace Nicholas sa kanya. Sa tatlo, ito ang pinakatahimik at pinakaseryoso. Sabi ng ilan, both of the boys got all the face features from her husband, Nick. While Cheska, well, kamukha naman daw niya.

“Ah—, Chace naman e!” Chris argued in a childish tone. Mukhang ayaw nitong sabihin ni Chace ang totoo sa kanya.

“Chris, Chace.” She eyed the two of them and then the two became silent. Nakaupo pa rin si Cheska sa kandungan niya. “Next time, sa susunod na aawayin niyo na naman si Cheska, Mommy will punish the two of you.”

“Yes, Mommy.” Both answered in unison.

Monique face then softened. Kahit minsan nakukulitan na siya sa mga ito, she will always love them very much. Nakakagaan talaga sa puso kapag nakikita niya ang tatlo. “Come here, the two of you.”

Kaagad namang lumapit ang dalawa sa kanya at kinuha niya rito ang hawak-hawak na face towel ni Chris. Kaagad niya iyong pinampunas sa likod ng dalawa. There were sweat all over their bodies.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon